Reels's POV
Ngayong araw magkikita kami ni Vince, ako pa mismo ang nagsabi sa kanya kung saan kaming dalawa magkikita.
Susubukan ko lang naman eh, gagawin ko ito para kay Sham.
Natatanaw ko na si Vince, kaso biglang tumawag si Sham telling na inatake ng highblood si mama. Ayaw ko naman hindi siputin tong si Vince kaya nagmadali na kang ako na lapitan sya at para masabi na kailangan ko na rin umalis agad.
Masyado na akong na-ra-rattle, kaya pumayag na ako na samahan ako ni Vince, walang magagawa pagpapabebe ko, kaya hindi na rin ako nag-inarte nang mag insist sya samahan ako.
Pagdating ko sa Ospital sinabi agad ng Doktor na namild stroke si mama. Si mama ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. At hindi ko yata kakayanin ang mawala sya, kaya labis labis talaga ang pag-aalala ko.
Halos isang linggong nanatili si mama sa Ospital, ilang gabing puyatan din, walang magbabantay kay mama kaya napilitan akong mag-absent muna sa trabaho, habang katuwang si Vince. Nakakahiya man, pero pumayag ako na si Vince muna ang magbayad ng hospital bills ni mama, kulang kasi talaga sa budget namin. Kaya kahit nakakahiya, wala na rin akong nagawa.
Naiuwi na rin namin si mama sa bahay, dahil nga sa ginawa ni Vince inaya ko pa syang maghapunan sa bahay.
After that nagpaalam na din sya na di muna makakadalaw dahil may mahalaga daw syang aasikasuhin. Parang gaga lang, Bakit parang na sad ako dahil di sya makakadalaw?
Almost 1 week after, na hindi kami nagkita. Si mama nagrerecover pa rin, wala akong pambayad sa therapy pero nay libre nanan sa Ospital kaya tsinatyagaan na lang namin na regular na maidala sya sa physical therapist. Sana makatulong kay mama, gusto ko pa syang maging malakas, hindi pa ako nakakabawi sa lahat ng sakripisyo nya sakin, sa amin ni Sham.
Pagbalik ni Vince ay pumayag ako na magpunta kami sa place na sya ang pumili. Sa lahat ng ginagawa nya sa akin at sa pamilya ko, nahuhulog na ata ako sa taong ito.
"Vince bakit parang ang mahal naman dito, nakakahiya sayo. Okay naman ako kahit sa tuhog tuhog lang o kaya sa karinderya lang. " usal ko.
"Celebration natin dahil naclose ko na ang deal sa isa sa medyo big time namin na client. Yun ang dahilan kaya medyo naging busy ako the past days, pero for now bago magstart ang project, I'm all yours Reels. Char! Hehehe" pabirong sabi ni Vince.
"Oh sya sige pero next time wag na sa ganito. Mukhang expensive masyado eh. Pero congratulations sayo, sana all." sagot ko pa ulit. Di ko pa pala nabanggit kay Vince na maging Engr talaga ang pangarap ko noon.
"So you mean masusundan pa itong labas natin!?" Ani Vince, with the big smile.
"Bakit naman hindi?" Nahihiya kong sabi.
"Nakaka excite naman, next time dun naman tayo sa place na ikaw ang may gusto." makulit na saad muli ni Vince.
Nginitian ko na lang sya, pagkatapis ay hinayaan ko na lang mag-order si Vince para sakin masyadong mahal kaya nakakahiya na ako pa ang pipili ng gusto ko.
Pagkatapos namin kumain sa very sosyal & expensive na restaurant na yon inaya ko na rin si Vince na pumunta na lang kami sa ibang lugar, pumayag naman sya.
"Ano ba ang meron sa lugar na ito? Bakit gustong gusto mo?" Tanong ni Vince.
"Memorable kasi sakin tong lugar na ito, nung bata pa si Sham madalas kami dito. Dito kami madalas naglalaro, naghahabulan. Saksi ako kung gaano kasaya ang mga bata nya sa tuwing malalaman nya magpupunta nanaman kami dito. Saksi ang lugar na ito sa paglaki ni Sham. At Saksi ako at ang lugar na ito kung paano titigan ni Sham yung mga batang may nanay at may tatay. Masakit man, pero nagfailed ako bilang nanay dahil hindi ko naibigay yung kumpletong pamilya para kay Shammie. Now, kaya ko ito sinasabi sa iyo para malaman mong kung liligawan mo ako. Na may anak ako na naghahanap ng tatay, at kung magpapaligaw man ako ang gusto ko yung lalaking tanggap din ako. Kung magkakaboyfriend man ako ulit, sana yung willing din magpakatatay sa anak ko." Mahaba kong litanya sa harap ni Vince.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022