Chapter 13

2 0 0
                                    

Reels's POV

Mula sa cottage masaya ko lang pinagmamasdan si Shammie, kasama si Vince. Para silang magtatay eh, bakas na bakas yung saya sa mukha ng anak ko. Nandito kami ngayon sa isang resort, gusto sana ni Vince sa resort nya kami mag-outing kaso for renovation daw ito, kaya next time na lang.

Inireready ko na ang aming tanghalian katuwang ko si mama. Kasama rin namin sa outing si Macoy na kapwa busy na rin sa paglalangoy sa dagat.

"Mama, tawagin ko lang po sila para makakain na!" Sabi ko kay mama, saka  nagtungo na sa kinaroroonan ng iba namin kasama.

"Sige anak, bilisan nyo baka lumamig na tong mga pagkain!" Ani mama. Maigi na lang at medyo bumabalik na si mama sa dati. Salamat at dininig ako ng langit na bigyan pa ng malakas na pangangatawan si mama.

"Anak, Vince, Macoy, Cassey, halina na muna kayo kain muna tayo!" Aya ko sa kanila.

Kaagad naman silang nag-si ahon sa tubig. At sinundan na ako sa cottage na nirentahan namin.

Habang mastumatagal masnagiging malapit kami sa isa't-isa ni Vince. Ganun din sya sa aking anak, sa mama ko at sa mga kaibigan ko.

"Kelan mo balak sagutin yang manliligaw mo?'"bulong sakin ni Macoy habang naghahain ng pagkain nya.

"Nasa stage pa lang kami ng getting to know each other no!" Sagot ko naman. Mahina lang kasi baka marinig ni Vince na nasa kabilang side lang ng table. Pinigilan ko na si Macoy sa next nyang sasabihin, ayaw ko lang din kasi talagang nagmamadali. Gusto ko rin masigurado na hindi na ako magiging rebound dito. Minsan talaga sumasagi lang sa isip ko na baka naman di pa talaga move on si Vince. Na baka, panakip butas nya lang ako. Ewan ko ba, bakit naman ang paranoid ko na.
Pakiramdam ko kasi iiwan lang ako ulit, okay lang naman na ako ang iwan kakayanin ko pero si Shammie. Ayaw ko syang umasa na after mabuo namin ang pamilya ay masisira din, dahil hindi pa naman talaga kami sigurado ni Vince sa isa't'isa.

After ng masarap namin na lunch, sinamahan ako ni Vince na maglakad-lakad sa paligid ng resort para magpahindag.

Sa paglalakad namin isang hindi familiar na babae ang nakasalubong ko.

"Oh my G, Cyreels ikaw na ba yan?"usal ng babaeng kaedad ko lang. At mukhang  kilala talaga ako.

"Yes?Hi" Pagtataka ko naman.

"I know na di mo na ko makilala, oo na pango kasi ako nung highschool nagparetoke lang ako alam mo na medyo nagkaron na din. Hehehe! So ano attend ka ba sa alumni next week?" Litanya ng babae na di ko pa rin talaga makilala.

"Gaga,tulaley ka dyan ako to si Magdalena classmate tayo nung highschool tandang tanda kita kasi bukod sa maganda ka at sikat ka sa school noon, tanda ko pa rin nung pinagtanggol mo ako sa mga bully natin na classmates dati. Alam mo bang finally may lakas na ako ng loob na umattend kasi alam ko maganda na ko ngayon, who you sila sakin ngayon. So ano attend ka ba.?" Litanya ng babae. And finally natandaan ko na sya, classmate ko sya nung highschool.

"Magda? Ikaw pala yan hindi ako sure kung maka-attend ako eh!" Sagot ko naman.

"Attend ka para may kasama ako, ay hello pala magdalena is my name. Boyfriend or husband ka ni Cyreels? Pero infairness masgwapo ka sa ex nya."  Dire-diretsong litanya ulit ni Magda.

"Ah hindi, si ano pala si Vince Dela Merced." Pakilala ko kay Vince.

"Oh my g? Vince Dela merced of VDM Construction Firm?"ani Magda.

"I'm a fan, nakita ko yung hotel na ginagawa nyo, very impressive. Grabe solid, by the way I'm an Architect, I've heard na hiring kayo. Gusto ko sana kaso,  nakuha ko na talaga yung dream job ko sa Europe. Baka last na attend ko na din sa alumni kasi next month  pupunta na ako sa Europe and hopefully dun na ako magstay for good!"  kwento pa ni Magda

"Wow, good for you. Congrats!" Ani Vince.

"So Cyreels see you nextweek, pahingi naman akong contact number mo para matawagan kita. Okay!" Ani Magda, pagkatapos kong ibigay nagpaalam na din kami sa kanya dahil wala pa syang balak tumigil sa kakakwento. Hehehe!

"So famous ka pala nung highschool, no wonder marami siguro sayong nagkakagusto non. Well, hindi ko sila masisisi sino ba naman hindi magkakagusto sa isang Cyreels Bermudez!" Litanya ni Vince.

"Cyreels Bermudez na maagang nabuntis, iniwan at walang napatunayan sa buhay. Habang halos lahat ng classmates nya nung highschool ay mga successful na sa kanya kanya nilang career!" Tuloy ko naman sa sinasabi ni Vince. Kapag talaga mayroon akong ckassmate noon na nakikita kong successful na, di ko maiwasan ang madisappoint sa sarili ko. Naalala ko tuloy si Gian, sya lang ang nag-iisang classmate ko noon na nakakaalam kung anong buhay ang meron ako ngayon. Siguro dahil din naging prof ko sya sa isang subject, kaya kahit papano naging close kami kesa nung high school.

"Hindi pa huli ang lahat Reels, almost 2 years na lang may diploma ka na rin. Saka may kanya kanya tayong timing, marahil nauna lang sila pero hindi ibig sabihin na napag-iiwanan ka na. Yung iba nga nabuntis ng maaga pero maspiniling maging dalaga, pero ikaw kahit hindi mo alam kung paano maging nanay maspinili mo yung dapat. Saka sino ba ang nagtataguyod ng pamilya nyo hindi ba ikaw? Yung iba nga may magandang trabaho eh, malaki ang sahod pero never tumulong sa pamilya nila. Pero ikaw, ikaw ang sandigan ng family mo. Sayo sila umaasa!" Mahabang litanya ni Vince. May point namam sya, pero hindi ko pa rin maiwasan yung isipin na buti pa sila, habang ako heto pa rin. Undergrad, dalagang ina, walang napatunayan.

"Sana ganun lang kadali Vince na isaksak sa isip ko yan. Kaso hindi eh, ako kasi si Cyreels Bermudez noon na sikat sa school, consistent honor student, yung akala ng lahat pinakamataas ang mararating kaso hindi pala, ako pala yung isa sa waley lang. Ganito lang!" Malungkot kong Litanya ko pa.

"Ngayon nandito na ako Reels, asahan mong nandito ako palagi para sayo. Saka kung gusto mo umattend sa reunion nyo, sama ako baka may mga classmates ka na pwede kong maging client diba.! Sayang din, bayaran ķita once may marecruit kang client. Income din yon.hehe!" Ani Vince. Kilala nya na rin talaga ako na basta source of income papatulan lahat  basta legal. Ang hirap tuloy magdecide, lalo na malapit nanaman bayaran ng tuition maskailangan kong kumayod, parang ang hirap isingit yung mga ganung event wala din naman akong mapapala.

"Wala naman akong marerecruit, wala naman akong ibang friends maliban kina Cassey and Macoy." sabi ko na lang.

Kinabukasan.

Tumawag sa akin si Magda to confirm kung makaka-attend ako sa reunion ng section lang daw namin nung 4th year highschool na gaganapin sa usang araw, wala naman daw contribution dahil sponsor ng mayayaman namin na kabatch.

Naalala ko yung sinabi ni Vince about sa babayaran nya ako once may marecruit ako na client. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa sayang din kasi bakasakali lang , excited tuloy si Magda na ikwento na meron na nga daw mga nagtatanong sa kanya na kaklase rin namin kung makaka attend ako, dahil naibida nya daw kasi.  Kaya dapat nga daw maka-attend ako.

Bago mag end ang phone call namin ni Magda sinabi rin nyang, formal dress ang attire.

Sinabi ko kay Vince yung tungkol sa almuni na dadaluhan ko kaso nasa Cebu naman pala sya at pero sa araw din na yun ang balik nya, hoping na makaabot sya. Medyo nasad kasi ako at nag-alala, napipilitan lang naman talaga akong umattend dahil sasamahan nya ako, kasi nalaman ko rin mula kay Magda na may mga kaklase daw kami ng naghahanap ng isang magaling na construction firm. Sana makahabol si Vince.

Nagpadala rin si Magda ng letter of invitation para sa reunion, sponsor daw ito ng isa sa pinakamayaman namin na kaklase na ayaw naman sabihin ni Magda dahil surprise daw.

Hoping na hindi kami magkita ni Miguel, ayaw ko dahil hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko. Pero sabi naman ni Gian noon never daw itong umattend sa mga reunion ng high school batch namin.

To be continue.













ONCE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon