" Sham, Totoo ba eversince hindi mo pa nameet ang Daddy mo!?"tanong ng kaklase ni Sham sa kanya. Kanina kasi ay nagkaroon sila ng sharing sa klase at isa nga sa nabahagi ni Sham ay ang tungkol sa Daddy nya.
Tumango lang si Sham.
"Okay lang yan andyan naman mommy mo eh, Pero sana in time matupad yung panalangin mo na magkikita kayo at mabubuo na ang family nyo!"ani Chelsea, sya ang bestfriend ni Sham.
"Ang sad naman pala wala kang Daddy, pano yan sa moving up edi mommy mo ang aattend!?"sabi pa ng isa pa nyang kaklase na si Mica.
"Oo wala naman choice eh, saka wala naman problema don. Napakabait ng mommy ko, for me sya ang best mommy in the world dahil kahit mag-isa nya lang sinisikap nyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Kaya bonus na lang para sakin kung babalik pa yung Daddy ko." Mahabang litanya ni Sham.
"Best ba talaga mommy mo?Eh bakit iniwan!?" Ani Mica, sya talaga yung medyo kontrabida sa life ni Sham since sila talaga ang magkalaban sa pagiging top one sa klase.
"Ano bang sinasabi mo Mica magdahan dahan ka nga. Halika na nga Sham sa loob wag muna lang pansinin!" Aya ni Chelsea.
Reels's POV
Dalawang araw din si Sham nawala sumama sya sa Recollection kasama ang mga kaklase nya.
Pero pag-uwi nya napansin kong may nagbago sa kanya. Paulit-ulit na syang nagtatanong about her Dad, na noon pa man ay pinapaliwanag ko na sa kanya kung bakit kami lang dalawa.
"Mommy, hindi ka ba magtatampo sa akin if one day bumalik si Dad tapos tatanggapin ko pa rin po sya!?"ani Sham, nasa bed kaming dalawa at nakahiga habang nakayakap lang sya sa akin.
"Bakit naman ako anak magtatampo?Daddy mo yon at alam kong mahalaga sayong mameet sya in person. Sana dumating ang araw na hanapin ka nya, kahit hindi na ako anak kasi okay na ako eh. Siguro kung babalik man sya, kahit para sayo na lang." Mahabang litanya ko.
"Sana nga po mommy, ewan ko ba basta sa puso ko andun yung pagnanais po na sana magkita na rin kami. I just wanna hug him, di na ko magtatanong bakit sya umalis basta ang gusto ko na lang makita sya, mayakap sya, makabonding sya!"madamdaming litanya ni Sham sa akin, ramdam ko yung excitement nya.
"Mama, sa tingin mo okay lang si Sham!?" Tanong ko kay mama, nasa sala kami ngayon nakatulog na kasi si Sham habang nag-uusap kami siguro dahil sa pagod kaya madali sya nakatulog. Pero nag-aalala kasi ako sa kanya kasi okay naman sya dati, pero lately nagiging bukam bibig na nya Daddy nya.
"Okay ang anak mo Reels, pinalaki mo sya ng maayos. Sa kabila nga diba ng lahat ng lungkot at sakit na dulot ni Miguel sayo, hindi mo hinayaan na magtanim ng sama ng loob si Sham sa ama nya. Dahil don bilib ako sayo anak, napakabuti mong anak sa akin, napakabuti mo rin nanay kay Sham. Lahat ginagawa mo para sa amin dalawa, kahit na minsan nakakalimutan muna ang sarili mo. At kung hanapin man ni Sham ang daddy nya, hindi dahil may kulang sayo. Kundi dahil,normal lang na maghanap si Sham ng father figure."mahabang litanya ni mama, di ko tuloy mapigilan ang maiyak.
Kailan ko nga ba huling inuna ang sarili ko? Palagi na lang naman inihuhuli ko ang sarili ko, but that's okay. Naniniwala pa rin naman ako na darating din yung tamang panahon para sakin.
"Hindi naman natin alam kung babalik pa si Miguel, bakit hindi ka na lang magboyfriend ulit? Baka kailangan lang na may tumayong ama sa anak mo. 12 years old na sya anak, maipapaliwanag mo na sa kanya yan at sure na maiintindihan ka nya.!" Litanya muli ni mama.
Bagong boyfriend nga ba ang sagot? Kaso wala naman akong manliligaw lahat ng sumubok na mga katrabaho ko binasted ko na. Yung mga kaklase ko naman na may gusto sakin, nako ang babata ayaw ko naman maging mukhang sugar mommy lang nila. Kaya paano naman ako magkakaboyfriend?
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022