AMERYL SUITES.
Reels's POV
Sa pagkakatanda ko sa klase namin noon nasa more or less 40 kami sa isang klase. Officer ako dati, pero dahil hindi naman nga ako active at di nagpaparamdam sa mga kaklase ko ay tinanggal na nila ako at gumawa na sila ng new set of officers. Okay lang naman sa akin, dahil wala naman talaga akong time.
Kahit hindi bukal sa loob ko na pumunta since naka-oo na nga ako kay Magda, & because of Vince offer na rin ay nagpunta na rin ako. Hindi mamahalin ang mga damit ko, pero kahit ukay ukay lang suot ko alam kong magiging mukha akong elegante. Kahit papano hindi ako papahuli when it comes sa fashion. Sabi nga nila wala sa damit yan, nasa nagsusuot yan.
Kagaya ng suot kong pink mini bodycon dress, saka stileto. Nabili ko lang to sa ukay, at nang tingnan ko naman sa salamin ang sarili ko sinong mag aakalang 2nd hand lang mga suot ko. Hindi naman ako conservative type pagdating sa pananamit, kaya komportable ako sa suot ko kahit alam kong hapit na hapit ito sa akin.
Para daw makasigurado si Magda na may kasama syang aattend, dinaanan nya na ako sa bahay para sabay na daw kaming pupunta. Okay lang naman dahil wala namana kong sasakyan, kaya nakatipid din ako sa pamasahe. Hehe!
At eto nga nasa harapan kami ng Ameryl Suites. Sa disensyo at kulay nito, mukha talagang pinag isipan ng may ari ang napaka eleganteng hotel na ito.
"Let's go na Cyreels, excited na ako. Diba classmate natin si Ameryl, wow bongga na nya may sarili ng hotel eh diba sya yung pinakalowest sa atin nung highschool.hehe " ani ni Magda, bago pa man kami tuluyan pumasok sa loob. Happy naman ako sa success ng iba, pero di ko lang maiwasan malungkot para sa sarili ko. For now, taga-sana all na lang muna ako.
Pagpasok namin sa loob ay tinignan muna ang mga names namin sa list ng mga bisita since exclusive lang talaga ang event na to sa section namin. Saglit lang at nakita din naman agad mga pangalan namin.
Yung kabog ng dibdib ko grabe, lalo na nag makaenter na kami sa loob. Para pakiramdam ko all eyes na sa akin.
"Nako, iwan parin talaga ganda namin Reels kapag andyan ka. Wala pa rin talagang kupas.hehe!" Ani Magda. Nako di lang nila alam, isa akong no one. Hay! ganda lang siguro meron ako ngayon.
Hindi pa man ako nakakalapit sa aaming table nina Magda, isang familiar na lalaki ang lumapit sa akin. Si Pao, bestfriend ni Miguel. I know he knows everything pero maging sya iniwasan na din ako noon. Sinuportahan ang kaibigan nyang manloloko.
"Reels, hi!" Bati ni Pao. Mukhang di rin sya komportable na batiin ako.
"Hi, Pao!" Bati ko naman, saka ko sya nginitian na akala mo hindi ako galit sa kanya.
"Hindi ka na galit sa akin!?" Tanong nito sa akin, this time ako at si Pao na lang ang magkaharap nagpaalam na kasi si Magda na mauupo na sya sa table na nakalaan sa amin.
"Pao, matagal na yon. Kalimutan muna." Sagot ko na lang.
"Pasensya ka na ha, kamusta na pala yung baby mo!?"ani Pao.
"Okay naman sya Pao, napalaki ko sya ng maayos 12 years old na sya ngayon." Sabi ko pa.
"Hindi ko ineexpect na makaka-attend ka. Kasi every year umattend ako except nung pandemic since walang naganap na alumni non. Alam mo ba na andito si Miguel?"excited na sabi Pao.
"Ah ganun ba, hindi eh. Actually sasaglit lang din ako pinagbigyan ko lang si magda! Sige ha punatahan ko lang sya muna! Salamat nice meeting you again!" Litanya ko. Hindi ko alam pero parang tinatambol ang dibdib ko ng malaman ko na nandito rin pala si Miguel. After 12 years, parang hindi pa rin ako handa na makita sya ulit pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko.
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022