Vince's POV
Masaya ang puso ko dahil sa nalaman ko, may hinihintay naman pala ako. At first, hindi inakala ko na magkakaroon ako ng chance na maligawan si Reels. From our first meeting sa call center na para lang akong hangin sa kanya, mga panahon na nagpapakanight & shining armour ako, yung unang beses na nakita ko sya sa Bar, naiuwi sa condo ko with her friends. Parang ang imposible lang, pero ngayon unti-unti masnagiging malapit na kami sa isa't-isa.
Si Reels yung babaeng sa unang kita ko palang may kakaiba na syang dalang kilig sa akin. Pero noon akala ko crush lang or naaattract lang ako sa kanya kasi ang sexy at ang ganda nya. Pero ngayon, naiinlove na ako sa kanya. Naiinlove na ako sa babaeng alam kong mayroong mabuting puso.
Natulungan nya ako na maging okay kahit dipa nya alam noon. Ako lang naman yung lalaking nagpropose sa babaeng di rin naman pala sya ang pipiliin sa dulo.
Niloko ako ng long time girlfriend kong si Jane, nabuntis sya ng Kuya ko, na noon pa man ang tingin sa akin kakompetisyon. Halos masira ang ulo ko dahil sa panggagago sa akin.
I quit my job sa company ng pamilya namin, hanggang sa humantong sa kinuha ko na rin ang share ko, pati ang iba ko pang mana. Sa tingin ko kasi hindi na worth it pa magstay pa eh, kaya pinili kong ibuild ulit ang sarili ko nang wala ang mga taong nanakit sa akin.
Bago ko pa maitayo ang VDM Construction Firm, sinigurado ko muna kung ito ang gusto ko kaya sa paghahanap ko sa gusto ko talaga napadpad ako sa pagtatrabaho sa kung saan saan lang. Kaya napadpad ako sa call center at buti na kang napunta ako doon kung saan nakilala ko si Reels, ang babaeng bumagong muli sa pananaw ko.
Umalis ako sa poder ng pamilya ko at piniling mamuhay mag-isa. Pakiramdam ko kakampi silang lahat ni Kuya Marco kaya maspinili kong lumayo na lang.
And for almost a year, unti-unti nakikita ko yung sense ng paglayo ko. Ang magkaroon ako ng sarili kong identity,na hindi na lang nakabuntot sa mga achievements ni Daddy or ni Kuya. Never akong humingi ng tulong kay Dad after kong umalis, kahit alam kong malaki ang connection nya at madali nya akong mahahanapan ng mga clients. Gusto kong maipakita sa kanila na kaya kong maging successful on my own way.
In time babalik ako sa bahay, dala ang success ng VDM Construction Firm at sana may kasama na rin ako non na ipapakilala sa kanila, babaeng makakasama ko habang buhay na. Hindi ko masasabing totally healed na ako sa kabila ng mga nangyari noon, pero mas okay na ako ngayon kumpara noon. Kahit papano, bumabalik na rin yung dating ako ako at sana masmaglevel up pa kaysa sa dating ako.
One year ago.....
"Vince, I'm pregnant!" Ani Jane sa nobyong si Vince. Nasa isang romantic date ang dalawa, 8 years anniversary nila as a couple.
"Eto ba yung anniversary gift mo sa akin!?" Masayang sabi ni Vince, saka nilapitan ang girlfriend at mahigpit na niyakap mula sa likuran nito. Magkaharap sila sa isang romantic dinner date.
"Vince!" Ani Jane naging emotional na ito.
"Pananagutan naman kita ah, Bakit ka ba umiiyak ng ganyan!? Tears of joy?" Ani Vince.
"Happy 8th anniversary mahal, mahal na mahal kita.!" Sagot lang ni Jane. Saka pilit na ngumiti.
Hinawakan naman ni Vince ang dalawang kamay ng nobya.
"I love you so much mahal ko, next year wedding anniversary naman ang ating isecelebrate. Kaya hwag ka ng umiyak, makakasama kay baby!" Ani Vince, saka hinalikan sa labi ang nobya.
Pagkatapos ng kanilang dinner date at inihatid na rin ni Vince ang nobya sa bahay nito.
Labis pa ang pag-alalay ng binata sa nobya.
"Mahal, ingatan mo si baby natin ah." Ani Vince, habang inaalalayan pa ito na makababa ng kotse.
"Vince, I'm sorry!" Ani Jane saka humagulhol ito ng iyak, habang nakayakap kay Vince.
"Bakit ka nagsosorry!?" Kinakabhan na tanong ni Vince. Pero namanage nya pa rin na ngumiti.
"I'm 3 months pregnant Vince, pero hindi sayo to.I'm sorry, I'm sorry!" Ani Jane habang nakayakap pa rin kay Vince, patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"What do you mean Jane!?"ani Vince. Bakas ang kaba sa mukha ng binata.
"I'm sorry, si Marco ang tatay ng pinagbubuntis ko. Masyado ka kasing naging busy, hindi ko na alam. Si Marco ang palaging nandyan, pero maniwala ka ikaw ang mahal. Nagkamali ako, I'm sorry!" Patuloy pa ni Jane, habang si Vince hindi naman makapagsalita dahil sa narinig.
Pero pinili pa rin nyang maging kalmado, pumasok pa rin sya sa loob ng magarbong bahay nina Jane para masigurado na okay ito dahil masyado itong emotional.
"Vince, hindi ko hinihingi ang kapatawaran mo ngayon. Pero sana in time, hindi mo deserve ang masaktan, i'm sorry dahil nasasaktan kita ngayon. Pero kahit pagsisihan ko pa heto na eh, wala na akong magagawa." Medyo kalmado naman na sabi ni Jane.
"Sigurado ka ba na hindi ako ang ama, saka mahal mo ba si Kuya?Ako mahal mo pa ba ako!?" Ani Vince na puno ng pagsusumamo.
"Mahal kita Vince kung alam mo lang kung gaano kita kamahal." Ani Jane
"Anong plano mo!?" Ani Vince.
"Maghiwalay na tayo Vince, hindi na tayo pwede. Hindi ko to gusto, pero kailangan.!" Mangiyak ngiyak ulit na litanya ni Jane..
Nang marinig iyon ay hindi na rin napigilan ni Vince ang mapaluha. Mahal na mahal nya si Jane, pakakasalan na nga nya ito. Walong taon sila, pero mapupunta lang pala ang lahat sa wala.
Nilapitan ni Vince si Jane at niyakap ito.
"Sigurado ka ba na hindi sa akin yan?pwede naman natin sabihin na ako ang ama eh."ani Vince habang nakayakap pa rin kay Jane.
"I'm sorry Vince pero ayaw ko ng dagdagan pa ang kasalanan ko. Ayaw kong lokohin ang sarili kong anak."ani Jane.
"Pipiliin mo si Kuya!?" Tanong ni Vince.
"Yes!... dahil sya ang ama ng baby ko!" Ani Jane saka iniwan na si Vince na natitigilan.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
ONCE AGAIN
General FictionPakiramdam ko mahuhulog na ako kay Vince, pero nung nakita ko ulit si Miguel. Hindi ko na alam. - Reels Date Started: October 7, 2022