Chapter 9

0 0 0
                                    

Vince's POV

Lunch with Reels family.

Wala ng nagawa si Reels at eto nga kahit hindi natuloy ang dinner date namin, nakapaglunch naman ako kasama ang pamilya nya.

"After mo kumain, umuwi kna!"ani Reels sa akin. Mukhang seryoso ang mukha, ayaw ngumiti eh. Pero okay lang, kahit naiinis sya ang mahalaga nakilala ko na ang pinakamamahal nyang pamilya. Saka cute sya kapag naiinis eh.

"Hi Tito Vince, balik ka lang ulit kapag may time ka!" Ani sham sa akin. Nako mukhang magkakasundo pa kami nitong magiging anak ko. Like her mom, maganda sya mukhang nakuha nya ang mata ng mommy nya.

"I want, kaso mukhang sa tingin ng mommy mo sa akin parang ayaw na nya ako pabalikin eh. Pero para sayo babalik ulit ako, kahit nagsusungit ang mommy mo!" Litanya ko pa. Pinanlakian lang ako ng mata ni Reels.

"Mommy talaga oh, sana makabalik ka po Tito Vince!"ani Sham, saka nya ako nginitian.

After ng masarap na lunch pinagtabuyan na din ako ni Reels. Pero ganunpaman happy ako na makilala ang pamilya nya at makasama sila sa simpleng lunch. Looking forward pa rin ako na mauulit to. Hehe!

"Wag ka ng babalik, kasi wala naman akong balak magpaligaw sa kahit kanino. Okay!?"ani Reels pa, seryoso sya talaga.

"Babalik ako hanggang sa mapapayag na kita na ligawan ka. Seryoso ako sayo Reels, at ayaw ko ng pakawalan tong chance na to. Hindi ako susuko" litanya ko pa sa kanya.

"Seriously Vince? Eh diba nga palagi mo lang ako sinusungitan noon sa trabaho,  hindi ka nga halos namamansin tapos bigla nagresign ka lang sa trabaho manliligaw ka na? Anong trip mo!?" Litanya muli ni Reels.

"Noon pa kita gusto, saka ikaw din naman ah hindi ka namamansin noon. Napakasungit mo, until now. Saka nakakahiya naman magpapansin sayo, eh napakasungit mo nga baka ipahiya mo lang ako. Pero dahil wala na ako sa dati natin trabaho, heto ako buong puso handa sa lahat ng pagsubok na ibibigay mo sa akin. Basta hindi ako titigil, I really like you. Oh sige na pumasok ka na sa loob, hwag kang mag-alala mag-iingat ako sa pag-uwi. Thank you sa napakasarap na lunch. Nag-enjoy ako kahit na ang hirap lunukin ng kanin dahil ang talim ng tingin mo.hehehe!" Mahabang litanya ko, napansin kong unti unti ay napapangiti ko sya pero obviously sinikap nyang mapigilan yon. Pero happy pa rin ako, after ko nga masabi yon ay wala ng sinabi pa si Reels pagkatapos at saka tinalikuran na ako at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako kaagad nagtapat kay Reels na gusto ko sya, sinigurado ko rin syempre. Ayaw kong isipin nyang rebound sya kung sakaling magustuhan nya rin ako. Grabe man yung mga struggles na pinagdaanan ko dahil sa love, I'm sure masmatindi yung kay Reels.  Pero sana in time, magtagpo ang aming mga puso.

Reels's POV

Hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Vince, kasi sa totoo lang sya lang naman yung nag-iisang katrabaho kong lalaki na hindi ako pinapansin dati, madalas palagi lang syang busy, tahimik at tila may sariling mundo. Although nabanggit na rin naman sa akin noon nina Mcoy at Cassey na gusto nga raw ako ni Vince, pero hindi ko lang iniintindi kasi siguro nga hindi kasama sa priority ko ang pagboboyfriend, maraming mga bagay ang maskailangan kong pagtuunan ng pansin. Ayaw ko ng madapa ulit, ilang panahon na lang gagraduate na ako, finally magkakadiploma na rin ako. Kaya siguro habang di ko pa naaabot yung pangarap ko para sa amin nila Sham at Mama, maspipiliin ko na lang magpakasingle.

Grocery day namin ngayon, naiwan lang si mama sa bahay dahil nanghihinayang sa benta sa munti namin tindahan. Kaya kami lang ni Sham ang magkasama, bonding na rin namin at quality time. Hindi naman ganon kadami ang bibilhin namin, yung iba nga ay paninda pa sa tindahan saka supply namin sa kusina at hygiene na rin.

"Mommy, Si Tito Vince kamusta sya? Mukhang okay sya!" Ani Sham habang busy ako sa pagtitingin ng aming mga bibilhin.

"Si Vince? Wala yon anak, magkakilala lang kami." Sagot ko naman.

"Mommy talaga oh, Bakit ba ayaw mo magboyfriend? Mukhang okay syang maging Daddy ko, hehe! Ewan ko ba mommy pero magaan po ang loob ko sa kanya.!" Litanya ni Sham. Ilan weeks na rin syang ganito. The last time Daddy nya ang hinahanap nya, ngayon naman si Vince gusto na nyang maging Daddy. At 12, hindi ko ineexpect na ngayon pa sya talaga maghahanap ng father figure. At napakahirap pa lalo iexplain sa kanya, paulit-ulit na lang kami. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sa anak ko, siguro nga hindi talaga sapat na ako lang.

"Magiging happy ka ba talaga kapag nagkaroon ako ng maging boyfriend!?"tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at matamis na ngumiti.

"Yes mommy, gusto ko na sumaya ka rin. Saka syempre gusto ko rin may father figure. Hindi dahil hindi ka sapat mommy, ewan ko ba basta bigla na lang hinahanap ko yung pakiramdam na may Daddy ako. I'm sorry po!" Paliwanag sa akin ni Sham. Ang daming tao sa lugar na ito, pero di ko mapigilan ang yakapin sya. Gusto kong maiyak, pero pinigil ko. Kung kaya ko lang talagang maibigay yung gusto nya, gagawin ko eh.

After maggrocery, nagdecide na kaming umuwi ni Sham. Dahil yata sa pag-uusap namin kanina, tila pareho kaming nawalan ng energy.  Nakasanayan namin sa labas na kumakain after maggrocery, pero pareho kaming walang gana kaya umuwi na lang kami.

Magdamag kong iniisip lahat ng sinabi ni Sham. She  wants a father figure, hinahanap na nya ang kalinga ng isang ama. Akala ko sapat na ako, pero hindi pa rin pala talaga. Gusto kong magalit kay Miguel, pero para saan pa. Siguro subukan ko na lang na magentertaint ng iba. Maghanap ng lalaki na handa akong tanggapin sa kabila ng pagiging single mom ko, yung lalaking ituturing na parang tunay na anak nya si Sham.

Maya-maya sa kabila ng pag-oover think ko ay tumunog ang phone ko, si Vince tumatawag.

Si Vince na hindi ko alam kung seryoso ba, or baka naman wala lang magawa.

Pero para kay Sham, sige subukan kong kausapin to.

"Hello!" Sagot ko.

"Finally, sumagot ka rin sa  tawag ko. Kamusta ka na?" Usal ni Vince mula sa kabilang linya.

"Gabi na, matutulog na ako. Kaya ikaw matulog ka na rin!" Sagot ko naman.

"Nakakakilig naman, pati ako gusto muna matulog. Kaso kakausap pa lang natin tutulugan mo naman ako. Hindi mo nga ako sinipot sa date na sinabi ko, busy ka siguro!"litanya muli ni Vince.

"Hindi ko naman kasi sinabing maghintay ka, pero sige bukas magkita tayo itetext ko kung saan. Goodnight!" Sagot ko, di ko na hinintay na magsalita pa ulit si Vince. Pero nagtype na rin naman ako ng text sa kanya  about sa address kung saan kami magkikita bukas.

Subukan ko para sa anak ko, hindi ako sigurado dito. Pero bahala na bukas.

To be continue.

ONCE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon