I am walking along the hallway with a big smile on my face.
Hehehe.
I feel so happy pero at the same time nervous, kasi ito ang first time kong magbibigay ng dedication para kay Edge. Sabi nga ni Morrie, fourth year na kami so this is it. Wala namang mawawala 'di ba?
So I continued walking through the empty hall. Maaga kasi akong dumating sa school so wala pang gaanong tao.
Oo nga pala siguro naku-curious kayo kung ano ang ibibigay ko kay Edge noh!
Eto yun...
*tada!*
Cookies na nakalagay sa isang heart shaped container.
Ako gumawa niyan!
Oh di ba? Pagkatapos kong i-blackmail si Gian na ipagkakalat ko ang tungkol sa banda niya, pumayag siyang turuan akong mag-bake. At pagkatapos, I made the cookies all by myself kagabi.
Oh 'di ba ang galing ko? Hahaha!
Pati na din yung speech ko kay Edge memorize ko na. Syempre para hindi halata, sasabihin ko na it's a sign of my gratitude sa friendship niya sa akin, sa amin. Na sana mas maging close pa kami. At he shouldn't worry, kasi lahat ng friends ko bibigyan ko nang dedication kaya I don't expect ng kapalit from him (pero syempre echos lang yung lahat bibigyan ko hehehe).
At dahil mabait ako, bilang pasasalamat, nagtabi ako ng ilan para matikman ni Gian ang gawa ko. Ipagmamalaki ko sa kanya ang gawa ko syempre! Bwahahaha!
Patitikimin ko si Gian ng ilan pero di niya alam na nagtabi ako ng isa pang container para sa kanya. Surprise ko yun at bayad para sa free baking lessons niya sa akin. At least, mabait ako sa kanya. See!
I entered our classroom and saw Gian sleeping.
Seriously! Pumapasok lang ang lalaking ito para matulog?!
[Gian's POV]
"Gian."
Naramdaman kong may kumakalabit sa akin.
Ugh. Mamaya na, matutulog muna ako.
"Gian."
I felt that this person tried to shook me a little.
I opened my one eye and turned my head to the left. Nakita kong nakatayo si Tammy sa tabi ko. Ano na naman ang kailangan nito sa akin?
"Bakit?" I asked while
rubbing the sleep away from my eyes.
I used my other hand to cover my yawn.
I leaned back into my seat and sat straight.
"Here," Tammy said while putting a transparent food plastic bag with a cookie in it on my table.
"Ano 'to?"
"It's a cookie. Duh," Tammy said, rolling her eyes.
I stared at the thing, speechless. Uhm, medyo nasunog kasi yung itsura ng cookie eh.
"Ginawa ko ito. Gulat ka noh!" Tammy added, smiling proudly.
"Cookie?..So...nakakain ito?"
Tammy slapped my arm.
"Hoy! Masakit yan ah!"
"Hoy din! Pinaghirapan ko yang gawin! COOKIE YAN!!! COOKIE!!!!"
"Okay, okay," I raise my hand in defeat.
Kinuha ko na yung cookie at kinain.
[Tammy's POV]
I sat down on my seat beside Gian's. Ah...kinakabahan ako while Gian opened the plastic bag.
BINABASA MO ANG
Secret Mission: Make You Mine (Love Matters)
Teen FictionAno ang gagawin mo kapag nalaman mo kung sino ang ultimate crush ng iyong school's number one heartthrob and prince na nagkataong number one rival mo? At paano kung malaman din niya kung sino ang crush mo? Makikipagtulungan ka ba para itago ang sikr...