Hay! Ano bang ingay yun? Sabado kaya ngayon! Magpatulog naman kayo!
Tumingin ako sa bintana ko, nakita ko may naglilipat sa katabing bahay. Hay, umagang umaga nagising tuloy ako.
Well, makakain na nga...
Bumaba na ako para kumain. Pagdaan ko sa sala may narinig akong kausap si mommy.
May bisita? Sino yun?
I took a peek sa sala. May kausap si mommy na isang babae na parang ka-age din niya. Tapos sa tabi nung babae, may isang lalaki na nakaupo. Pero hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin eh.
"Oh nandito na pala yung anak ko eh.."
Eto naman si mommy kailangan pa ako isali, pwede ba pass muna?
Then, she motioned me na lumapit.
Eto talaga si mommy hindi man lang ginandahan yung intro ko eh.
Pwede naman 'eto na yung maganda kong anak oh...' o kaya 'oh my talented daughter is here..' ayan talented na lang ah...
"Hoy! Tammy! Punta ka nga dito!"
"Pasensya na kayo sa anak ko ah. Minsan talaga wala sa sarili yan eh..." my mom added.
Ano ba yan? Mommy ko ba talaga siya? Laitin ba naman ako sa harap ng mga bisita? >.<
I walked towards them slowly.
"Good morning po..." I greeted them.
Tapos yung guy humarap na sa akin.
"Ikaw!" I shouted and pointed my finger at him.
Si Gian the poker face!
Tapos anong reaction niya? Wala! Poker face pa rin! Para tuloy ako lang yung nakakakilala sa kanya. Baka isipin pa na fangirl niya ako.
"Magkakilala ba kayo, 'nak?" tanong nung bisita namin. Mommy niya pala yun.
Then Gian just shrugged.
Aba! Etong Mr. Oyster na ito!!! Tandaan niya na alam ko sikreto niya!
"So, mare, pasyensya na ah. Pakibantay-bantayan na lang ang anak ko..."sinabi ng mommy niya sa mommy ko.
"Siyempre, mare. Ituturing ko si Gian na parang anak ko na din. Alam kong mahirap mag-isa sa bahay," my mom said with a smile.
"Oh sige alis na ako mare, baka ma-late pa ako sa flight ko," his mom suddenly said.
"Hindi ka ba ihahatid ni Gian sa airport?" my mom asked. Napansin din niyang hindi man lang gumagalaw si Gian kahit paalis na yung mommy niya.
"Hindi na, mare. Marami pa siyang aayusin sa bagong bahay."
Tapos inihatid na ni mommy kasama kami ni Gian si tita sa labas kung saan naghihintay na yung taxi niya.
"Oh, mag-iingat ka anak."
"Salamat din, mare ah," she said to my mom.
"Naku wala yun," my mom said, waving it off.
"Sige, bye!"
"Bye, ma..."
"Bye, mare!"
"Ingat po tita!"
And with that, the taxi left us.
Then, kinausap ni mommy si Gian.
"Oh, kailangan mo ba ng tulong sa paglilipat?"
Paglilipat? Where?
BINABASA MO ANG
Secret Mission: Make You Mine (Love Matters)
Teen FictionAno ang gagawin mo kapag nalaman mo kung sino ang ultimate crush ng iyong school's number one heartthrob and prince na nagkataong number one rival mo? At paano kung malaman din niya kung sino ang crush mo? Makikipagtulungan ka ba para itago ang sikr...