Ch.2: Confession?

343 15 5
                                    

Organization day ngayon. Ngayon pipili ang mga students ng mga gusto nilang mga club. Naging busy kami kasi bilang 4th years we need to promote our clubs. Hay umuwi na ang lahat at pabalik pa lang ako saclassroom. May meeting kasi after ang art club namin eh. Pero hindi pa naman kami uuwi ni Morrie. Kasi nagtuturo pa siya sa cooking lessons ng H.E club. Magaling kasi magluto ang bestfriend ko eh. Huhuhu inggit lang ako. I suck at cooking eh. I burn everything I cook. Pffft.

Moving on, I'm going to get our bags sa classroom para maghanda umuwi. At share ko lang ha...we have the same bags. Hindi ko nga alam na ganun din ang binili niya. Backpack na pink at pareho pa talaga ng tatak at design. Seems like pareho talaga kami ng taste. We're sisters. ^__^

Sigurado akong wala nang tao sa classroom kasi wala nang tao sa hallway eh. Pagdating ko patay pa yung ilaw. Before I entered, I saw a silhouette inside our room. Lumapit ako sa window para makita ko. Tapos nakita ko si Gian.

Wait! Gian? Anong ginagawa niya?

Tapos lumapit siya sa bags namin na nakalagay pareho sa table.

Ano kayang gagawin niya? OMG! Magnanakaw siya? Nooo!!! Kakakuha ko pa lang ng allowance ko!

Pero bago ko siya sugurin napansin kong binuksan niya yung bag ko. Sure akong bag ko yun at hindi kay Morrie dahil sa green kong keychain na nakasabit sa harap na pocket. Tapos may nilagay siyang bagay. Ano ba yun? Parang envelope yun eh na kulay pink na may blue. Ano yun?

Bago pa ako makagalaw sa kinakatayuan ko, lumabas na si Gian ng room. Pero paglabas niya ng door, he stopped and stared at me, with the his ever famous poker face. Then he turned around and left.

What the heck?! Anong nilagay niya sa bag ko? Pera? Talaga? Weh? Ano? Bomba?

"Taaammyyy!"

Lumingon ako at nakita ko si Morrie.

"Anong ginagawa mo sa labas ng room? Natatakot ka mag-isa noh?! Hahaha sige uwi na tayo."

Then, she linked her arms with me. Tapos pumasok na kami at kinuha yung mga bag namin.

Sobrang curious na talaga ako sa laman ng envelope na yun. Hindi ko naman mabuksan yung bag ko kasi siguradong makikiusyoso na naman si Morrie. Hindi sa naiinis ako or I'm hiding secrets from her, but I just wanted to see it alone first.

"--bukas tapos... Tammy? Nakikinig ka ba?"

"Huh? Sorry hindi ko narinig ng maayos..."

"Tams, ok ka lang ba?" she asked, concerned.

I nodded and pretended to be cheerful again. Gusto ko lang talaga makauwi na ng bahay.

Pagdating sa gate namin...

"Bhez, may sasabihin ako sa'yo," Morrie said seriously.

Nagulat ako kasi minsan lang naman ako tawagin ni Morrie ng bhez eh. Tammy o Tams lang. Tatawagin niya lang ako ng bhez kung may favour siyang hihingin o may sasabihin na sobrang importante. Bigla akong kinabahan at curious at the same time.

"Ano yun bhez?" I asked worriedly.

"Lilipat na kasi kami ng bahay eh..."

"What?!" I yelled, shocked.

"Nakabili na kasi kami ng bahay sa Northville."

"Northville?! Sa kabilang subdivision pa yun ah!"

She nodded.

"Don't worry bhez sabay pa rin naman tayo pumasok at umuwi, dadaanan na lang kita with my bike," Morrie suggested.

"No. Wag na. This is out of your way na kung dadaan ka pa. Mapapalayo at mapapagod ka lang."

"Pero--"

"Magkikita naman tayo sa school di ba? Wag mo sabihing--"

"Hoy! Bestfriends pa rin naman tayo ah!" she pouted.

"Of course!" then I gave her a bear hug.

She returned my hug.

"Call me huh." she said, as we broke the hug.

I nodded and grinned at her.

***

Pagkaalis ni Morrie, I dashed to my room. Alam ko naman na wala si mommy kasi night na yung pasok niya sa trabaho eh.

Binuksan ko ang bag ko and found the same blue and pink envelope. In fairness, cute siya ah... Then, I opened it. It was a pink stationery.

It was a....letter.

Huh? Letter? For me?

I immediately opened the stationery. And the letter goes like this...

Dear Morrie---

Wait! Para ba ito kay Morrie? Pero paanong nasa---aha! Akala niya siguro bag yun ni Morrie kasi parehas kami! Pero babasahin ko ba ito? Hay, hindi naman siguro magagalit yun sa akin. Bestfriend niya ako eh. Hehe. So, my curiosity got the best out of me. I continued reading...

Hi, Morrie! Siguro nagulat ka nung matanggap mo ito pero please basahin mo ito hanggang huli. Alam ko na hindi tayo close. Alam ko na hindi ako kasama sa circle of friends mo. Pero alam ko na I want to get to know you more. I have been watching you since I first met you. But I'm not a stalker. I just find you pretty and kind. I don't know why I ended up writing this letter to you. Siguro sawa na akong umupo sa tabi na wala man lang effort na ginagawa. Alam ko I'm not good at this. But please, let's be friends. I like you. Let's get to know each other more. I'll be waiting for you~

Yours,

Gian Carlo

Halos lumuwa yung mata ko sa nabasa ko. Grabe! Hindi ko alam kung love letter na ba ito or what?

Tiningnan ko ulit yung name ng sender.

Gian Carlo...

OMG! Si Gian Carlo nga ito! Si Gian Carlo, ang feeler na top one (weh? Maaagaw ko din yan!), ang ever poker face (parang Lady Gaga lang?) at Mr. Oyster shell (dahil sa sobrang pagiging introvert) ng school namin, nagtapat kay Morrie? Take note sa bestfriend ko pa!

Pero teka lang... Para ito kay...Morrie...

Gosh! What should I do? What should I do? Should I tell her? Should I tell him? Tell him na mali ang nilagyan niyang bag? Sabi na nga ba walang magandang maidudulot ang parehas naming bag ni Morrie eh! Tapos sasabihin lang niya "No! It's so cute~ we're sisters!" with matching pa-cute effect pa!

Naku! Ang laking balita nito! Baka umabsent halos 3/4 ng buong school population nito! Ipagkalat ko kaya ito? Naku hindi naman ako ganyang tao. Heh. Ibigay ko kaya kay Morrie? Eh di inagawan ko naman si Mr. Oyster ng moves niya. At ayaw ko mangialam noh!

So, ibabalik ko na lang kay Mr. Oyster? Hindi ko naman ipagkakalat eh! His secret is safe with me. Bwahahaha! Ahem mali ata tawa ko. Promise secret lang namin ito!

(a/n: Bwahahaha! Joke! Please read the next chapter! Tnx! ^___^)

Secret Mission: Make You Mine (Love Matters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon