Ch. 22: Dedication

92 4 2
                                    

Tammy's POV

Ayan at umupo na ako sa may audience. Well, naupo ako malapit sa may bar counter ng resto. (Nalaman kong hindi naman pala nagse-serve dito ng alcoholic drinks. Cocktail juices lang ang nakukuha mo dito sa bar counter.) Mabuti na ring dito ako sa likod para hindi na din ako mapilitang lumapit sa Kate na 'yun.

"Excuse me," a voice said to me.

Lumingon ako at natuwa ako. Nakita ko ulit si Tracey. Kung nakalimutan niyo na kung sino siya, siya yung tanging nakausap ko dito nung ma-discover ko ang Fusionbeats. With matching pakilala effect pa siya sa mga band members.

"Oh, hi Tracey!" Bati ko sa kanya.

Nanlaki yung mga mata niya nung makita ako.

"Wait! Ikaw! Tammy, right?" She asked excitedly.

I nodded my head.

"Wow, at least naalala mo pa ako."

"Syempre naman. Ako kaya ang nagbinyag sa'yo para maging HeartBeat."

Wait--HeartBeat?!

I looked at her confusedly.

"Don't tell me nakalimutan mo?"

I scratch the back of my head.

I laughed nervously. "Hehehe, ano nga ulit 'yon?"

She facepalmed herself.

"Iyon ang tawag sa fansclub ng Fusionbeats."

"Ah! Naalala ko na!"

She laughed and shook her head at me.

"Ikaw na lang ang taong hindi alam ang pinapanuod niya."

"Hehehe, sorry."

"Oh! Nakalimutan ko. Eto pala."

She showed me a fishbowl na puno ng mga papel sa loob.

"Ano ito?" Tanong ko.

"Dyan nilalagay 'yung mga request nating mga Heartbeat. Sa last set nila, kakantahin nila yung mabubunot nilang request. Babasahin na rin nila kung may dedication 'yung papel."

"Ah." I nodded. Tracey gave me a paper and a pen.

Ayoko naman talagang mag-request eh. At isa pa hindi ako HeartBeat >____<

"Pero Tracey--"

I was cut off nang biglang may nagsalita sa harap.

"Good evening everyone!!!!""

Tumingin kaming sabay ni Tracey sa stage. Sabay-sabay ding nagsigawan ang lahat.

Ugh, my ears >______<

Pero naramdaman kong uminit ang dugo ko nang makita ko kung sino ang nag-interrupt ng sasabihin ko. Si Kate.

Aba! Siya pa talaga!

"Okay, so now, gusto kong palakpakan natin ang susunod kong tatawagin. Matagal na siyang nagfo-front act sa ating banda. And siya rin ang kumakanta between our sets so napalapit na din siya sa atin. And today is his last day dito kasi mag-aaral na siya sa abroad next month. Gusto ko lang sabihin na we'll miss you and good luck sa studies mo. 'Wag mo kami kalilimutan ah. Just continue to make beautiful music with your beautiful voice and beautiful heart. So now let's give it up for our beloved, Mike."

At sobrang malakas ang naging palakpakan ng mga tao. Siguro dahil nga matagal na rin siya dito kaya

technically member na din siya ng FusionBeats.

And lumabas na rin si Mike. Well, gwapo din naman siya pero mapapansin mo din na mas matanda siya. Siguro magka-college na siya sa abroad.

Nagsimula na rin siyang kumanta.

"Tammy, so ano na asan na 'yung request mo? Ako na 'yung magsusulat para mabilis," Tracey pulled me back to reality.

"Huh? Ah yung request--"

Napatigil ako nang nakita ko si Kate. Tumatawa siya habang may kausap siyang mga babae na nakasuot ng HeartBeats' shirt.

Parang nainis ako nung nakita siya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Tammy? Nakikinig ka ba? Ano ba yung sasabihin mo?"

I looked at Tracey.

I changed my mind.

"Wait, ako na lang ang magsusulat. May dedication kasing kasama yung request ko."

Tracey smiled.

"Akala ko naman ayaw mo na eh."

I smiled.

"Sana mabunot 'yung papel ko."

Tracey nodded.

"Sana nga."

Sana nga at sana marinig ng taong 'yun ang gusto kong sabihin.

Secret Mission: Make You Mine (Love Matters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon