Chapter 7 - Nakakapanibago..

183 3 5
                                    

Cindy's picture ---->>>

The next day...

Cindy's POV

-

-

-

-

-

krrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnggggggggg!!!! ahhhhh! ang ingay naman.. inaantok pa ako..

TEKA! kailangan ko nga palang maaga pumasok ngayon. maraming aayusin sa school sigurado makalat dun dahil foundation day kahapon. haay makaligo na nga..

pumunta na ako ng bathroom at naligo. pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba para kumain.

Cindy: Aling Marie, di po ba pumunta si Irene dito? or kahit tumawag manlang?

Aling Marie: Hindi CIndy eh. Bakit? nag-away ba kayo?

Cindy: Naku hindi ho. nakakapagtaka lang po kasi diba lagi naman yun pumupunta dito kapag papasok na kami sa school?

Aling Marie: Baka naman busy siya iha. Diba sabi mo magaayos kayo ng school ngayon?

Cindy: Ah oo nga ho pala. baka nauna na siya maglinis dun. salamat po Aling Marie. Papasok na ho ako ha.

Aling Marie: Sige iha. ingat ka. ano oras ka uuwi? baka pumunta muna ako kela mang Nestor mo may sakit daw kasi siya. Kaya baka di ka niya mahatid sundo ngayon. eto nga at umuwi muna saamin kaya pupuntahan ko na muna.

Cindy: Mga hapon po ang uwi ko. sige po Aling Marie okay lang po. Magcocommute nalang ho ako. gusto niyo po bang sumunod ako sa inyo mamaya?

Aling Marie: Naku wag na iha. dun ako matutulog. bukas na ng umaga ang uwi namin. kaya ikaw ang tao muna dito sa bahay ha?

Cindy: Ah sige po Aling Marie. Paki-sabi na lang ho kay Mang Nestor na magpagaling siya agad. Sige po aalis na ho ako.

Aling Marie: sige iha mag-iingat ka.

Naku.. Ako lang mag-isa ngayon. hindi ako mahahatid ni Mang Nestor. tapos hindi manlang dumaan si Irene sa bahay. ayos lang carry ko to. sanay na din naman ako mag commute eh.

sumakay na ako ng tricycle papuntang school. grabe ang aga ko. 6am pa lang nakarating na ako. Teka, pumasok na kaya si Kyle? pinuntahan ko siya sa room nila. Nakita ko ang bag niya pero wala naman siya dun. So pumasok na pala siya. buti naman. kamusta na kaya siya?

Naku oo nga pala, kailangan ko muna hanapin si Irene. nangako akong tutulungan ko siya sa paglilinis.

Pumunta na ako sa room namin para ibaba ang dala kong gamit. konti pa lang ang mga pumasok na kaklase ko pero lahat sila nasa labas tumutulong maglinis MALIBAN SA ISA..

si MICHAEL hindi nag-lilinis. -____-

Cindy: hoy yabang! ano bang inuupo-upo mo diyan? ang aga-aga mo pumasok tapos di ka manlang maglilinis diyan?

Michael: Paki mo ba? Sila na mismo ang nagsabi sakin na wag na daw ako maglinis. may magagawa ba ako?

Cindy: aba talaga tong------

Irene: CINDY!

lumingon ako at nakita ko si Irene.

Cindy: oh Irene! pasensya ka na ha? late ba ako? teka etong kumag kasi na to eh ayaw maglinis. akala mo kung sinong prinsipe.

100 Days RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon