Chapter 11 - 100 Days Relationship kay MICHAEL???

118 5 3
                                    

Author's NOTE:

I want to dedicate this chapter kay "Pretty Killer" kasi isa siya sa mga masugid na taga-basa ng story ko na to. =D 

Thank you so much =))) Para sa mga gustong magpadedicate, Post lang kau sakin or comment nalang kayo dito.

xoxoxoxo

------------------------

Cindy's POV..

Nagising ako nang mga 10:30 am. Saturday nga pala ngayon at walang pasok.. 

Haayyy buti naman at di ko pa sila makikita..

Kilala niyo na kung sino tinutukoy ko..

Masama pa ang loob ko sakanila..

Ilang years ko ding naging crush si Kyle.

Imagine, all those times niloloko lang pala nila ako..

Sinubukan kong bumangon sa kama pero biglang sumakit ulo ko

"Uggghh! Ang sakit naman ng ulo ko. Teka.. Ano bang nangyari kagabi?"

FLASHBACK------

"Michael asungot! (hik)"

"Ano? Knock out ka na?"  

"Lapit ka nga...(hik)"

"Ha? ah eh, bakit naman??"

Bigla ko siyang hinila at.....

"WAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!! Hoy Cindy! ano bang ginagawa mo!''

Sinukahan ko siya sa polo niya at ayun sigaw na siya ng sigaw.

---------END OF FLASHBACK----------

Kinuha ko yung Hello Kitty stuffed toy na binigay saakin ni Michael.

"Ahahaha nakakatawa naman pala ginawa ko kay Yabang eh. Hahahaha ! Buti lang sakanya yun noh! Kulang pa ata yung kabayaran para sa mga pang-aasar niya sakin. Diba Mic-Mic?"

Kausap ko yung Hello Kitty na binigay niya saakin.

"Simula ngayon, Mic-Mic na pangalan mo ha? Kasi si Michael nagbigay sayo. Kapag may problema ako, sayo ko nalang sasabihin ha? Lalo na ngayon at wala na akong kaibigan.. Wala na si Irene.."

Naiiyak nanaman ako pero pinigilan ko na lang.. Ayoko nang umiyak.. Pagod na ako..

Niyakap ko na lang si Mic-Mic..

"Alam mo Mic-Mic, nagpapasalamat ako dahil kahit papano, napapasaya ako ni Michael.. Alam mo sa totoo lang, gwapo naman siya eh.. Kaso mayabang nga lang, masungit, at mapang asar pa.."

Teka, Gwapo?? Masungit??

Bakit parang may naaalala akong sinabi ko ang mga salitang yun kagabi? Teka, ano pa bang nangyari kagabi pagkatapos ko siyang sukahan sa polo niya???

*isip.isip.isip.isip*

FLASHBACK------

"Alam mo? (hik) Ang gwapo mo. Hihihi (hik)"

"Ha?? Sabi ko na eh may pagnanasa ka talaga saakin" 

"Wala ah! (hik) Pero siguro meron. (hik)"

Takte ano ba yung sinsabi ko?? NABABALIW NA ATA AKO TT_TT

"A-ano?"

"Joke! (hik) hihihi! Akala mo ah! Eh kasi, (hik) ang sungit mo. (hik) Ang sama mo pa (hik) Kaasar ka (hik)"

100 Days RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon