Chapter 10 - "Wag mo akong iiwan ha?"

158 4 1
                                    

Mag-oorder na sana ako ng drinks nang may tumabi saaking lalaki na matangkad at biglang hinawakan ang kamay ko..

-

-

-

-

-

-

-

-

"Michael??" sigaw ko dahil nagulat ako sa nakita ko. Si Michael?? Bakit siya nandito? Pano niya nalaman na nandito ako? Bwiset naman may asungot pa.

"Ano magpapakalasing ka? Kelan ka pa natutong uminom?" Tanong niya saakin. Naguguluhan pa rin ako. Ano bang kinalaman niya dito??

"Ano bang pake mo? Layuan mo nga ako! Hanggang dito ba naman susundan mo ako? Wala ako sa mood ngayon-------"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako. Medyo masakit dahil mahigpit ang pagkakahawak niya pero di nalang ako nag pumiglas at sumunod sa kanya.

Isinakay niya ako sa kotse niya at umalis kami. 

Mga 5minutes ding walang nagsasalita saamin kaya nauna na lang ako..

"Hoy. San ba tayo pupunta ha?"

"Sa lugar kung san pwede mong ilabas yang galit mo"

"Pano mo nalaman? Pano mo nalaman kung nasan ako?"

Unti unti nang may tumutulong luha sa mga mata ko. Ewan hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko. Parang anytime gusto kong pumatay ng tao lalo na yung katabi ko dahil sa sobrang galit ko (joke hahaha).

"Wag mo nang alamin. Basta dito ka lang muna saakin.."

Napatahimik ako. Pati ang pag-iyak ko parang feeling ko tumigil din. Ano daw?? Kaasar naman tong mokong na to. Pwede wag muna siya ngayong mang-asar?? TT_TT

Maya-maya itinigil niya ang kotse niya sa harap ng isang convenient store. Wow ano kayang plano niya??

"Dito ka lang. Wag kang aalis. May bibilhin lang ako..'' Sabi niya habang kinukuha ang pitaka niya.

 

"Ano bang gagawin mo-----"

 

"Ssshhh. Wag ka nang maingay diyan."

Nagulat ako nang hawakan nya ang mga labi ko para tumahimik ako.

Nagulat ako sa ginawa niya. Naku ha. Nakakarami ka na Michael Garcia!

Bumaba na siya ng kotse at pumasok doon sa convenient store. Ako naman, gaya ng sinabi niya, hinintay ko siya sa loob. 

Mga ilang sandali lang, bumalik na siya, may dalang isang tray ng beer. 

"Dami niyan ah?" Tanong ko sakanya habang nilalagay niya ito sa likod ng kotse niya

100 Days RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon