Chapter 8
THIRD PERSON POV
Marami din sa mga sundalo ng Federation na nakapuwesto sa Roxas boulevard ay nakaligtas sa pagbomba ng mga leviathan pero nung pinasugod na ang mga overcraft ay unti-unti na silang naubos. Marami sa mga Catterpillar tanks ay nasira sa pagbomba ng artelliary fire .
"Sir ang dami nga nila " ang sabi ni Niño kay Max. Wala takot na sinalubong ni Max ang mga paparating na leviathan. Lumusot siya sa ilalim ng leviathan at hiniwaan ang mga binti nito kaya tumumba ito at nadamay ang iba. "Ngayon na! Sugod !" Ang sigaw ni Max. Kaya sumugod agad sina Romeo,Santi,Jessie,Niño,Vincent. Pinagsasasaksak nila ang mga ulo ng Leviathan na bumagsak. Samantala si Max ay panay iwas at talon sa mga leviathan habang inaatake ang mga ito.
Tumungo sila Santi at Jessie. Sabay tumakbo at ginamit na platform ang dalawa para makatalon ng mataas sila Vincent at Romeo. Sumabit sila sa mukha ng leviathan at sinaksak ang ulo nito. Samantala sila Lorenz at Xander ay pinapatay ang mga nakakalusot na leviathan sa defensive line nila gamit ang mga Machine Gun. Si Brian naman ay binabaril ang mga pa ilan ilan na parating na kalaban.
"Sir paparating na daw ang reinforcements sabi ng Mission Control" ang sabi ni Brian sa Radio Comm. "Buti naman at padami ng padami ang dumadating na kalaban. " ang sabi ni Max . bigla na lang ay nahagip si Jessie ng braso at tumilapon siya. At halatang nasaktan pa rin ito kahit matibay ang katawan nito. Papatayo na sana si jessie para patayin ang leviathan kaso nandun na agad iyon at hahatawin na ng palakol si jessie.
Bigla na lang ay
.
.
.
.
.
.ARRRRRRGGGGHHHHG! ang sigaw ng Leviathan dahil pinutol ni Max ang braso nito. Sabay pugot sa ulo nito. Nagulat si Jessie dahil nakita pa niya si Max na lumalaban sa maraming leviathan pero naligtas pa siya nito. "Ayos ka lang ?" Ang tanong ni Max habang lumalaban siya sa mga sumusugod na leviathan. "Ayos lang sir" ang sagot ni Jessie. Pero ang bigla itong napa-aray dahil may sugat pala ito sa abdomen at dumudugo. "Niño ! Gamutin mo muna si Jessie " ang sigaw ni Santi dahil nakita niya na dumudugo."Tara! Gagamutin muna kita" ang sabi ni Niño sabay alalay kay jessie na nakahawak sa abdomen nito. "Cover fire Xander ! Lorenz!" Ang utos ni Romeo sa radio comm. habang lumalaban. "Dito mo!" Ang sigaw ni Lorenz. Kaya dun lugar kung saan nakapuwesto si lorenz dinala ni Niño si jessie para gamutin.
"Ilan na ba napapatay natin leviathan?" Ang tanong ni Romeo na halatang pagod na sa pakikipaglaban. "Sir di tayo tatagal dito kung ganito sila karami na susugod" ang wika ni Romeo kay Max.
"Tiwala lang! Paparating na ang reinforcements konting tiis na lang" ang sagot ni Max na di nawawalan ng pag-asa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MAX POVKailangan naming magpakatatag dito para sa mga taong walang kalaban laban sa mga leviathan. Kahit ako mismo ay napapagod na dahil ang dami nila. At nahihirapan na ding lumaban dahil sobrang dami nila, ngayon lang ako nakakita nang ganito kadami na leviathan.
"Niño kamusta si Jessie?" Ang tanong ni Romeo sa radio comm.habang hinuhugot ang espada niya sa ulo ng isang leviathan.
"Sir, medyo malalim ang sugat ni jessie at nabalian siya ng tadyang dahil sa lakas ng pagkakahagip sa kanya" ang sagot ni Niño habang tinatakpan ng benda ang sugat ni jessie. Bilib ako sa squad na ito dahil kahit siyam lang kami ay marami kaming napapatay at nadedepensahan namin ang area na na-assign sa amin. Gagawin ko ang lahat para di kami matalo dito sa labang ito. Bumabagal na ang nasa mga bagay sa paligid ko slow motion habang lumalaban ako, at bumilis ang tibok ng puso ko.
.
.
.
.
.
.
.
BRIAN POVAnak ng putya! Mauubos na ang bala ko pero marami pa rin ang kalaban.at halatang pagod na ang lahat ng kasama ko. Kahit mismo si VC Max ay pagod na din. Nasaan na ba ang kanina pa namin hinihintay na reinforcement? Naubusan na ng bala ang 50 cal machine gun ni Lorenz. Kaya nilabas na niya ang espada at UZI. Pumuwesto na siya sa defensive line katabi ni Vincent.
"Brian bakit ang tagal ng reinforcement?" Ang tanong ni Niño.
"Di ko rin alam pre! Di na sumasagot ang tang inang Mission Control!" Ang sagot ko. Mukhang di na talaga dadating ang tulong. Kung mamamatay ako sa pagkakataon na ito ay gusto kong mamatay ng lumalaban sa battlefield. Huling bala ko na itong ipuputok ko. May nakita akong oil tanker na nakatagilid kaya iyon na lang ang papatamaan ko para maubos namin ang leviathan.
"Yuko!" Ang sigaw ko sa kanila yumuko silang lahat sabay kalabit sa gatilyo at tumama ang bala sa tangke ng gasolina.sumabog ng napakalakas ang oil tanker at natusta ang kalahati ng mga leviathan. Kaya isinabit ko na sa likod ko ang rifle ko kahit wala na itong bala ay dadalin ko pa rin ito at bumaba na papunta sa defensive line namin.Pagdating ko sa kanila ay nilabas ko na ang Estoc ko at lumaban kasama nila Vincent. Nakakabilib si VC Max dahil mas bumilis siya ngayon kumilos sa laban at wala siyang balak sumuko dito. Isa siya talagang bayani at mandirigma, hanga ako sa tapang at lakas ng loob niya.
Naubusan na din ng bala ang 50 cal Machine gun ni Xander kaya umalis na siya sa puwesto niya at luminya na din sa amin gamit niya ang AK-47.
"Sir Max, Paano na? Wala na tayong 50 cal at wala pa ang tulong at may sugatan pa sa atin?" Ang nawawalan na ng pag-asa na si Santi.
"Wag kang mawalan ng pag-asa knight!" Ang walang takot na sagot ni Max kaya medyo nabuhayan ng loob si Santi kahit hirap na hirap na kami sa laban na ito. Ang masasabi ko ay may braveheart si VC Max.
.
.
.
.
.
.
.
.
MAXIMMUS POVHindi maaari ito di na kami makakatagal sa laban na ito, parang di sila nauubos. Marami nang sugatan at namatay nasa tauhan ko. Wala pa rin ang reinforcement, buwisit talaga tang ina!
"Nasaan na ba ang lintek na reinforcement na yan!" Ang sigaw ko sa tauhan ko.
"Sir, inatake ang paparating na tulong ng mga overcraft ng kalaban kaya matatagalan! " -tauhan
Buwisit na mga higante kayo! Mga gago! Di ako papayag na mamatay ng ganito.
"Tawagan mo na ang Mission Control sabihin mo di na tayo makakatagal dito!" Ang buwisit na buwisit kong sigaw.
"Sir! Kanina ko pa ginagawa iyon di na sumasagot ang mission control"
Lintek! Mukhang inatake na ang base ha. Ubos na rin ang Attack helicopter dito sa area. Bigla na lang ay....
"This is General Carter! Our base is being move to Antipolo City, Retreat! I repeat Retreat now! Squadron leaders will be receiving coordinates of extraction point where you will be pick-up by helicopters! You need to be there at 20:30 hours! May the Lord be with you" Ang emergency transmission mula kay General Carter.
"Boys retreat!" Ang utos ko. Kaya habang umaatras ang mga tauhan ko ay lumalaban pa rin ako para mabigyan ng oras ang mga tauhan ko na makalayo.
.
.
.
.
.
.
MAX POV"This is General Carter! Our base is being move to Antipolo City, Retreat! I repeat Retreat now! Squadron leaders will be receiving coordinates of extraction point where you will be pick-up by helicopters! You need to be there at 20:30 hours! May the Lord be with you"
Nagbigay na ng orders si General Carter. Kahit mismo siya ay alam niya na di na namin madedepensahan ang maynila. Kahit masakit sa loob ko na umatras ay kailangan dahil mamamatay ang mga kasama ko. Inubos muna namin ang kalaban bago kami umalis at nagtanim muna ng bomba si Xander at Naghagis ng smoke grenade para matago kami, inaalalayan nina Niño at lorenz si Jessie samantala kami ay nakapalibot para maprotektahan namin ang isa't-isa.
"Saan ang extraction point Romeo?" Ang tanong ko habang tumatakbo kami.
"Sir sa Quirino Grandstand" ang sagot niya. Kailangan namin bilisan para magamot agad si jessie dahil madami na ang nawalang dugo sa kanya. Di ko nag-aalala kay Alex dahil alam ko na ligtas siya sa base.Nakarating kami sa extraction point ng maayos at nakaalis kami sa lugar na iyon ng walang aberya. Pati ang iba naming mga kasama. Mula sa sinasakyan naming helicopter ay kitang kita ang pinsala sa Maynila.
END OF THIS CHAPTER
VOTE!
SHARE!
COMMENT!
Salamat pala kay @MeMo_0305 ang cool pala ni Max :) tnx sa suggestions .