Chapter 14
December 11 2020, 07:30 hours Forward Operations Base, Correigdor Island Bataan.
Sa loob ng isang buwan ay nagsanay kaming lahat para sa laban na ito. Tulong tulong lalaban dito ang Army,Navy,Air force,Marines at ang Knights. Air force ang magdadala sa amin sa tatlong lugar ng paglalabanan dahil hinati ang hukbo sa tatlong division. Ang una ay ang lalaban sa Palawan, ang pangalawa naman ay yung lalaban sa Maynila at ang pangatlo at huli ay ang lalaban sa paparating na mothership. Kung saan ako kasama ngayon.
"Max, matatapos na ang lahat ng ito ngayong araw " -Maximmus, habang nakatingin siya sa langit na maliwanag at kalmado.
"Oo , kailangan muna na nating siguraduhin na matatapos ang lahat ngayong araw" - Ang sabi ko sa kapatid ko. Matagal kong hinintay ito ang oras kung saan matatapos ang lahat ng hirap,kalungkutan,sakit,takot at galit. Dahil sa mga leviathan marami ang namatay,maraming nasaktan at naghirap na mga tao.
"Basta tol pagdating dun sa oras na nasa loob na tayo ng mothership kontrolin mo ang emosyon mo sa loob" - Ang wika sa akin ni Maximmus,halata sa mata niya ang takot. Sa tagal ng panahon na lumalaban kami ngayon ko lang siya nakita na ganun. Nanginginig ang binti ni kuya kaya hinampas ko ng malakas ang likod niya.
"Para san naman yun?!" - Maximmus,mukhang nawala na ang kaba o takot na nararamdaman niya.
"Ayan! Effective di ba nawala ang kaba at takot mo" - ako habang nakatingin sa kanya.
"Siya nga pala nagpaalam ka ba ng maayos kay Alex?"
"Di na ako nagpaalam sa kanya gusto ko lalaban ako dun ng walang iniisip na ibang bagay" - Ako. Naalala ko bigla ang mukha ni alex habang natutulog siya nang umalis ako. Nag-iwan na lang ako ng isang sulat sa ibabaw ng lamesa na nasa kuwarto namin.
Lumapit sa aming dalawa ni kuya si Aizen. Nagulat kami sa suot niya ngayon.
"Bakit naka-armor ka?!"- Maximmus
"Sasama ako sa laban nyo" - Aizen, seryoso ang mukha niya at walang emosyon.
"Di ako papayag na sumama ka" - Maximmus
" pwes ikaw ang magmaneho ng skywrath nyo ng squad mo" - Aizen
"Marami namang piloto dyan na magpapalipad nun" - Maximmus, napa-iling na lang ako dahil commander pa naman siya di na niya alam na si Aizen lang pwedeng magpalipad ng skywrath na gagamitin namin dahil ibang skywrath ang papaliparin.
"Hindi ka ba nagbasa ng binigay na guide book nung nakaraan?" - Ako
"Hindi, tinatamad akong basahin yun eh ang kapal" - Maximmus
"Haistttt..... Kaya naman pala di mo alam na si Aizen lang ang may kakayahang paliparin ang binagong skywrath " - ako
" eh! Niloloko nyo lang ata ako" - Maximmus
Dumating na sa amin ang raider 3 at halata sa mga mukha nila ang kaba sa gagawin namin.
"Kamusta Romeo?" - Ako
"Ayos lang sir medyo kinakabahan" - Romeo
"Wag kayong kabayahan maging relax lang kayo maghanda na tayo para dito" - Ako, sinusubukan kong bigyan sila ng sapat na lakas ng loob para sa laban na tatapos sa lahat. Nakahanda na ang lahat at inumpisahan nang painitin ang mga skywrath at nakita na namin ang sasakyan namin may binago nga dito sa aircraft na ito.
"Ano ready na ba kayong mga kabalyero ?"- Aizen, walang kaba o takot ang mababakas sa mukha ni Aizen. Ganito dapat silang lahat mamaya. Kumpleto na ang mga dala nilang mga equipment at ang pinaka importanteng gamit sa lahat ang Thuglife bomb di ko alam kung bakit yun ang pinangalan niya, kasing laki ng isang laptop ang bomba na iyon.
Inumpisahan nang paandarin ang mga makina ng aircraft na nandito. At nagsisakay na sa kanilang mga assigned skywraths ang bawat squad.
"Boys tara na at may schedule tayo na dapat sundin" - ako, nagsisakay na silang lahat at pumuwesto na si Aizen sa cockpit at nag-seatbelt na.
"Xander pumuwesto ka sa tail gun" ang utos ni Romeo.Pumuwesto na kami sa likod ng aircraft at nag-seatbelt na dahil take-off na.
Third Person POV
Nag-take off na ang lahat ng skywrath at papunta na sa kanilang mga designated missions. Samantala ang Navy ay kumikilos na din sa pamumuno ni Admiral John Ross ng sasagupa sa mothership at Admiral Van Connors na susuporta sa mga ground units sa Palawan. Si Admiral Arthur Bennett naman ang sa maynila. Kasama ng bawat fleet ang isang Aircraft Supercarrier na CVN-80 . may mga dala itong mga F-12 Fighter aircrafts na susuporta sa mga knights.
Ang artelliary division at Ground troops ng Federation army ay kasama din sa laban na ito. Kasama ng mga Caterpillar tanks at mga anti-aircraft guns ay susuporta sa laban na ito. Nag-launch na ng mga F-12 na gagawa ng air strike sa Palawan at Maynila.
"General Carter F-12's are on their way to strike areas" ang sabi ng isang tauhan sa mission control.
"Good, Where are the ground units ?" - General
"They are in their designated position during the air strike"
"Okay, The Skywraths what are their exact positions?" - General
"They are on their way to the mothership"
Kumikilos na ang lahat ng puwersa may mga kasamang F-12 ang mga skywraths bilang escort. Samantala........
"Mission Control this is ArcAngel Squadron malapit na kami sa base ng mga leviathan may visual na kami sa target" - ang sabi ng isang squadron leader ng Strike Force na aatake sa Maynila.
"ArcAngel your free to engage" - Mission Control.
"Roger that! ArcAngel launch boogie number 1 ( Missile na air to ground) patnubayan nawa tayong lahat ArcAngel" naglaunch na sila ng missile at tumama na ang lahat ng ito.
.
.
.
.
.
.
.
"Mission Control this is The ground Commander of Conquerer battalion ( Sila ang susugod sa maynila) air strike is over we will fire the artelliary " ang sabi niya habang naka-silip sa binoculars."Ground Commander your free to engage " - Mission Control.
"Artelliaries fire at will bomb the area"
At pinaputukan na ng mga kanyon ang buong maynila. Nagpalabas na ang mga leviathan ng overcraft kaya tinapatan ito ng mga F-12 na nag air strike. "Ground units engage!" Nagsisugod na ang pinaghalong puwersa ng army,Marines at Knights. Gamit ng army at marines ang Badass Blaster.
.
.
.
.
.
Tahimik sa loob ng skywrath na sinasakyan nina Max.nakapikit si Max habang nakatungo kalmado siya di tulad nina Niño at Santi nanginginig ang mga ito. At mababakas ang takot sa kanilang mga mata. Si Maximmus naman ay kasama ni Aizen sa cockpit.
"Turning to stealth mode and cloaking " - Aizen,nawala na bigla ang mga skywrath at di mo na mapapansin na may paparating."Guys may visual na tayo ng target humanda na kayo" - ang sabi ni aizen kaya pumuwesto na si Maximmus sa likod sa katapan na upuan ni Max.
Nasa baba na nina Max ang mga malalaking battleship at destroyers ng Federation mga nasa 50 ito lahat. Unang sumugod ang mga F-12 at naglabas na ng mga overcraft ang mga leviathan.Nagulat ang lahat ng maglabas ang mothership ng leviathan ng mga sasakyan na pwede sa tubig. At nag-umpisa na ang labanan puro pagsabog ang makikita at maririnig mo sa dagay na ito. Nag-umpisa na rin ang labanan sa palawan, magaganap na ang pinaka malaking digmaan na nakita kahit ninoman.
Vote!
Share!
Comment!
-Salamat sa pagbabasa :)
-Aizenvald