Chapter XIX

9 1 0
                                    

Chapter 19

Ito na gagawin na namin nina kuya ang Maneuver 3. Kailangan bumilis ng bumilis ang bawat atake ko. Nauna sila kuya at Vincent split seconds lang ang pagitan naming tatlo,nagawa na nila vincent at kuya ang sa kanila ngayon ako naman.

Arrrrrgggghhhhhhh!!!! Mabilis kong hiniwa hiwa ang dibdib ng juggernaut. Kailangan mas bumilis! Mamatay na kung mamatay dito basta mapatay kitang Putang-inang gago ka! Ang hirap talunin ng leviathan na ito kailangan kong magsinungaling para mapalakas ko ang loob nilang lahat na kaya naming talunin ito. Alam ko marami na ang namatay sa hanay namin pero ito ang pinili naming landas ang lumaban sa mga leviathan. Bigla na lang ay naramdamam ko na parang may tatama sa amin na kung ano. Tama nga pakiramdam ko dahil tatama na ang gilid ng palakol ng juggernaut. Hindi ko na nasabi na iwas sila dahil una silang tinamaan na si kuya ay si Vincent mabilis kong naiwasan ang palakol pero inabot pa rin ako sa tagiliran.

Tumalsik na sila kuya at vincent. Nabitawan ko ang isa kong espada habang tumatama at gumugulong ako sa lupa dahil kahit hagip lang iyon ay malakas pa rin. Nahihilo ako nang makita ko sila kuya at vincent na nakahandusay sa lupa nang mapa-upo ako dahil tumama ang likod ko sa pader ng isang building. Naramdaman ko ang sakit sa katawan alam ko kung nabalian ko. Nanlalabo ang paningin ko nauubusan ako ng lakas parang may humihigop nito sa akin. Kahit malabo na ang paningin ko at naguguluhan na sa nangyayari ay alam kong ang nakitingin sa akin ay si Kuya habang naka-handusay sa lupa bakas sa mukha niya ang nararamdamang sakit. Halata sa kanya na nag-aalala siya sa akin.
Hindi pwedeng mawalan ako ng malay ngayon. Kailangan ko pang tapusin ito. Ang sakit ng tagiliran ko dumidilim na ang paningin ko. Napapikit ako saglit at dumilat muli nakita ko na paparating sa akin si Brian. Tumingin ako sa kinaroroonan ni kuya at nakita ko nandun na si Niño para tulungan si kuya.

"Max! Tumingin ka sa akin wag kang matulog !" Ang sigaw sa akin ni Brian habang inaalalayan ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
BRIAN POV

"Max! Tumingin ka sa akin wag kang matulog !" Ang sigaw ka sa kanya. Grabe ang lakas talaga ng juggernaut.dumudugo ang tagiliran niya dahil nahagip din siya ng palakol. Impossible siyang talunin alam ko kahit si Max ay hindi niya kakayanin ito kahit sabihin pa nating magaling at malakas siya. Tumingin ako kila Niño at inaalis na nila si Sir Maximmus sa lugar samantala si Vincent ay nakatayo na pero halatang nabugbog ang katawan niya.
Tinapik ako bigla sa balikat ko at nakita ko na lang na naka-tayo na si Max. Naglalakad siya na parang walang nangyari sa kanya kanina. Biglang tumigil sa pagdurugo ang tagiliran niya. Anong ginawa niya para tumigil yun, hawak niya ay isang espada lang.

"Saan ka pupunta?!" - ako, nakakapagtaka pa rin na nakakatayo pa siya ng maayos. Tao ba talaga itong si max? Tumingin siya sa akin at nagulat ako sa nakita ko. Iba ang kulay ng itim ng mata niya. Kulay pula ito at parang apoy na lalong nagliliyab, nag-iba na ang dating niya para na siyang isang dragon biglang uminit ang paligid nang magkaroon ng pulang aura siya. Nakakatakoy siya nang lilisik ang mga mata niya at para bang papatay siya ng isang tao.

Humarap na ulit siya sa harapan niya at naglakad na ulit ng dahan-dahan.
.
.
.
.
.
.
ROMEO POV

Wala nang pag-asa para talunin ang leviathan na ito. Ubos na ang mga bala nina Lorenz at Xander kaya nilabas na nila ang mga espada nila. Ito na ba ang katapusan namin hindi ako papayag. Mas pipiliin kong mamatay ng lumalaban kesa mamatay ng walang ginagawa.

"Knights, isang karangalan ang makasama kayo sa laban " - Ako

"Sir ang drama nyo" - ang sagot ni Santi sabay tawa.

"Boys Mabuhay sila ng malaya at mamatay tayo ng payapa" - ako, para sa magiging anak ko ang gagawin ko.
Bigla na lang ay may dumaan na hangin sa amin nakita na lang namin na tumatakbo si Max sabay hugot ng isa niyang espada na nakatusok sa lupa. Nagulat kami dahil nakita namin na may sugat siya sa tagiliran at malakas ng natamo nilang atake nina Vincent. Bakit may aura siyang kulay pula. Bigla na lang ay nawala siya, nakita na lang namin na nasa likod na siya ng ulo ng juggernaut. Umatake siya pero naiwasan ito ng juggernaut. Nakakamangha ang nakikita namin dahil ang mga atake na ni Max ay tumatama at nahihirapan na ang juggernaut sa gingawa niya,mas lalo siyang bumilis at lumakas sa iglap ay napupunta si Max sa iba't-ibang direksyon para atakihin ang juggernaut.
.
.
.
.
.
.
.
.
THIRD PERSON POV

Ang tanging nasa isip lang ni Max habang lumalaban ay dapat maiganti at maprotektahan ang mga tao na nagulo ng mga leviathan. Mas bumibilis ang tibok ng puso ni Max.
Hinagis bigla ng juggernaut ang higante niyang wrecking,nakatayo lang si Max at wala siyang balak na iwasan ito.walang kahirap hirap na Hiniwa niya gamit ang isang ispada ang higanteng wrecking ball sa gitna.

"Shit!" Ang nasabi ni Jessie at Santi habang nakatingin lang kay Max pati ang mga sundalo ay napatigil sa ginawa niya. Lahat ng nakakita ay humanga at kinilabutan sa nakita nila,ang natira na lang sa wrecking ball ay ang kadena nito. Sumugod ang juggernaut gamit ang dalawang palakol. Sinalubong ito ni max at sinasagangga ang bawat atake gamit ang dalawa niyang espada.

Hindi kita uurungan! ang sigaw ni Max habang tinatapatan ang juggernaut natulala na ang raider 3 kahit si Aizen na nasa skywrath ay natulala sa screen ng sasakyan dahil nakikita nila ang kakayahan ni Max ang alamat at bayani ng Frontlines. Hanggang sa naputol ni Max ang isang kamay ng juggernaut kaya napasigaw ito at napatigil sa pag-atake.
"Aizen! Paulanan mo na!" Ang sigaw nu Max. Kaya sabay puwesto si Aizen sakay ng skywrath sa tapat ng juggernaut nasa 500 meters ang layo niya. Pinaulanan niya ng missile at bala ng gatling gun ang juggernaut kaya sumangga ito gamit ang apat niyang braso. Tumatakbo si Max at para niyang ginawang pakpak ang dalawang espada at bigla itong umapoy "ikaw na Max!" Ang sigaw ni Aizen sabay lipad agad at bigla na ay parang balang bumulusok si Max at hihiwain na ang ulo ng juggernaut.

Pero akmang sasanggain na ng juggernaut ang atake ni Max pero biglang nawala si Max nang tamaan ito ng palakol kahit ang juggernaut ay nabigla dahil bakas sa mukha nito. Bigla na ay nasa baba na niya si Max at hiniwa ang kaliwang braso ng juggernaut gamit ang umaapoy na espada. Pagbaba ni Max ay hinataw agad siya ng juggernaut gamit ang kadena ng wrecking ball pero katulad ng nangyari kanina ay pagtama ng kadena ay parang bula na nawala si Max. Bigla na lang ay nasa gilid na ng juggernaut si Max at umatake ng napakarami na hindi na halos makita ng mga mata. Pagtapak ng mga paa niya sa lupa ay yumanig ang lupa ng bumagsak ang juggernaut. Hindi pa rin makapaniwala ang mga tao sa paligid sa nakita nila, tinalo ni Max ang juggernaut. Nawala na ang apoy sa mga espada at sinukbit na ito ni Max sa likod niya,

"Whoooo!!!!!! Tapos na!" Ang sigaw ng lahat. Nagdidiwang na ang lahat ng tao dahil tapos na ang paghihirap nila dahil sa wakas ay natapos na ang pakikipaglaban nila sa mga leviathan. Nagtatalunan na ang lahat kahit ang nasa mission control ay nagdidiwang din.si General Carter ay napatabako na lang at natutuwa.
Nagtakbuhan na ang lahat kay Max para buhatin pero nakita na lang nilang lahat na nakahiga ito sa lupa.

"Medic! Tulong! " ang sigaw ni Romeo.

THE END :)

Vote!

Share!

Comment!

FrontlinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon