Chapter XV

4 1 0
                                    

Chapter 15

Di ko alam kung ano gagawin ko magulo na ang paligid nakahandusay si mama at duguan si kuya naman ay umiiyak habang yakap si mama. Dumating si papa at niyakap si mama.
Hindi ko alam kung sino ang o ano gumawa nito. Maraming patay sa paligid nasa lupa pa rin ba ako o nasa impyerno na ito? Ngayon ko lang nakita na ganito si papa.

"Maximmus ! Bantayan mo ang kapatid mo at magtago kayo sa underground!"

"Sige po"

Tulala pa rin ako sa nakikita ko na nangyayari. Nang tumingin ako sa likod ko ay nakita ko ang isang halimaw. Tinapakan niya ang isang tao at sumisigaw ito. May mga kasama pa siya nang bigla na lang akong hatakin ni kuya papasok sa bahay naming sira na ang bubong at pader.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

" Guys may visual na tayo ng target humanda na kayo" - ang sabi ni aizen kaya dumilat na ako. Lagi ko na lang napapaginipan at naaalala ang pangyayari na iyon. Simula noon ay napuno na ng galit ang loob ko sa mga leviathan. Naririnig na namin ang mga pagsabog at tumingin kami sa maliit na bintana na nasa likod lang namin.

Naglalaban na ang mga fighters at overcrafts at ang barko ng federation at nagulat ako sa nakita ko. May bago silang mga panlaban. Panlaban na pwede sa tubig. Bigla na lang ay pinatatamaan na kami ng plasma cannon ng mothership. Nagulat kaming lahat dahil nakita nila kami samantalang naka-stealth ay cloaking mode kami.
.
.
.
.
.
.
Third Person POV

Walang tigil sa pagpapaputok ng mga plasma cannon sa mga paparating na skywraths sa mothership ng mga leviathan. "Kailangan na ang Electric Pulse Cannon erik!" - Aizen. Halata na nahihirapan na siya umiwas sa mga pinatatama sa kanila.
Halos lahat ng kasama nila na papasok sa loob ng mothership ay patay na dahil tinamaan na ng mga plasma cannon. "Sir nakatutok na at signal nyo na lang ang kailangan" - Erik. Lalong lumalala ang sitwasyon nila dahil may mga overcraft nang sumusunod sa kanila. "Xander pabagsakin mo yang mga nasa likod natin hanggang kaya mo" - Romeo. Halatang nahihirapan na din si Xander sa pagtapos sa mga sumusunod sa kanila.

"Erik on my signal
3
.
.
.
.
.
.
2
.
.
.
.
.
1

Fire! pinaputok na ang EPC ( Electric pulse Cannon) nagmula ang beam sa isang submarine na pasok sa 2km range ng mothership,pagtama ng beam na kuryente ay natigil bigla ang pagpapaputok ng plasma cannons ng kalaban. "May 60 seconds lang tayo bilisan nyong lahat!" - Aizen. Agad-agad ay tumigil sa ibabaw ng mothership pitong talampakan mula sa deck nito ang mga natirang skywrath at nagtalunan na sila Max kasama si Aizen.

Pagkababa ng lahat ay umalis agad ang mga skywrath sa ibabaw ng mothership. "Sino nagpalipad ng sinakyan natin?" - Maximmus. Pumuwesto na sila at hinanda ang mga shield. "Si Erik na bahala dun" - Aizen. Tumakbo na silang lahat sa ibabaw ng mothership. Ang dalang sniper rifle ni Brian ay Isang Dragunov sniper rifle, at kila Jessie at Santi ay ang shield na pinakita ni aizen noon. Si Lorenz at aizen ay ang badass blaster. Si Max ay katulad ng dati ang dalawa niyang espada. Nagsisugod na ang mga mababangis at walang awa na mga leviathan.

Sinangga lang nina jessie at Santi ang hataw ng dalawang leviathan. At walang kahirap hirap nila itong nagawa dahil sa shield na ginawa ni aizen. Sabay talon sila Vincent at Niño at pinugutan ng ulo ang dalawang leviathan. Habang sila aizen,Lorenz,Brian,at xander ay mga supporta sila ang cover fire. Kasama pa ang ibang squad ay sumusugod sila papasok sa isang labasan ng overcraft. "Kailangan makapasok tayo Vincent! Lorenz! Xander! Clear nyo yung nilalabasan ng overcraft!" - Maximmus. Tumango lang ang tatlo at pinasok na nila ang nilalabasan ng overcraft.

Ang daming leviathan sa loob,sumugod agad si Vincent at nakapagpatumba ito ng apat na kalaban. "Sir pasok na kayo kailangan nating makarating agad sa core" - Lorenz. Habang tumatakbo papasok ay bumabaril ang mga gunners sa lahat ng direksyon. Pagdating sa loob ay kakaiba ang itsura may mga ilaw na pula at mausok dahil sa mga nagsabugang mga supply ng kalaban.

"Hanapin agad ang core reactor at taniman ng bomba para mawasak ang lugar na ito, dapat nakalabas na ang lahat bago pasabugin ang bomba maghiwalay tayo sa dalawang grupo , Max dyan kayo sa elevator na yan dumaan kami dito sa kabilang elevator" - Maximmus. Seryoso ang mukha ng kapatid niya at yun ang tanging naisip na paraan ni maximmus para mapabilis ang pagwasak dahil sa loob ng isang oras ay dadating na ito sa maynila.

"Sige Sir, raider 3 sumama kayo sa akin. Aizen dito ka na sa amin sumama " - Max, at naghiwalay na ang dalawang grupo kasama pumasok na sila sa elevator at di nila alam kung saan sila mapupunta.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala ang labanan sa Palawan ay mas lalong tumitindi. Marami sa mga kalaban na leviathan ay unti-unti nang namamatay sa pinagsamang puqersa ng mga taong pinaglalaban ang kalayaan. Epektibo ang naimbentong armas ni Aizen na Badass Blaster dahil doon ay mas maraming leviathan ang napapatay. Ang nangyayari naman sa maynila ay kabaligtaran ng sa Palawan dahil nahihirapan ang lumalabang puwersa doon na tapatan ang mga leviathan dahil marami at malakas ang puwersa dito.

Samantala ang mga barkong pandigma namang lumalaban sa mothership ay napapalaban ng matindi .

"Admiral our fleet cannot sustain this situation until the ground units inside destroy it" - Ang sabi ng Rear Admiral.

"We have to sustain this or the battle in manila will end"

Sa loob ng mothership napapalaban ng husto ang grupo ni Maximmus sa mga leviathan, ang nasa isip lang ni Maximmus ay kailangan nilang magawa ang misyon na ito dahil nasa kanila ang kapalaran ng hindi lang ang bansang Pilipinas kundi pati na ang mundo. Sinalubong ni Maximmus ang limang leviathan sabay talon at mabilis umatake ng patusok sa mga ulo nito. "Max! Nasaan na kayo?" Ang tanong ni Maximmus sa radio Communication.

"Hindi ko alam kung saan basta napapalaban kami ng matindi dito dahil sobra ang dami nila" - Max
.
.
.
.
Max POV

Bumibilib ako kay Aizen dahil magaling siyang sumuporta at lumaban alam niya ang gagawin niya dito, mas magaling siya ngayon kesa sa nung nagsasanay kami dahil nung nasa base pa kami ay hindi siya seryoso pero dito maaasahan siya.

"Sir ang dami nila hindi tayo pwedeng magtagal dito!" - SL Romeo. Tama si Romeo dapat mahanap namin agad ang core reactor para matanim ang mga bomba at mapasabog ang buwisit na sasakyang ito.

"Ako na bahala! Patayin ang mga electronic devices!" - Aizen, sabay hagis ng mga kakaibang granda. Pinatay namin ang lahat ng electronics bigla na lang ay parang umilaw at nakuryente ang mga kalaban sa paligid namin at nagbagsakan.

"Wow! Ayos yun ha!" - Jessie.

"Tara alam ko na kung saan ang core reactor" - Aizen, sumusunod kaming lahat sa kanya. Lahat ng makasalubong na kalaban ay di kami mapigilan ito na ang oras para sa pagganti sa mga walang hiyang mga leviathan ito. Habang sinusugod at pinupugutan ko sila ng ulo naaalala ko ang araw na namatay ang mama namin. Dahil sa kanila nasira ang pamilya ng maraming tao.

"Ahhhhhhh!!!!! Mamatay na kayong mga punyetang leviathan kayo!" - ako, umiwas ako sabay takbo sa braso ng leviathan na umatake sa akin.

End of this chapter

Vote!

Share!

Comment!

FrontlinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon