Chapter 10
Lorenz POV
Ang ingay na naman ng mga tukmol lalo na sila jessie at Santi. Nakatambay kami sa Aircraft hanger habang nililinis ko ang mga baril ko. Para laging maganda ang kondisyon sa oras ng labanan. Ang bilis gumaling ni Jessie mula sa natamo niyang sugat at bali. Iba talaga kapag masamang damo,
Bigla akong kinalabit ni Niño habang naglalagay ako ng bala sa magazine. May paparating na babae naka-puting sando at BDA pants ng federation army dala niya ang army bag niya sa kanang kamay niya. Sigurado poporma na naman ang dalawang tukmol ( Santi at Jessie) .
"Pre, pupusta ako ng dalawang daan sasama sa akin yan mamaya sa bar" - ang pagyayabang ni jessie. Tumawa lang si Santi at nagsalita.
"Sige, Deal! epic fail ka dyan" - santi
"Ihanda mo na dalawang daan mo" Ang sagot ni Jessie sabay tayo at lumapit sa babae. Panong di niya lalapitan ay sexy yung babae, mahubog at may medyo kalakihang hinaharap. Napailing na lang kami nina Xander at Niño. Samantala si Vincent ay walang pakialam at naghasa na lang siya ng espada niya.
"Hmmmm, may hinahanap ka ba Ms.?" -Jessie."Wala" ang mataray na sagot ng babae. Natatawa na lang kami dahil natarayan na ang lover boy number one ng squad.
"Ahhh, baka maitutulong kita Ms." -Jessie
"Wala" - ang mataray na sagot ulit ng babae ay nagtaas ng kilay. At umalis na papunta sa loob ng opisina. Pagbalik sa amin ni Jessie ay tinawanan namin ang gago at inabot na ang dalawang daan.
"Buruin mo nga naman nagkaroon pa ako ng dalawang daan naka-upo lang ako at naghahasa ng espada" ang pang-aasar ni Santi.
Dumating bigla si Squadron Leader Romeo. Mukha naka-isa ito sa misis niya at nakapagpahinga ng maayos kagabi.
" oh mukhang nagkakasiyahan kayo dyan ha" ang wika ni SL Romeo
"Kaya Sir, paano ba naman itong si jessie may pinormahan na babaeng sundalo. Tinarayan at nilayasan lang siya" ang natatawang sagot ni Xander.
"Sa susunod kasi Cassanova tignan mo muna kung uubra ka " ang payo ni SL Romeo kay jessie.
"Sir Good mood ka ha, naka-isa ka noh?" Ang pabirong banat ni Niño
"Hahahaha! Tama ka dyan, namiss ako ng misis ko" ang sagot ni SL Romeo.
Habang nagkukuwentuhan kami ay paparating na sila Comm.Maximmus at VC Max galing sa sasakyan."Kamusta mga kabalyero?!" Ang bati ni Commander Maximmus.
"Ayos naman sir" ang sabay-sabay naming sagot.
"Buti naman," -Commander Maximmus
Tahimik lang si Max habang nangangamusta ang kapatid niya. Parang walang buhay ang mga mata niya. Natatandaan ko nung lumalaban kami ay kung titignan mo ang mga mata niya ay sobrang bangis nito. Pero ngayon ay walang bakas ng kabangisan sa kanyang mga mata. At sa buong linggo na nasa Benguet kami para magturo dun ng mga tactics at skills sa mga baguhan ay halos tahimik siya.
Kaya naisip ko minsan ano kaya ang pinagdaanan niya dati sa Sierra Madre ang balita ko ay wala pa noon ang mga knights. Ang kuwento ay nasa 14-15 pa lang ang edad niya noon ng sumabak siya sa Frontlines.
"Sir Maximmus balita ko may paparating na mga baguhan daw ngayon" - SL Romeo.
"Ah, Oo may dadating ngayon galing training Camp sa Baguio City, dapat nga kanina pa nandito ang mga yun" -Commander Maximmus
At umingay na ang paligid dahil sa paparating na mga Helicopter. Paglapag ay nagsibabaan na ang mga sakay na baguhang knights. Aba nasa dalawang platoon din pala ang dami nila.
Nagformation na sila at lumapit na sila Commander at Vice Commander Villarba sa mga bagong dating.
"Mukhang mga tigasin ang mga to ha" ang sabi ni Niño.
"Tignan na lang natin sa labanan kung tatagal sila" ang singit ni Vincent
"Aba nagsalita ka ngayon" -Santi
Pinaalis na ni Commander Maximmus ang mga baguhan papunta sa mga quarters nito para makapagpahinga.
"Commander Maximmus Villarba and Vice Commander Maximo Villarba proceed now to briefing Area" ang annoucement sa loud speaker ng base. .
.
.
.
.
.
.
MAXIMMUS POVPapunta na kami ni Max sa Briefing area. Habang naglalakad ay nakatingin ako kay Max dahil napapansin ko na bumabalik ang dating Max na mabangis kapag nasa labanan. Aaminin ko mas malakas at mas magaling si Max sa akin, bilang kapatid niya ay alam ko at naramdaman ko din ang naramdaman niya noon.
Mahirap din sa akin iyon pero dahil ako ang kuya kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko.
Nakaluhod ang papa namin at umiiyak ito habang yakap ang mama namin na dumudugo ang ulo. Yun ang unang pagkakataon na nakita namin si papa na magalit ng ganun. Di namin mapigilan ni Max ang lumuha. Di ko mapaliwanag ang sakit nararamdaman ko.
Magulo ang paligid at maraming mga patay sa paligid, wala kang ibang makikita kundi kamatayan at paghihinagpis. Sobrang sakit sa loob ng nakikita namin ni Max sa nangyari sa bayan namin pati na rin ang naidulot sa pamilya namin. Nasa 15-anyos palang si Max samantala ako ay 22-anyos na. Ang papa namin ay isang Tinyente sa Philippine Army kaya strikto siya sa amin.
Masaya kami noon, ang pamumuhay namin ay payak lang at masaya. Ang mama namin ay isang simpleng may bahay lang at mahal na mahal niya kami. Natatandaan ko tuwing uuwi ako galing sa eskuwela ay may luto siya laging miryenda para sa amin ni Max at laging may uwing pasalubong si papa.
Bigla na lang ay nagsalita si Max.
"Kuya nandito na tayo pasok na" di ko namalayan na nasa briefing area na pala kami naalala ko na naman ang nakaraan. Kaya naiintindihan ko kung bakit naging ganito ang kapatid kong si Max.Pagpasok namin ay nandun si General Carter at may kasama siya isang babae galing ng Federation Army at isang lalaki na medyo mahaba ang buhok at mukhang mayaman.
"Sir" sabay saludo kami ni Max kay General Carter dahil mas nakakataas siya sa amin.
"At ease knights" ang sagot niya at pinakilala ang dalawang nasa kuwarto na iyon.
"Maximmus, Max this is Colonel Artemis Williams of Intelligence Division of Federation Army" -General
"Nice to meet you Col. Williams" ang sagot ko at kinamayan ko siya. Maganda siya ha at mukhang suplada at mataray.
"And Col.Williams this is Commander Maximmus Villarba of Raider Battalion and his Vice Commander Maximo Villarba" -General
"Nice to meet you too Commander Maximmus Villarba and nice to meet you too Vice Commander Maximo Villarba" ang magalang na sagot ni Col Williams.
Kinamayan lang ni Max si Col.Williams at di man lang bumati. wala pa ring pinagbago ang kapatid kong ito, suplado sa umpisa. Kaya bilib ako kay Alex dahil di siya naintimidate sa pagiging suplado ng kapatid ko.
"They are brothers" ang dagdag pa ni General habang nakangiti.
"And this is Mr.Aizen Joshua Rivera the CEO of Rivera Advance Weapons System" - General
Aba ang pinaka mayaman na tao ngayon sa pilipinas ay nandito. Masyado ata siyang bata para maging CEO ng maraming kumpanya.
"Nice meeting you Mr.Rivera " - ako , at kinamayan ko siya.
"No, Commander the Honor is mine" ang sagot ni Mr.Rivera, gusto ko tong lalaking ito mukha mapagkakatiwalaan at madangal na tao.
"Nice meeting you Vice Commander Maximo Villarba or should i say Max Dual blade the Hero of Frontlines" ang bati niya kay Max habang kinakamayan ito.
Wala lang kay Max yung sinabi ni Mr.Rivera. pero ayos ha, mukhang mahilig ang lalaking ito sa mga bagay tungkol sa Frontlines.
End of this Chapter
VOTE!
SHARE!
COMMENT!
Grabe nag-dugo ang ilong ko sa mga english na mga linya dyan.