Chapter 13
Nasaan na ba yung kapatid ko na yun,saan ba yun nagpunta hay naku kahit kailan talaga kung saan saan naggagala yun. Ako na nga sumundo sa kasintahan nya, at mababakas sa mukha ni Alex ang pag-aalala. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sa wakas si Max.
"Saan ka ba nanggaling may pupuntahan pala kayo tapos kung saan saan ka pa nagpupunta" - Alex, grabe naman to girlfriend ng kapatid ko sabagay di ko siya masisisi kasi tama naman si alex.
"Galing ako sa malaking puno ng mangga malapit dito sa base, nagpahinga ako sandali kaso nakatulog ako hehehe sensya "- Max,habang nagkakamot ng ulo niya at nakangiti. Ngayon masasabi ko na di pa rin siya tuluyan nagbago dahil matakaw pa rin siya sa tulog.
"O sige tara na at mahuhuli tayo sa imbitasyon ni Aizen sumakay na kayong dalawa " - ako, sabay sakay sa sasakyan at start nito. Habang papunta kami ay tahimik lang kami sa loob ng sasakyan kaya nagbukas ako ng radio para magkabuhay naman sa loob ng sasakyan. Napansin ko na lang na napapa-hehead bang si Max sa kanta at tumatapik sa dashboard ng sasakyan. Pati ako ay nagagaya na nasa kapatid ko. Ang tugtog ba naman ay ang paborito naming kanta ni Max Sweet child O mine by: Guns N Roses.
Pagdating ng chorus....."Wooooaahhhhooo sweet child o mine!" Ang sabay pa naming kanta ni Max. Napansin ko na lang nakangiti si Max, at si Alex ay natatawa sa aming magkapatid. Totoo nga sabi ng bartender sa bar na tinatambayan ko Appreciate the little things dahil kung minsan ang maliliit na bagay ay nakakapagpasaya sa atin. Habang tumutugtog ang kanta ay nakalimutan din namin ang takot,galit at pagod,tanging pansamantalang saya ang nananaig. Nakita na namin ang gate ng execitive subdivision na sinabi ni aizen sa amin.
"Kanino po kayo pupunta ?" Tanong ng security personel na nasa gate.
"Kay Mr.Rivera" ang sagot ni Max
"Okay sandali lang po tatawagan ko lang po si Mr.Rivera para i-confirm"-Security Personel. Kinuha na niya ang phone na konektado sa lahat ng nakatira dito. At may security camera dito sa gate. Gate pa lang ito limang camera na ang naka-install ano pa kaya sa loob.
Binababa na ng security personel ang phone at pinapasok na kami."Ah, sir saan yung bahay ni Mr.Rivera?" - ako
"Hanapin nyo lang po ang isang tore na maliwanag"
"Sige,salamat " - ako
At tumuloy na kami tore daw? Sa isang subdivision nangloloko ata si kuya guard eh. Kahit si max ay parang di naniniwala. Pagtigil namin sa isang hiwalay na daan ay nakita namin ang isang mataas na tower na maliwanag.
"Di nga nangloloko si kuya"- ako,nakita namin ang isang aircraft na lumapag sa ibabaw ng tower. Kaya pumunta na kami sa kinaroroonan ng tower ni Aizen. Nasa gitna ito ng subdivision at kitang kita agad ito.
Wow! Mayaman talaga si Aizen dahil nasa 20 floors ata ito at ang daming ilaw na nakabukas sa paligid.
Nakita namin na naka-abang si Aizen sa labas ng tower niya. Kaya nagpark na kami sa tapat ng napakataas at elegante niyang tore."Aizen dito kaba nakatira?" - ako habang tumitingala.
"Oo, dito ako nakatira." - Aizen
"Di ko akalain na ganito kalaki ang bahay mo" - ako
"Ahaha, ganun ba sino naman ang kasama niyong magandang binibini "-Aizen,
"Aizen, siya ang girlfriend ko si Alex"- Max
"Nice meeting you alex ako si Aizen Joshua Rivera isa akong taga-hanga ni Max " - Aizen, sabay abot ng kamay para makipagkamay.
"Ako rin nice meeting you"- Alex