Chapter 5
August 4 2020 , 7:30 Manila, Philippines
"Pare ilan na napatay mong leviathan?" Ang tanong sa akin ni Santi habang hinuhugot ang espada nya sa ulo ng napatay nyang leviathan.
"Nasa bente na, ikaw?" Ang sagot ko sa kanya.
"Naka bente uno na ako Niño lamang na ako sayo" ang pagmamayabang ni Santi.
"Tumigil nga kayong dalawa dyan maging alerto kayo! Di ito isang video mga tukmol! " napatingin kaming dalawa ni Santi kay knight Squadron leader Romeo, ang seryoso ng mukha nya sa amin.
"Tama si Squad leader, umayos kayong dalawa" tumingin kami sa taas ng building. Naka-puwesto dun si Brian siya ang squad sniper namin.Ang isang knight squad ay binubuo ng isang Knight sniper, dalawang Knight Gunner : compose of one heavy assault rifle expert knight at isang submachine gun expert knight. Isang medic knight at apat na Swordsman knight kasama na sa apat ang Squadron leader.
"May nakikita ka ba dyan Brian?" Tanong ni Squadron leader ( Romeo)
Nagpaputok bigla si Brian at sinabi...."Sir ngayon wala na " sabay ngiti .
Nakita namin paparating sila Xander at Lorenz sila ang Gunners namin. Heavy assault rifle ang dala ni Xander samantala si Lorenz ay submachine gun. At sumusunod sa kanilang dalawa at dalawa pa naming kasama na sina Vincent at jessie. Si jessie ay isang pikeman yung gumagamit ng sibat at matindi ang shield nya sobrang bigat. Bagay naman sa kanya dahil malaki ang katawan nya. Si Vincent naman ay gumagamit ng light weight na espada dahil dun ay mabilis siya umatake at marami.
Sa grupo ay si Vincent ang pinaka tahimik. Maamo ang kanyang mukha maputi siya at may tamang pangangatawan. Samantala si Santi naman ay may pagkaloko medyo payatot siya di tulad ni jessie na malaki ang katawan at matangkad nasa 6'0 ang height niya. Ang pagkakaparehas nila nila ni Santi ay babaero.
ang Squadron Leader naman namin na si Romeo ay matapang cleam cut amg buhok nya at loyal sa misis niya. Si brian.... Hmmmmm ang masasabi ko seryoso siya sa buhay di tulad ko na chill lang.
"Area clear sir" sabi ni xander.
"Lorenz sabihan mo ang mission control na area clear na" ang sabi ni Squadron leader Romeo habang sinusukbit ang espada nya.
Kaya nilabas na ni Lorenz ang portable hologram projector, kasing laki lang ito ng isa sinaunang cellphone na Nokia 3310 . cinoconract na niya ang mission control at sumagot na .
"Mission Control this is Raider3 objective done area clear. Do you have any instruction? " ang report ni Lorenz.
"Raider3 return to base ASAP" - ang sabi ng mission control. Pagkatapos ay pinatay na ni Lorenz ang comms at lumapit na kay Squadron leader.
"Oh, ano instruction?" -Squadron leader
"Return to base ASAP" - ang sabi ni Lorenz.
"Ang instruction ng Mission control ay return to base ASAP, pull out na boys" ang utos ni Squadron leader.
Kaya tumayo na si brian at dinala na ang sniper rifle nya at bumaba ng building. Pagkababa nya ay nag-simula na kaming tumakbo pabalik ng base. Habang pabalik ay may mga nakakasabay kaming mga military truck ng Federation Army na may sakay na mga civilian. Kaya nagtataka kaming lahat dahil ngayon ay may nakakasalubong na kaming mga Caterpillar tanks. Klase ito ng military tank na sobrang bigat kahit na ang isang leviathan ay di ito basta-basta mabubuhat o masisira. Mula nga sa pangalan nito para itong caterpillar, heavly armored ito at matindi ang artelliary power nito at tama lang naman ang bilis nito.