Christine's POV
At dahil hindi ako nakapirma noong nakaraang araw, babalik ako sa opisina nila ngayon dahil kailangan. S'yempre, natauhan ako sa sobrang takot sa babaeng nagmumulto kaya nagpasama ako sa mga prinsesa ng eskwelahan para may karamay na ako. Mabuti nang handa.
Hindi ko ipinaalam kanino man 'yung naranasan ko sa building ng kumpanya dahil gagawa lang ako ng issue at tiyak naman na hindi nila ako paniniwalaan.
"Grabe girl, ang suwerte-suwerte mo! Naka-jackpot ka!" bungad ni Naty nang makarating kami sa aming destinasiyon.
Sasakyan ni Myrna ang ginamit namin. Ako ang nasa passenger's seat. Habang 'yung tatlo, si Carla, Naty at Lupe ay nasa likuran. Isa-isa na kaming nagsibabaan.
"Ilakad mo kami sa boss mo para mailimbag din namin ang aming mga akda," pagsingit ni Lupe na tila manghang-mangha.
"Why not?" matipid kong sagot habang naglalakad na nga kami papasok.
Kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan habang ako, tahimik lang.
"Christine? Mukhang hindi ka masaya? Hindi ka ba excited?" Tapik sa akin ni Carla dahil ang lalim ng aking iniisip.
Huminto ako saglit at nginitian siya. "Speechless lang ako. OA, a?" palusot ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang elevator.
"Pinagpapawisan ka? Ano bang nangyayari sa 'yo?" hirit ni Myrna habang nasa tapat kami ng elevator.
"Wala ito. Naiinitan lang talaga ako sa lagay ng panahon ngayon," palusot ko pa at bigla namang bumukas 'yung elevator at isa-isa na silang pumasok doon.
Nagpahuli talaga ako kasi nakikiramdam ako sa paligid. Malay natin, nandyan lang pala siya sa tabi-tabi.
Pagkapasok naming lahat sa loob, pinindot na ni Myrna ang buton patungong 8th floor.
Tahimik lang kaming lahat sa loob. Malamig naman pero pinagpapawisan ako nang malagkit. Ewan ko ba, hindi ko talaga feel ang lugar na ito.
Kamukatmukat, biglang huminto na naman sa 6th floor. Napakapit tuloy ako bigla kay Naty sa kaba. Pinikit ko na lang ang mata ko dahil natatakot ako. Pagbukas ng elevator, nakarinig lang ako ng mga yabag papasok dito. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagdilat ko.
Gumaan ang aking pakiramdam nang wala namang nangyaring masama. Nang makarating kami sa 8th floor, laking pasasalamat ko dahil walang gumambala sa amin.
"I'm so excited! Feeling ko ako ang pipirma ng kontrata," saad ni Carla habang naglalakad kami sa daan patungo sa office ng boss.
Pagkarating namin doon, bumungad sa akin si Ms. Bie, 'yung nagmessage sa akin sa preyo.
"Salamat Christine at dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ni boss," turan niya sa akin at bineso-beso ako.
"Sorry nga pala kung hindi tayo natuloy noon. Sumama po kasi pakiramdam ko," ani ko at pumasok na kami sa loob.
"Kaibigan ba kayo ni Christine? Well, nice to meet you. I'm Ms. Bie, ang EIC dito." Pakilala niya sa mga kaibigan ko.
"Opo, nice to meet you too Ms. Bie," sagot nilang apat.
"Napakaganda mo pala Christine. I'm Christian Antiporda, ang may-ari nitong kumpanya," pahayag niya at kinamayan ako.
"Good Afternoon po, Sir!" Masigla kong bati.
"O, sila ba ang mga kaibigan mo?" aniya sabay turo sa apat na nagpapa-cute pa.
Malakas ang appeal ni Sir. Guwapo, siguro at 28 - 30 y/o pa lang siya. Fresh na fresh. Kumakapit ang kaniyang pabango sa aking ilong. Nakakaadik, shocks!
"Hi girls, nagsusulat din ba kayo sa preyo?" tanong niya sa mga ito.
"Opo, Sir!" sagot nila.
"Gusto n'yo bang mailimbag ang inyong mga akda at masilayan ito sa mga bookstore?" dugtong pa niya.
Nakaupo lang ako sa sofa kasama si Ms. Bie at nagrerelax habang 'yung apat ay nakatayo pa at nagsusumiksik sa tabi ni Sir Chris.
Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya. Ang tindig niya, ang lakas ng dating, ang katawan niyang humahapit sa suot niyang corporate attire, kitang-kita mo 'yung hubog ng kaniyang katawan. Nakakatukso siya, para bang I want him, gusto ko siyang tikman.
"Anong story n'yo nga pala sa preyo? At saka ilang reads?" anito.
"Love, Ate po 'yung title ng story ko. 100k reads na po ito although short story lang," pangungunang sambit ni Myrna na biglang sumigla.
"Akin naman po ay Vladie Mary. Kasalukuyang 400k reads na po ito under Vampire category po," birada naman ni Lupe.
"Sakmalin mo ako with Love ang title po ng story ko. 50k reads po," ayuda naman ni Carla.
"Hep hep hep, magpapahuli ba 'yung story ko? Lumuhod na Bituin having a 250k reads. Kyah!" pagpapa-cute ni Naty.
"Good job, girls. Ang gaganda ng title ng stories ninyo. At dahil diyan, balik kayo bukas para makapirma kayo ng kontrata. Ibigay n'yo na lang ang number n'yo kay Bie para hingin niya ang mga detalyeng kailangan naming.
"Is this real? Magiging book na rin sa wakas yung story ko?" Over acting ni Carla na kunwari ay hindi makapaniwala.
"Magiging Soon to be Published na talaga?" singit ni Myrna.
"Pagkakaguluhan na rin ako ng lahat?" ani naman ni Naty.
"Magkakaroon ako ng book signing? Grabe!" hirit ni Lupe.
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan ko dahil sa good news sa kanila ni Sir.
"Basta girls, keep on promoting your stories para naman maraming bumili kapag nai-release. Okay?" turan ni Sir Chris habang nakangiti.
"Yes, Sir!" ligalig nilang sagot.
"Okay Christine, sunod ka na lang sa office ko," aniya at umalis na patungong office niya.
"Hindi pa pala ito 'yung office ni Sir?" turan ko kay Ms. Bie.
"Naku hindi pa, waiting room pa lang ito. Maglalakad ka pa nang medyo malayo bago mo marating 'yung office ni Sir," paliwanag niya.
"Girls, let's go. Hintayin n'yo na lang si Christine sa baba," dugtong pa niya.
"Girls, mauna na kayo. Baka matagalan pa e mainip pa kayo," mungkahi ko.
"Are you sure, Sis?" tanong ni Lupe. Tumango na lang ako sa kanila.
"Well, balitaan mo na lang kami kapag nakapirma ka na," pahayag naman ni Naty.
"Sige, una na kami. Bye!" Paalam nilang apat at nilisan na nga nang tuluyan ang silid.
"Bye!" Paalam ko habang kumakaway-kaway pa.
"Just wait for me, Sir Chris..." turan ko sa aking isipan at naglakad na patungong office niya.
BINABASA MO ANG
Limbag
HorrorManunulat ka ba? At gusto mong mailimbag ang iyong akda bilang isang libro sa publiko? Paano kung ang kapalit naman nito ay ang buhay mo? Magpapalimbag ka pa kaya? Cover made by: @Dark_Keiichi