Pagpasok ko sa loob ng silid ni Sir Chris, namangha ako sa laki nito. Siya lang ang umuukupa roon. Sadyang mayaman nga ang kanilang pamilya.
Umupo kaagad ako sa upuan na nasa tapat ng desk niya.
"Are you ready for the contract signing now, Christine?" mapang-akit na sambit ni Sir.
"Opo," tugon ko na medyo pa-sweet lang.
Marami kaming pinag-usapan ni Sir about sa contract at s'yempre, nagkuwentuhan na rin kami about sa buhay-buhay naming.
After contract signing, nakipagshake hands sa akin si Sir. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan.
Nakangiti lang si Sir at wari mo'y may nais iparating. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya naman kinindatan ko siya kaagad bilang tugon.
Iyon na mismo ang signal para lapitan ako ni Sir at kaming dalawa'y naghalikan.
Napapakagat na lamang ako ng labi sa pangroromansang ginagawa ni Sir sa aking katawan. Sarap na sarap ako sa bawat dampi ng kaniyang dila't labi sa aking katawan.
Ilang sandali pa, hindi ko namamalayan na wala na pala kaming saplot. Maganda ang hubog ng katawan ni Sir, halatang alagang-alaga. Napakagat na lang ako sa aking labi dahil ang sarap titigan ni Sir mulo ulo hanggang paa.
"Ready?" mapanukso niyang tanong.
"As always," tugon ko habang inaakit siya.
At tuluyan na nga niyang pinasok ang aking kaloob-looban hanggang sa marating namin ang rurok ng kalangitan.
---
Nagising ako nang bigla tumunog ang aking cellphone.
"Hello Naty..." malumanay kong sambit.
"Hi Sis, musta ang contract signing?" aniya.
"Heto, nakapirma na. Ilang buwan lang ay ilalabas na nila ang libro ko."
"Talaga Sis? I'm happy for you. Congrats ulit!"
"Salamat!"
"Nasaan sina Carla, Lupe at Myrna?" pagsingit ko.
"A, papunta na sila rito sa canteen. Sis, punta ka na lang dito kung gusto mo para makuwentuhan mo kami," ligalig niyang pahayag.
"Bukas na lang para mas exciting," pambibitin ko.
"Hay, may pa-suspense effect ka pang nalalaman diyan."
"S'yempre, ako pa ba?"
"Oo na. O sige, ingat ka. Bye!"
Pagkababa ko ng tawag, ngayon ko lang napansin na nandito pala ako sa may sofa. Hindi ko makita si Sir Chris, baka bumili siguro ng merienda tutal 5pm na.
Napangiti naman ako dahil hindi niya ako iniwan dito nang nakatiwangwang. Mabuti na lang dinamitan niya ako bago siya bumaba.
Inayos ko na ang mga gamit ko at napagpasyahang umuwi na. Pagtayo ko, nakakita ako ng librong nakabalandra sa may pinto. Dadamputin ko na sana ito para itabi nang bigla itong lumiwanag at bumukas.
Napaurong akong bigla sa aking kinatatayuan nang may kamay na lumabas mula rito. Pilit na umaahon ang kamay sa loob ng libro kaya hindi ko maiwasang manginig sa takot.
Nasa kasuluk-sulukan na ako ng silid at nanginginig sa sobrang takot pero may pilit pa ring umaahon sa loob ng aklat.
Hindi ko maaninag kung ano itsura nito dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. Nakaahon na hanggang sa katawan niya ang babae mula rito.
"Tulong! Tulungan n'yo ko!" sigaw ko.
Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Tanging paghingi na lamang ng saklolo ang maaari kong gawin.
"Tulong!" sigaw ko pa.
Ilang saglit pa, tuluyan nang nakaahon ang babae sa may libro at paika-ika itong lumalapit sa akin.
"Layuan mo ako! Huwag kang lalapit!"
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakakita ako ng magazine dito sa aking tabi at ibinato ito sa kaniya ngunit wala itong talab.
Nag-sign of the cross ako at pumikit. Nagbabaka-sakaling mawala ang multo kapag nagdasal ako.
"Ahhh!"
Napasigaw na lamang ako nang hawakan niya ako sa aking panga at pinagkakalmot ang aking mukha at iba pang bahagi ng aking katawan.
"Tama na please! Hindi ko na kaya!" pagsusumamo ko.
"Mamamatay ka!" aniya at bigla na lang niya akong inihagis sa may pader at tumama ang aking ulo.
Bumagsak ako sa sahig at nakahandusay habang naliligo sa sarili kong dugo.
Tanging luha na lamang ang dumaloy sa aking mukha bago ako tuluyang lagutan ng hininga.
BINABASA MO ANG
Limbag
HorrorManunulat ka ba? At gusto mong mailimbag ang iyong akda bilang isang libro sa publiko? Paano kung ang kapalit naman nito ay ang buhay mo? Magpapalimbag ka pa kaya? Cover made by: @Dark_Keiichi