Chapter 7

2.2K 117 7
                                    

Joonathan's POV

Hindi ko passion ang pagsusulat. Na-engganyo lang akong magsulat dahil stress reliever ko ito. At saka pampalipas oras minsan kapag tinatamad ako.

Nakakatuwa lang kasi. Magpopost lang ako sa preyo ng update pero hindi ko inaasahang may babasa pala no'n. Nakakataba lang ng puso dahil mayroong tao na na-aappreciate 'yung gawa mo.

Nadiskubre ko ang preyo dahil naghahanap ako ng site noon para magbasa ng horror stories. Trip ko talaga ang horror kaya nga Horror writer ako rito sa preyo.

Miyembro ako ng MpTrio ng school na kung saan ay ako ang Vocalist. Oo, may talent din naman ako sa pagkanta kahit na papaano.

Kung sakali mang makapagpalimbag ako ng libro, e 'di masaya. Student ka pa lang, kumikita ka na kahit papaano.

Alfon's POV

What's up? May boyfriend ka na? Bakit hindi mo ako hinintay? One of the Badboyz in our school.

Marami na akong napaiyak na babae dahil sa kaguwapuhan ko. Wala e, pogi problems. Sorry girls, I love to play a game. It's not my fault kung ma-inlove kayo sa akin.

Sabi nga nila, "Maybe falling in love is an accident but staying in love is a choice." Kaya talo ka, kapag nahulog ka.

Hindi ako naniniwala sa forever. Wala naman kasing permanente sa mundo. Basta, enjoy your life to the fullest! 

Hindi alam ng nakararami na writer ako sa preyo. I'm a Paranormal writer. Ewan ko ba kung bakit ko nakahiligan ito. Siguro, dahil na rin sa mga pinapanood ko.

Wala akong balak na makapagpalimbag. Pero kung may darating na opportunity, why not 'di ba? Just grab it.

LimbagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon