Prologue

11.4K 367 63
                                    

Pinangarap mo bang makapag-published ka ng gawa mo bilang isang libro? Sa panahon ngayon, maraming kabataang manunulat ang nangangarap na maisalibro ang kanilang mga akda.

Paano kung may sumpa pala ang pagpapalimbag ng libro? Gugustuhin mo pa bang maisapubliko ang gawa mo kung buhay mo naman ang kapalit nito?

---

Isang barkadahan ang naghahangad na makapagpalimbag sila ng libro sa tulong na rin ng isang online app - ang Preyo.

Preyo, isang social networking site na kung saan binibigyan ang mga aspiring writer ng pagkakataon upang maibahagi sa madla ang kanilang mga akda.

Sa preyo, iba't ibang klase ng tao ang makikilala mo, marami kang madidiskubre, at higit sa lahat, ang pakikipagsalamuha sa kapwa-tao.

Marami ang naghahangad na malimbag ang kanilang akda lalo pa't magbibigay ito ng kasikatan sa kanila.

Isang grupo ang nagkukwentuhan sa may food court ng isang mall patungkol dito.

"Nakakainggit talaga 'yung mga author na sikat na sikat na!" wika ni Editha na isang Romance writer sa preyo.

"Oo nga, e. Sana ako rin, ma-discover ng madlang people sa preyo ang angking galing ko," ani Jennifer na kumakain ng ice cream. Isa naman siyang Humor writer.

"Ano kaya ang feeling ng mga author na sobrang sikat na? Siguro, tuwang-tuwa 'yung mga iyon," segunda naman ni Paloma na nakasilay sa labas ng mall. Isa namang Teen Fiction writer ang dalagang 'to.

"Malamang! E lalo naman siguro 'yung mga naisapelikula pa! O hindi ba? Hindi lang sila instant sikat, instant yaman na rin siguro," saad naman ni Lilybeth na pinaglalaruan ang iniinom niyang shake. Isa naman siyang Fantasy writer.

"Kailan kaya tayo sisikat at makakapagpalimbag ng aklat? Kapag pumuti na ang uwak? Huwag naman sana," pagsingit naman ni Digna na isang Chicklit writer.

Limang estudyante na magkakabarkada, iisa ang hilig, ang pagsusulat. Mga nangangarap na makapagpalimbag ng akda bilang isang libro. Gustuhin pa kaya nila kapag nalaman nila ang lihim na bumabalot dito?

---

"Uy girls! Tingnan n'yo oh! 10K na ang reads ng story kong Pasintabi! Ang sarap sa pakiramdam!" wika ni Jennifer sa loob ng kanilang silid habang ipinapakita niya sa barkada ang hawak na tablet.

Sila ay mga fourth year high school pa lang. Naging magkakaibigan nang dahil sa preyo.

"Uy Congrats, girl! Ako nga e 1K pa lang 'yung reads ng story kong Pansinin mo naman ako..." pahayag ni Digna na wari mo'y naiinggit.

"At dahil diyan, ililibre mo kami ng lunch! Tutal, may improvement 'yung story mo," ligalig na wika ni Editha habang kumakain ng bread pan.

"At isa pa, mataas ang grade mo sa math kaya treat us!" pangungunsinte naman ni Paloma.

"Kahit burger and fries lang  solve na kami," sambit ni Lilybeth habang inaayos ang gamit sa kaniyang bag.

"Sige na nga! Basta, suportahan lang natin ang gawa ng bawat-isa," aniya. Tuwang-tuwa naman 'yung apat dapat napa-oo nila ang kaibigan.

"10K reads lang 'yung sa 'yo? So poor! Akin kasi, 1M na at malapit ko na itong maipamahagi sa madla sapagkat ang aking akda ay malapit nang mailimbag!" pagsingit ni Christine na nakaupo sa likuran nila.

Si Christine ay isang General Fiction writer. Lahat ng akda niya ay tinatangkilik ng madla sapagkat sikat siya sa angkin niyang kagandahan, idagdag mo pa ang angking kalibugan.

"And so? Darating din kami sa time na iyan," giit ni Digna - ang pinakamahinahon sa kanilang lima.

"Puro kalibugan lang kasi ang alam mo! In fact, hindi ka na virgin hindi ba?!" panunuya ni Editha rito na nagpa-init naman sa ulo ni Christine.

"Tse! Inggit lang kayo sa akin!" sigaw nito sabay walk-out sa kanilang silid.

"'Yung Christine talaga na iyan e napakayabang! Akala mo kung sino! Bobo naman!" singhal ni Lilybeth na inis-inis sa ginawa ni Christine.

"Hayaan na nga natin siya, huwag na natin siyang intindihin," saad naman ni Paloma habang kinakalma ang mga kaibigan.

Christine's POV

My dream came true! Sa wakas! Malilimbag na rin ang story ko! Makalipas ang dalawang buwan na pagsusulat, pumatok sa madla ang ginawa kong story!

Sa pagkarami-rami ng stories ko rito sa preyo, 'yung puro kalibugan ko pa talaga 'yung sumikat ano?! Hindi ko iyon inakala. At oo, inaamin ko, marami akong alam pagdating doon , experience though.

So what? Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba na hindi na ako virgin. Sa totoo nga niyan, dahil doon, nakaisip ako ng plot para magawa ko ang story ko, e. Kaniya-kaniyang diskarte lang iyan.

Ngayon ang araw ko para pumirma ng kontrata sa isang publishing company. Excited na ako dahil sikat na ako sa preyo as a General Fiction writer kaya ipagpapatuloy ko lang ito.

Nakakataba ng puso 'yung mga taong nag-me-message sa akin dahil nagustuhan nila 'yung story ko. At higit sa lahat, gusto pa ng book 2! Aba, matinde talaga!

Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng ground floor patungong 8th floor na kung saan nakatakda ang aming isasagawang pirmahan.

Pagsakay ko sa elevator, biglang lumamig 'yung paligid ko. 'Yung balahibo ko ay biglang nagsitaasan! Kinikilabutan ako, gayon pa't ako lang ang mag-isa rito sa loob.

"Tanghaling tapat, tinatakot ko ang sarili ko. Ano ba iyan..." sambit ko sa aking isipan.

Nagulat ako nang biglang may humawi ng aking buhok sa bandang likuran kaya napasandig ako bigla sa sulok ng elevator habang tumatalon sa kaba ang aking puso.

Huminto bigla ang elevator sa 6th floor. Nagulat ako nang bigla itong bumukas ngunit wala namang taong naghihintay sa labas nito. Akmang hahakbang na ako palabas ng elevator nang bigla akong makakita ng babaeng gumagapang papalapit sa kinaroroonan ko.

Nanlaki ang aking mga mata dahil pabaligtad ito gumapang, 'yung para bang nakabending siya at nakaturo ang kaniyang mga paa sa aking direksiyon. Mas lalo akong nasindak dahil duguan ito at nandidilat pa ang kaniyang mga mata. Isa pa sa pinagtataka ko ay nawala bigla ang mga tao sa paligid gayong tanghaling tapat pa lang naman.

Nagkukumahog akong pindutin ang 8th floor ng elevator sa takot na maabutan ako ng babae.

Laking tuwa ko nang sumara ito bigla at tuluyan na nga akong nakaiwas sa babae.

Para akong binunutan ng tinik nang magsara 'yung elevator. Pawis na pawis ako nang dahil sa takot. Akala ko ay okay na ang lahat. Pagdating ko sa 7th floor, biglang lumitaw sa harapan ko 'yung babae kanina kaya napatili ako sa sobrang takot.

"Ahhh!" sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng elevator.

"Huwag po! Huwag po!" sigaw ko pa nang bigla itong lumutang sa ere at nakatitig nang masama sa akin.

"Huwag po!" sigaw ko pa nang bigla niya akong sakalin hanggang sa mawalan ako ng malay.

LimbagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon