Chapter 1

6.4K 267 58
                                    

Editha's POV

Ako na yata ang babaeng punong-puno ng inspirasyon sa buhay dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig. Tama kayo sa nabasa n'yo at hindi kayo nagkakamali, ako ang dyosa ng kilig at romansa.

Punong-puno ng kilig moments ang buhay ko. Ang ibig sabihin lang niyan, maraming nagkakandarapa sa akin kasi, maganda ako. Kahit sa anong anggulo mo pa ako tingnan, maganda ako. Ako na ang mahaba ang hair, kinabog ko pa tuloy niyan si Rapunzel dahil sa sobrang daming lalaking nahuhumaling sa akin.

Aaminin ko, hindi ko kayang mabuhay nang walang boyfriend. Ewan ko ba, gusto ko lang naman kasi sa tuwing hindi ko kasama ang mga kaibigan ko ay may naglalambing sa akin. Hindi naman ako kasing kati ni Christine, medyo lang. Siya kasi ang dyosa ng kalibugan kaya wala nang tatalo pa sa kaniya, winner!

Isa akong Romance writer, idol ko kasi si HaveYouSeenAteGirl. Paborito ko sa lahat ng gawa niya ay ang Invoice, Mimi and Zinc forever! At dahil doon, na-inspire akong gumawa ng story entitled Let Me Love You. Tungkol iyon sa dalawang tao na pinagbuklod ng musika at doon na nga nagsimula ang kanilang love story.

Dahil sa kababasa ko sa wattpad ng mga nakakakilig na scene, gusto ko tuloy na ginagawa rin iyon sa akin ng boyfriend ko. S'yempre, ibang version naman 2.0.

Kahit sinong writer naman sa preyo ay ninanais na maisapubliko ang kanilang mga akda kaya kung may mag-offer man, tatanggi pa ba ako? S'yempre hindi, sayang 'yung oportunidad na iyon. Kaya sulat lang nang sulat ang peg ko hanggang sa madiskubre nila na nag-eexist ako.

Paloma's POV

"Hindi ko kasi kayang ipakita sa inyo ang totoong ako kasi nahihiya ako," iyan ang laging litanya ko sa tuwing bago sa akin ang mukha ng aking mga kaklase. Transferee kasi ako mula sa ibang school kaya medyo nag-aadjust pa ako noong bagong pasok ko pa lang sa bago kong paaralan.

Pinagtawanan lang ako nina Editha, Digna, Lilybeth at Jennifer sa litanya kong iyon.

"Ano ito? Pbb? At hindi mo kayang magpakatotoo?" wika ni Editha.

"Nice girl! I like you to join our group," wika naman ni Lilybeth.

"Ahm, okay," ani Digna.

"Infairness, mukhang hindi ka plastic," pagsingit ni Jennifer.

Sila ang dyosa4 pero ngayong kasali na ako sa grupo nila kaya dyosa5 na.

Magaganda naman kasi talaga kami kaya tinawag kaming mga dyosa. Ako ang dyosa ng makahiya. Nakakahiya mang aminin pero mahiyain talaga ako hindi lang halata dahil sa mga kasama kong makakapal ang mukha. Biro lang.

Isa pa, isang bagay ang higit kaming nagkakasundo, ang pagiging manunulat sa preyo. Ang genre ko ay tungkol sa mga pinagdaraanan ng kabataan, Teen Fiction writer ako.

Na-inspire akong magsulat dahil sa That Gangster ni WasabiQueen kaya ang story ko ay pinamagatang Pen at my Notebook. May halong Romance at slice of life kaya I hope na ma-discover din ako ng publiko someday.

Hindi naman masamang mangarap, habang libre e sulitin mo na. Sa pangarap ka na nga lang sumasaya tapos puro kapighatian lang ang iisipin mo? Ay, malakas na siguro ang tama mo.

Alam ko namang hindi ako magaling sa larangang ito at sabi pa ng iba na trying hard ako. I don't care! Mind their own life. Huwag nilang tangkaing panghimasukan ang buhay ko dahil hindi nila magugustuhan ang iaasal ko kapag nagkataon.

Basta ako, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Magsusulat lang ako nang magsusulat! 

LimbagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon