Carla's POV
Naglalaway talaga ako sa tuwing nakikita ko sa internet ang litrato ng bida sa paborito kong movie na Sagans. At dahil doon, naglagay na rin ako sa bawat pasilyo ng aking silid ng poster niya. Pakiramdam ko tuloy lagi, nasa langit ako sa nasisilayan ko ang mga iyon.
Werewolf writer at your service! Basta simula ng sumikat ang Sagans ay naadik na rin ako kay Jacob Martini. Kakaiba kasi ang dating niya sa akin.
At dahil diyan, lagi kaming nagbabangayan ni Lupe kung sino ang mas hot sa iniidolo namin na sadyang kinaiirita sa amin ni Christine.
Princess Ariel ang bansag nila sa akin dahil mukha raw akong sirena. Excuse me, mukha ba akong bakla? Hell no! I'm the prettiest creature in the whole world.
Ang kapal daw kasi ng kolorete ko sa mukha kaya mukha raw akong baklang trying hard na nagpapapansin sa crush nito. Inggit lang sila sa akin 'no.
Ang akda ko ay pinamagatang Sakmalin mo ako with Love. Ewan ko ba kung saan ko napulot 'yung ganiyang title. Pero infairness, masarap nga namang sakmalin ka ng mahal mo dahil mahal ka niya hindi dahil sa anyo mo. Na minsan ay pinangarap ko ring mangyari sa aking buhay.
No boyfriend since birth ako, lahat kasi ng manliligaw ko ay bagsak sa standard ko. Mapili kasi ako masyado kaya sa tingin ko, hindi ko mararanasan ang spark ng pag-ibig.
Mabuti sana kung madali lang ako ma-fall. Kaso hindi e, ang pinangangambahan ko pa sa sobrang pihikan ko ay tumanda ako ng dalaga. Huwag naman sana.
Maka-reach lang ako ng 100K reads ay magpapa-party talaga ako. Kasalukuyang 50K reads na kasi 'yung akin na sadyang ikinatutuwa ng aking puso.
Sa pagpapalimbag naman, okay lang sa akin kahit self-published. Gusto ko lang namang makita ang akda ko bilang isang libro. Pero dagdag happiness na sa akin kung may gugustuhin mang humingi o bumili ng hard copy nito.
Naty's POV
Go, my sexy! My sexy sexy love! Ayiee, kinikilig talaga ako sa tambalang Cathriel. Masyado na akong naaadik sa kanila.
Akalain mo iyon, lahat ng gamit ko ay Cathriel at pinagawa ko pa talaga ang lahat ng iyon. Sana nga maka-meet ko sila in person para naman maipadama ko sa kanila ang suporta ko at mayakap sila nang mahigpit with matching selfie pa.
Fan Fiction writer ang kinahatnan ko. Dahil sa sobrang fanatic ako ng Cathriel, sila lagi ang bida sa kuwentong ginagawa ko entitled Lumuhod na Bituin.
Na-curious ba kayo sa title? Hehe, tungkol iyan sa mayaman, sikat at artistang si Raniel Caradilla na na-inlove sa kaniyang kababata sa probinsiya which is si Cathrina Belardo na may boyfriend na pala na ginagampanan ni Enrique Cruz. Ginawa niya ang lahat at halos talikuran na niya ang lahat ng mayroon siya para lang sa babaeng sinisinta. Secret na muna kung ano ang manyayari sa kanila.
Kasalukuyang mayroon ng 250K reads ang aking akda na ikinapalakpak ng aking tainga sa tuwa. I hope someday ay umabot ito ng 1M reads para maisalibro ito at ipapakita ko sa Cathriel na sila ang naging inspirasyon ko para sa librong ito.
They called me Princess belle dahil boyfriend ko raw ay panget. Beauty and the beast kumbaga. Love is blind talaga, aaminin ko, hindi nga guwapo 'yung boyfriend ko pero mayroon naman siyang mabuting kalooban.
Hindi ko ikinakahiya ang boyfriend ko, proud pa nga ako, e. Iba kasi talaga ang nagagawa ng love. Mabuti nga at hindi siya nagseselos kay Raniel Caradilla, e. Hashtag support naman sa akin si boyfie.
I hope, kagaya ni Princess Fiona ay madiskubre din ako ng publishing company dahil para sa akin, napakalaking achievement no'n kaya sulat lang nang sulat ang peg ko.
BINABASA MO ANG
Limbag
HorrorManunulat ka ba? At gusto mong mailimbag ang iyong akda bilang isang libro sa publiko? Paano kung ang kapalit naman nito ay ang buhay mo? Magpapalimbag ka pa kaya? Cover made by: @Dark_Keiichi