Jhamil's POV
Tinanong ako ng girlfriend ko...
"Ano Jhamil? Anong pipiliin mo? Dota o ako?" sambit niya habang nakapameywang pa.
"S'yempre, DOTA! Tonta! Haha!"
Sorry girls, bato na masyado ang puso ko. Kaya s'werte kayo kung makakaya ninyong mapalambot ito.
One of the Badboyz. They called me Mr. Heartbreaker. Hindi ko naman kasalanan kung na-inlove kayo sa akin, it's a game of love. Talo ang magmahal.
Dahil sa pagiging gamer ko, nahiligan kong magdrawing ng kung anu-anong creatures. Nang ma-discover ko ang preyo, nagsulat ako under Science Fiction na genre.
Hindi ako masipag mag-update. Tamad ako, tamad! Pero thanks to my readers. I love you all!
Donato's POV
Ako ang nawawalang anak ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Sa lahat ng estudyante rito sa aming school, ako na yata ang pinaka makata. Na sa pagiging makata ko, maraming binibini ang naaantig sa akin.
Mahilig ako sa Historical Fiction kaya gano'n ang isinusulat ko. Naghahanap talaga ako ng babaeng parang si Maria Clara kung kumilos kaso ang hirap niyang makita.
Naturingan akong Badboy dahil snob ako sa karamihan. Parang galit daw ako lagi sa mundo.
Stress reliever ko ang preyo lalo na sa tuwing binabagabag ako ng karamihan.
BINABASA MO ANG
Limbag
HorrorManunulat ka ba? At gusto mong mailimbag ang iyong akda bilang isang libro sa publiko? Paano kung ang kapalit naman nito ay ang buhay mo? Magpapalimbag ka pa kaya? Cover made by: @Dark_Keiichi