Chapter 6

2.6K 133 4
                                    

Arman's POV

Hindi ako mahilig gumawa ng stories, mas hilig kong gumawa ng mga tula. Para sa akin kasi, mas madali kong maipapahayag ang aking damdamin sa pagsusulat ng tula.

Nabasa mo naman hindi ba? Poetry writer ako. Hindi ko naman nais na sumikat. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng hinaing ng puso ko.

Ang tulang mababasa n'yo ay tula na ginawa ko para sa taong naka-chat ko sa isang site. Na-amaze ako sa kaniyang litrato at pawang may naramdaman akong kakaiba. Kaya ang tulang ito ay nagawa ko para sa kaniya. Tiyak kong maraming makaka-relate.


Litrato

Sa pagsilay ko sa iyong litrato,

Puso ko'y nabihag mo.

Isip ko ngayo'y gulong-gulo,

Sa aking napagtanto.


Tila hindi makapaniwala,

Puso ko'y tuwang-tuwa;

Ngunit hindi ako naniniwala,

Sapagkat alam kong wala akong mapapala.


Sadya ngang ika'y kaakit-akit,

Kahit sino ay maaaring mabingwit.

Puso ko'y isa lang ang inaawit,

Ikaw saki'y walang malasakit.


Sino nga ba naman ako?

Para mahalin ng isang tulad mo.

Ayokong umasa na ako'y magugustuhan mo,

Sapat na, na pagmasdan ko ang iyong litrato.


Huwag hayaang ika'y maging sawi,

Bagkus, ika'y bumawi.

Pagod ay mapapawi,

Kapag tamang tao ang pinili.


O 'di ba? Tamang hugot lang? Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam mo mahal mo na agad ang isang tao sa unang silay mo pa lang sa kaniyang litrato? Ganito na ba tayo mga Pilipino? Hay, pasakit lang.


---


Ang tulang ginawa ko namanna ito ay para kay crush. Girl POV ang ginamit ko sapagkat alam kong maraming makaka-relate.


Pintig ng Puso

Bakit ganito ang aking nararamdaman?

Hindi ko maintindihan.

Tila ako'y kinakabahan,

Sa tuwing ikaw ay daraan sa aking harapan.


Ako sa iyo'y nahihiya,

Halos pulang-pula ang aking mukha.

Marahil ako'y natutuwa,

Sa iyong ngiting kamangha-mangha.


Nang nginitian mo ako,

Hinampas ko ang katabi ko.

Sa akin siya'y bugbog sarado,

Lalo pa't ako'y naghuhuramentado.


Napakabilis ng tibok ng puso ko,

Nagmamahal na nga ba ako?

Ngunit ayokong umasa sa isang katulad mo,

Na mapaglaro sa damdamin ng mga babaeng katulad ko.


Kung p'wede lang sanang turuan ang puso,

Malamang, walang nakanganga at nakanguso.

Pero darating din naman sa atin 'yung tamang tao,

Taong mamahalin tayo nang todo-todo, kahit sino pa tayo.


Kaso mahirap kasi talaga umasa. Madalas, kung sino pa ang taong mahal mo, siya pa 'yung taong hindi para sayo. Awts lang.

Mas madali kasing ilabas ang iyong damdamin sa pamamagitan ng tula para sa akin.

Hindi ako nagyayabang pero isa ako sa mga Campus Crush. Mas gusto kong magpaka-humble kaysa magpalaki ng ulo. Sana, matagpuan ko na siya. Ang babaeng susungkit sa pihikan kong puso .

Popoy's POV

Preyo? Ehem.Dito ko ipinopost ang mga bumabagabag sa aking isipan. Minsan nga, ginagawa ko pa itong diary at nabobroadcast sa lahat ang lahat ng aking ginagawa.

Hindi ko passion ang pagsusulat. Na-intriga lang ako sa pinagkukwentuhan ng mga kaklase kong babae kaya pinasok ko ito. Random writer ako. Kung anu-ano ang aking isinusulat. Hindi story.

Sabi nila, kamukha ko raw si John Floyd kaya Popoy ang tawag nila sa akin. Nasaan na kaya ang aking Basha?

LimbagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon