Digna's POV
Isa lang naman ang gusto ko noon, ang magpantasya sa tuwing wala akong ginagawa. 'Yung tipong nais kong makita at makasama si Prince Charming kahit nasa sa panaginip lang.
Nagbago ang lahat nang ipakilala sa akin ng nakasabay ko sa bus ang preyo. Akala ko ay para sa mga babae lang ang preyo, pero mali ako. Kahit sino pala ay maaaring gumamit nito.
Nagulat lang ako dahil lalaki pa talaga ang nag-introduce nito sa akin. Tuwang-tuwa pa nga siya sa mga comment ng readers kesyo ang ganda raw, kesyo nakakatawa raw, at kesyo nakakaloko raw.
Abot tainga pa nga ang ngiti niya at masayang ibinalita sa akin na 50K na raw ang reads nito kaya nilibre niya ako sa bus na ikinatuwa ko rin naman.
Napag-alaman kong isa pala siyang Random writer. Sinusulat niya lang ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan. P'wede pala 'yung gano'n?
Dahil sa naengganyo ako, gumawa rin ako ng preyo account at ang akda ko ay Pansinin mo naman ako na patungkol kay crush na minahal ko na kahit ano klaseng pagpapapansin ang gawin ko ay hindi niya man lang ako mapansin. Dedma lang gano'n. Sa ngayon, may 2K reads na siya. Not bad.
Nakakainggit lang 'yung mga writer na nakapagpalimbag na ng akda nila bilang isang aklat. Kaya simula nang sumali ako sa preyo, pinangarap ko na ring makapagpalimbag kahit na hindi ako mahilig magbasa ng mga libro.
Miyembro ako ng dyosa5 na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan sa school dahil sa aming kagandahan. Ako ay isang nerd kuno na hindi mahilig sa aklat. Nakasalamin kasi ako nang malaki tapos tahimik pa ako kaya akala ng marami ay nerd ako.
Dahil sa pagiging tahimik ko raw, binansagan nila akong dyosa ng kapayapaan. Ako lagi ang taga-awat sa grupo sa tuwing nagkakairingan ang grupo namin at grupo ni Christine.
Isa akong Chicklit writer. Nais kong itaguyod ang pagpapantasya ng mga kababaihang hindi man lang masuklian ng pagmamahal. Taliwas naman ako sa kanila. Marami akong manliligaw kahit na nakasalamin ako kasi angat pa rin naman ang ganda ko kaso basted silang lahat. May hinihintay kasi ako, hihi!
My knight in shining armor! I'm patiently waiting for you!
Christine's POV
Well, ako pa ba? Kung hindi n'yo ako kilala p'wes, tumabi kayo sa daraanan ko mga sagabal!
Ako ang lider ng The Princesses. Ang kagandahan ko ay hindi lamang pang-Earth, kung hindi pang-Mars pa sapagkat ako mismo ang ibig sabihin ng kagandahan.
We called our group the princesses because we're the boss. Anak kami ng may-ari ng bawat stock holders dito sa school. Sa paglalakad ko pa lang, naglalaway na ang mga kalalakihan, paano pa kaya kung umariba na ako? Baka dumiretso sila ng langit nang wala sa oras.
Nakakaasar lang yung dyosa5 na iyan! Lalong-lalo na si Editha! Gggrr! Ang sarap kalbuhin! Bininsagan ba naman akong Princess Fiona! Aba, sa lahat ng prinsesa ay iyon na yata ang pinaka pangit! Hindi ko lang matanggap lalo na't may iginatong pa siya.
Tinawag niya raw akong Princess Fiona dahil sadyang maberde raw ako. Oo aaminin ko, ako na ang green minded! Ako na malibog! Ako na lahat! At least, pantasya ng lahat...
Normal lang naman sa mga babae ang pagiging malibog. Bakit? Lalaki lang ba ang may karapatang maglibog? Huh, I'm the green princess kaya wala kayong magagawa. Dito ako masaya e, bakit ba? Mind your own life!
Maraming nagtatanong, mahalaga nga ba ang virginity? Well, para sa akin hindi. Sa panahon ba naman ngayon ay marami ka pa bang makikitang Maria Clara sa paligid? Napaka-rare na kaya nila ngayon. At saka masayang mabuhay nang young, wild, and free.
Marami na akong naging experience pagdating diyan sa one word, three letters na iyan. At dahil doon, nakakagawa ako ng stories na kinahuhumalingan naman ng marami.
And yup, General Fiction writer ako. Napansin ko lang kasi sa preyo na maraming nahuhumaling sa Gen Fic kaya heto ang pinasok ko at hindi naman ako nagkamali. Tinangkilik kaagad ng madla ang aking akda.
Pakiramdam ko tuloy, hindi lang ako sikat kung hindi sikat na sikat! Para akong bituwing nagniningning sa gabing madilim.
Kaya laking tuwa ko noong umabot ng 1M reads ang gawa ko. May kumpanyang nag-message sa akin na nais daw nilang mailimbag ang aking akda na The Pleasure kaya um-oo kaagad ako. Mag-iinarte pa ba ako? Heto na iyon, e.
Mainggit lang kayo dyosa5!
BINABASA MO ANG
Limbag
HorrorManunulat ka ba? At gusto mong mailimbag ang iyong akda bilang isang libro sa publiko? Paano kung ang kapalit naman nito ay ang buhay mo? Magpapalimbag ka pa kaya? Cover made by: @Dark_Keiichi