I

7.9K 200 18
                                    


[Twitter]

Nika @nastiakahlila
WTF

Nika @nastiakahlila
Ang unfair naman nito? 😡
| Lana @laiaadella replied:
Ano yan nika?

[iMessage]

lmnopq 🌸

June 17, 12:09 p.m.

Nika
BAGSAK AKO SA ADMATH
Actually, lahat kami sa class bagsak
Except sa 2 classmates ko
Pero saktong tres lang din daw sila

Lana
Omg
Why?
What happened?

Nika
Feeling ko dahil to dun sa time na nakausap
namin si maam sa gc. Remember nung halos whole class
kami sa gc naglabas ng saloobin sa kanya kasi ang unfair?
Maya't maya siyang nagbabagsak ng exercises and machine problems tapos bitin deadline? Sinabi ko lang naman na kung pwede habaan niya deadline or kontian exercises


Lana
Tapos?

Nika
Sabi niya nun sumusunod lang siya sa syllabus
And not her fault daw kung di kami maka comply
sa deadlines. Matuto raw kami mag manage ng time
Akala mo naman siya lang subject namin 😡
E kung magpa activity siya palagi kada linggo halos lima
yung exercises tapos may machine problem pa sa dulo


Mithi
Hala :(
Pano yun
Mag aappeal ba kayo?


Nika
Nag pm na kami sa kanya kanina
Pero sabi niya wala raw talaga kaming chance pumasa
Kasi mababa rin machine problems namin
Ewan ko kung mababa talaga or sinadya niyang babaan eh

Lana
Nako
Pano yan?

Nika
Retake
Nakakaumay
Dahil sa kanya madedelay pa kami

Lana
Pano pag siya ulit prof ninyo next sem

Nika
AYOKO NA
nabibwisit ako
Sorry mithi :(

Mithi
No, don't say sorry
It's okay

Nika
Nag effort ka pa turuan ako sa ibang math dun
Tapos babagsak lang pala ako

Mithi
It's oki nika
You know you did your best naman

Nika
Naiinis pa rin ako 😔



[Twitter]

Nika @nastiakahlila
So uulitin ko ulit tong lintek na fourier series na to?
| Klein @harissonklein replied:
Gagu iyak
| replying to @harissonklein:
Ang sakit ng ulo ko don ayoko na ulitin yun :(
| Klein @harissonklein replied:
Wala na tayong choice eh ganon talaga 🥲

Nika @nastiakahlila
Naiinis talaga ako

Nika @nastiakahlila
Pero ayoko naman magmaktol buong sembreak hay

Nika @nastiakahlila
Ay, alam ko na

Nika @nastiakahlila
Labas na lang ako :)

[iMessage]

lmnopq 🌸

June 17, 1:06 p.m.

Lana
Where to @Nika Quijano

Nika
Dyan lang sa tabi tabi

Lana
Luh

Nika
Jk hahahaha
Gusto ko mag night out mag isa
Para di ako masulasok dito sa iniisip ko na
madedelay ako dahil lang sa isang subject na yon

Lana
Oki oki
Pero take care ha?
Open mo yung locations mo
Para ma track ka namin ni mithi
If ever you wouldn't be able to text

Nika
Shore
Orayt :>

[Twitter]

Nika @nastiakahlila
Deserve ko naman siguro mag maganda today?

Malay Natin: Siguro TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon