Kinabukasan 1st day of school.
( Phone call ) " Aiyara , Bes nasaan ka na nandito na ako sa labas ng school antayin kita ".
At 1st day of school na nga namin pumasok na kami sa aming room At dahil 1st day nga kami ay hindi pa masyado nag turo ang mga instructor kundi orientation lamang kaya at maaga kami nakatapos. Alas tres ng hapon natapos na kami agad sa pang huling subject. Inantay ko si Aiyara sa labas ng school upang sabay kami pauwi.
" Bes labasan na din kami. So ano tambay muna tayo maaga pa naman ".
At tumambay nga muna kami doon sa may Plaza habang nag mimiryenda ng paborito naming fries.
" Alam mo Bes kagabi hindi ako masyadong makatulog ang lakas pala ng hangin doon ang lamig. Noong mga nakaraang araw ay okay naman pero kagabi parang kakaiba ".
" Aysus haha kulang lamang iyan sa yakap mag jowa ka na kasi haha " pabiro niyang sabi.
" Baliw ka talaga, pero alam mo seryoso kagabi may naririnig ako parang nag lalakad sa may hagdanan kinikilabutan nga ako eh. Tapos meron pa akong nakitang pusang itim nakakatakot ang itsura niya".
" Hay naku Ryel iyang imahinasyon mo talaga kulang lamang iyan sa tulog nahawa ka na kay mama ahaha".
" Ito naman hindi man lamang maniwala ay bahala ka diyan hindi kita ililibre hahah ". pabiro ko ring sabi.
At nang dumating ang ala singko ng hapon ay umuwi na rin kami. Pag dating ko ay agad din akong nag bihis pambahay at tumambay muna sa may baba. Mag kakasama kami doon nila ate Vilma at ng iba pang dorm mates habang nanunuod ng T.V.
" Isang dalagita na naman po ang ating natagpuan sa may tabi ng ilog, At wala na itong buhay. Nahuli na ang suspek sa tangkang pang gagahasa sa biktima.". ang sabi sa balita.
" Hay nako hindi na naubos ubos ang mga rapist na iyan dami na bibiktima . Kaya kayo ha ! mag ingat kayo alam ninyo na sa panahon natin ngayon mahirap na".
" Opo ate Vilma mag iingat po kami " sagot ng isa kong ka dorm mates.
( ring ) " Ah ate Vilma Excuse lang po natawag po mama ko labas lamang po ako saglit ".
" Mama ano po kamusta na po kayo. Miss na miss ko na po kayo mama . Nasaan po ang mga kapatid ko? si papa po nasaan?."
" Ah eto mabuti naman anak kaso nga lamang itong Papa mo may sakit ngayon trangkaso. Ikaw musta ka na ba riyan kamusta pag aaral mo ? "
" Okay naman po Mama sabihin nyo po kay Papa mag pa galing na siya agad at painumin po ninyo ng gamot Mama ..."
( lowbattery sound )
" Ay hala ! Mama sige na po lowbat na po pala cellphone ko charge ko na po muna I love you ingat po kayo riyan ".
" Ah ganoon ba anak oo sige ingat ka din diyan ha ".
( phone call end )
At chinarge ko na nga muna ang aking cellphone. At naisip ko na makipag kwentuhan muna kila ate Vilma at sa pamilya niya.
" Kinakamusta ka ata ng mama mo? ". tanong ni ate vilma.
" Ah oo nga po , " tugon ko na sabay ngiti sa kanila .
" Bakit ka nga ba napadpad dito sa Manila iha ?"
" Ah eh kasi po malayo pa probinsya namin sa may Bicol pa po. kaya dito po ako mag stay sa Manila para mag aral ng kolehiyo. "
" Ah ganoon ba ay mayroon kaming kakilala riyan sa Bicol ah. Kilala mo ba si Juaquin Lumandas at Nerissa Lumandas ? "
" Kilala ninyo po sila? nanay at tatay kopo sila " agad na sagot ko na may pagtataka.
YOU ARE READING
Misteryo ng Dormitoryo
Horror" Hi! I'm Ryel, a college student who went to Manila to study. I was able to find a dormitory, but when I moved here, I didn't know that I would face a mystery in this dormitory. Do not be afraid ! Come with me to face and investigate the phenomena...