Ako nga pala si Ryel 28 yrs old na ako ngayon, at ito ang aking kwento.
Nakatira ako sa isang malayong probinsya at napadpad ako sa Manila upang mag aral ng Kolehiyo. At habang wala pa akong na hahanap na dorm ay nakitulog muna ako sa bahay ng kaibigan ko na si Aiyara. Kina kailangan ko mag dorm dahil marami rin ang pamilya na nakatira sa bahay nila Aiyara kaya naman nakakahiya kung makiki sik-sik pa ako sa kanila.
Isang linggo bago mag simula ang pasukan.
" Ryel ! Ryel..! good news may nahanap na akong dorm para sa iyo. Malapit lamang ito sa bayan kaya okay ito kase malapit lamang din ito sa university na pinapasukan natin "ang sabi ni Aiyara.
" Talaga ba ! Naku Bes maraming salamat ".
" Saan doon ba sa malapit sa may school? Hala huwag ka mag dorm doon kakatakot kaya doon. Ang daming mga kwento patungkol sa dorm na iyon. Kaya siguro walang nag tatagal doon" sabi ng mama ni Aiyara.
" Naku Mama ayan ka na naman po mga kwentong kababalaghan huwag kayo maniwala diyan jusko. Wala pa naman proweba eh hahha ".
" Ahh bakit ano po ba ang meron doon ?" tanong ko.
" Hay naku Bes huwag mo na intindihin iyang si mama haha nag bibiro lamang iyan. Naniniwala sa mga kwento kwentong kababalaghan ".
" Sabi kase na 5 years ago na meron daw diyan namatay na babae. At hindi matahimik hanggang ngayon. Nag paparamdam ito sa mga babaeng nag dodorm diyan. Kaya nga napansin ko na ang mga babae diyan ay hindi tumatagal mag stay siguro nga ay natatakot na rin ".
" Mama eh paano ba naman hindi matatakot kung puro ganiyan ang maririnig haha puro kathang isip lamang naman iyan eh. Alam mo Bes tara na sa kwarto matulog at puntahan na natin bukas ang dorm ".
" Ay nako bahala kayo ayaw ninyo makinig ".
" Mama kilala ko po iyon si ate Vilma mabait po sila mama huwag po kayo mag alala ".
Kinabukasan ay pinuntahan nga namin ng kaibigan kong si Aiyara ang dorm na sinasabi niya. Tahimik ang lugar na iyon. At maraming puno sa paligid. Maganda rin at mukhang okay naman taliwas sa mga sinabi ng mama ni Aiyara kagabi na nakakatakot daw ang lugar na iyon.
Para sa akin ay hindi naman kaya at agad naman akong nag agree na doon na mag stay. Kinausap ako ng may ari ng dorm about sa mga rules nila sa pag papatira sa bahay at agad din naman kaming nag kasundo. Kaya nga at noon ding araw na iyon ay lumipat na ako sa dorm na iyon.
" Maraming salamat po ate Vilma ( Dorm owner ) aakyat na rin po ako sa itaas para ayusin ko na po ang mga gamit ko ".
" Sige iha medyo magulo pa nga lamang pala riyan at biglaan ang iyong pag punta ay hindi ko man lamang nalinis ".
" Okay lamang po ate Vilma ako na po bahala mag ayos maraming salamat po ".
Umakyat na ako sa taas at pumasok. Maayos ang kwarto, maluwag, ngunit sa aking pang amoy ay parang amoy luma. Na para bang matagal nang hindi natirahan ang kwarto na iyon. Kaya at inayos ko at nilinis upang mas maging maayos sa aking pang amoy at paningin.
Habang ako'y nag lilinis ay may mga nakita akong lumang larawan ng isang babae. Sa aking isip ay baka anak iyon ni ate Vilma o kaya naman ay naiwan iyon ng mga ibang nag dorm doon. Kaya naman at hinayaan ko na lamang ang litrato dahil baka may maghanap.
Ang dormitoryong iyon ay may dalawang palapag dahil sa baba ay nakatira ang pamilya ng may ari ng dorm at sa second floor naman ay mga kwarto na kung saan ay doon nag dodorm ang iba pang mga estudyante.
Lumipas ang ilang araw ay naging maganda naman ang pag stay ko doon.
Kinabukasan, araw ng linggo nilalabahan ko sa may labas ang aking uniporme upang pag pasok ko ay maayos at malinis na. At biglang may dumating na isang matandang lalake at binatilyong lalake. Ito pala ay asawa at anak ni ate Vilma.
YOU ARE READING
Misteryo ng Dormitoryo
Terror" Hi! I'm Ryel, a college student who went to Manila to study. I was able to find a dormitory, but when I moved here, I didn't know that I would face a mystery in this dormitory. Do not be afraid ! Come with me to face and investigate the phenomena...