Pumasok ako sa aking ekswekahan na para akong lutang o wala sa aking sarili. Dahil alam kong hindi isang panaginip ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ko alam ngunit para bang may nag sasabi sa akin na lutasin ang misteryo sa dormitoryo na iyon. Ang daming tanong sa aking sarili na pakiwari ko ay dapat mabigyan ng sagot. Kaya at napag desisyonan ko na alamin ang lahat at huwag magpadala sa takot.
( break time )
" HOY ! tulala ka ata Ryel haha ano iniisip mo ha ? "
" Ah ikaw pala Aiyara, pasensya ka na hindi lamang kase ako masyado nakatulog kagabi puyat lamang siguro ako. "
" Alam mo mukha kang balisa Ryel may problema ka ba ? Bakit namumutla iyang mga labi mo?".
" Ah wala.. wala okay lamang ako Bes ".
" Hoy ano ka ba mag kaibigan tayo alam ko kung may gumugulo ba riyan sa isip mo. So ano nga share mo naman baka matulungan kita ".
" Huwag na hindi ka rin naman lamang maniniwala o baka isipin mo pa ay nasisiraan na ako ang ulo ".
" Ano nga mag share ka na lutasin natin iyang problema mo ".
" Oo na mamaya na ako mag kwento sayo kapag uwian na. Sige na babalik na ako sa room ".
Alas kwarto nang hapon ay labasan na ang mga estudyante. Kaya at dali dali akong pinuntahan ni Aiyara.
" Kwento ka na mukang malalim iyang pinag huhugutan mo ah ".
" Kase alam mo ba Bes parang totoo ang sinasabi ng mama mo pakiramdam ko ay mayroon nga talagang misteryo sa dormitoryo na iyon ".
" Huh bakit paano mo naman nasabi ? ".
" Kagabi nakarinig ako ng isang tinig na tila umiiyak at humihingi ito ng tulong sa akin. Hindi ito isang guni guni lamang Bes totoo ito. Habang nakahiga ako ay may naririnig akong yabag na papalapit sa akin at sobra akong natakot lalo na noong may humila sa aking paa ".
" Hoy ano ka ba natatakot nako ! " sabi ni Aiyara.
" Hindi samahan mo ako mag hahanap tayo ng mga kasagutan sabi ng mama mo mayroon doon namatay na babae 5 years ago. Mayroon akong nakita na journal na may kinalaman sa anak ni ate Vilma ".
" Si Nigel ? paano mo naman nasabi na may kinalaman iyon kay Nigel".
" May nakita ako na journal doon sa dorm. May nakasulat na pangalan ni Nigel at hula ko na yung tinutukoy nila na babaeng namatay 5 years ago ay ang babaeng gumawa ng journal na iyon na naging karelasyon ni Nigel".
" Talaga ba? ano ka detective? Hahaha.. biro lamang. Napaka misteryoso nga pero alam mo natatakot ako ha! Baka multohin pa ako niyang babae huwag naman " takot na sabi ni Aiyara.
( phone call ) " Ate Vilma dito po muna ako ngayong gabi makikitulog sa kaibigan ko na si Aiyara mayroon po kasi kaming group project ".
" Ah ganoon ba ay sige mag iingat kayo riyan mga iha ".
" Opo ate Vilma maraming salamat po " ( phone call end ).
" Aiyara tara mag research tayo about sa mga nangyare "sabi ko.
Doon muna ako tumuloy kila Aiyara upang mag siyasat . Na research ko 5 years ago na mayroon ngang naganap na krimen sa bahay/ dorm na iyon. Mayroong isang babaeng namatay na ang sabi ay nag pakamatay daw ito. At nag ngangalan itong Aliesha Flores.
" Sabi ko na nga ba! tama ang hula ko si Aleisha ang babaeng namatay doon sa dorm na iyon. Ang sabi dito nag pakamatay ito sa hindi malamang dahilan ".
" Bakit kaya siya nag pakamatay nakakaawa naman. Baka iniwan siya ni Nigel tapos na depressed ano sa palagay mo? " tanong ni Aiyara.
YOU ARE READING
Misteryo ng Dormitoryo
Horror" Hi! I'm Ryel, a college student who went to Manila to study. I was able to find a dormitory, but when I moved here, I didn't know that I would face a mystery in this dormitory. Do not be afraid ! Come with me to face and investigate the phenomena...