CHAPTER 5

49 8 0
                                    


" Tita Vilma magandang gabi po na saan po si Nigel? ". tanong ko.

" Ah eh na sa kwarto ata niya bakit iha? ".

" Wala naman po tita eh si tito Juan po? ".

" Ah wala nandoon sa mga barkada niya nag iinuman na naman ata ".

" Tita Vilma pwede po bang mag tanong? ".

" Oh sige iha ano ba iyon ? ".

" Kung hindi po ninyo ma masamain ay gusto ko po sanang itanong kung nagkaroon na po ba ng karelasyon si Nigel noon? ".

" Ahh iyon ba ay teka halika at dumito tayo maupo sa may sala".

" Sige po tita ".

" Mahabang kwento iyan e ngunit huwag mo na lamang sana sabihin kay Nigel na sinabi ko ito sa iyo ha "

" Oo naman po tita ".

" 5 years ago, nagkaroon ng nobya ang aking anak ito ay si Aliesha kagaya mo nga ay sa malayong probinsya rin nakatira ang batang iyon. Nag dodorm rin siya dito sa Maynila ngunit hindi dito sa bahay namin. Noong una ay hindi pa kami nag papa dorm dito. Pero noong naging nobya siya ng aking anak ay dito nanirahan si Aliesha.

Ikinuwento sa akin ni Tita Vilma ang mga ibang pangyayari.

Ito ang pang yayari 5 years ago.

" Hi Mama ! si Aliesha nga po pala siya po iyong kinukwento ko sa inyo na aking girlfriend po. Mama may favor po sana ako sa inyo na kung pwede po na dumito muna si Aleisha sayang po kasi ang binabayad niya sa dorm " ang sabi ni Nigel.

" Ay halika at ipakilala mo muna iyan sa Papa mo ".

" Papa si Aliesha po girlfriend ko ".

" Kinagagalak kitang makilala iha matagal kana naiikwento sa amin ng aking anak ngunit ngayon ka lamang namin nakita aba'y napaka ganda mo nga pala sa personal kaya nahumaling sa iyo ang aking anak. Siguro ay kung naging bata lamang din ako ay liligawan na rin kita hahah" pabirong sabi ni Tito Juan.

" Hehe maraming salamat po tito Juan". sabi ni Aliesha.

"At nanirahan nga doon si Aliesha sabay sila palagi pumasok sa school at ganoon din sa pag uwi. Noong mga panahon na iyon ay masaya ako para sa aking anak dahil makikita ko na talagang mahal na mahal niya si Aliesha at masaya siya. Isang araw lasing ang tito Juan mo at sa hindi sinasadyang  pangyayari ay naroon pala si Aliesha sa banyo at hindi nito nailock ang pintuan. Kaya naman nabuksan ng tito ang pinto sa cr ngunit hindi naman nito sinsadya. Kaya at nagulat si Aleisha at sumigaw. Agad na bumaba si Nigel para tignan. Nagalit ito sa kaniyang ama " kwento ni tita Vilma.

" Papa ! ano ba naman ! hindi ninyo po ba kilala ang babaeng binabastos ninyo! ". galit na sabi nito.

" Anak hindi ko sinasadya ! hindi ko alam ! ".

" Umiiyak si Aliesha at simula ring araw na iyon ay hindi na ni Nigel pinapalapit si Aliesha sa kaniyang ama. Nagkaroon ng gap sa pagitan nilang mag ama. Alam mo ba sa totoo lamang ay magka sundong magka sundo sila mag ama dati ngunit simula noon ay nawala ang pagiging mag kasundo nila ".

Nag kukwentuhan pa kami ni Tita noon ngunit biglang lumabas si Nigel ng kwarto kaya at tinigil ni tita ang pag kukwento sa akin at iniba ang usapan.

" Oh Nigel anak hinahanap ka nga pala nitong si Aleisha halika rito at mag usap muna kayo. Ay siya sige na at maiwan ko muna kayo riyan "sabi ni tita.

Kaya at dali daling pumunta si tita Vilma sa kusina.

" Anong pinag uusapan ninyo ni mama? " tanong ni Nigel.

Misteryo ng Dormitoryo Where stories live. Discover now