Naging maayos naman ang gabing iyon. Kinabukasan nga ay pumunta si Father Fransisco sa dormitoryo." Magandang araw po Father " bati ni ate Vilma.
" Magandang araw din Halina kayo at mag simula na tayo" ang sabi Father.
At sinimulan na nga ang pag papa blessing sa bahay. Ang bawat kwarto ay aming pinuntahan. Sinimulan sa may baba at sumunod naman sa may itaas.
" Ryel natatakot ako " pabulong na sabi ni Aiyara sa akin.
" Huwag ka ng matakot " sabi ko naman.
Nang malibot na nga namin ang buong bahay ay nag si pahinga muna kami sa may sala at nang miryenda.
" Father maraming salamat po " sabi ni tita Vilma.
" Walang anuman ngunit hindi ko masisigurado na napalayas na natin ang sinumang naninirahan dito sa dorm ninyo " ang sabi ni Father.
" Ano pong ibig sabihin ninyo Father ? " tanong ni Aiyara.
" Malakas ang kaluluwang naninirahan dito iha. Hindi siya basta basta mapapaalis dito. Mahaba haba rin ang panahon na. namalagi siya rito. Kaya naman at gagawin niya ang lahat upang hindi siya mapalayas "
" Nakakatakot naman po " sabi ni Aiyara.
" Hanggat maaari ay huwag kayo mag hiwa hiwalay dahil malakas na ang kalaban ninyo" sabi ni Father.
" Opo Father " sabi ni ate Kiara.
Nang matapos na nga ang aming pag uusap usap ay umuwi na rin si Father Fransisco.
" Maraming salamat po Father " sabi ni tita Vilma.
" Sige at ako ay mauna na sa inyo may gagawin pa rin ako sa simbahan ".
Pag ka alis ni Father ay nag tipon tipon kaming muli.
" Pansamantalang pinaalis ni Father dito si Aleisha. Ngunit hindi natin alam kung kailan siya mag babalik " sabi ni ate Kiara.
" Ano na ang plano natin ate ? " sabi ni Aiyara.
" Hindi ko pa rin alam sa ngayon basta at lagi lamang tayong maging handa pupunta ako doon sa kakilala ko at manghihingi pa ako ng pangontra bibigyan ko kayo dahil baka kapag hindi niya na kuha si Ryel ay baka isa sa atin ang kaniyang kuhanin " sabi ni ate Kiara.
" Saglit lamang po at mag papaalam ako kay mama na dito muna ako ng mamalagi hanggat hindi pa natin nalulutas ang problema " sabi Aiyara.
Nag paalam siya sa kaniyang mama at pinayagan din naman siya dahil kasama naman ako.
" Maiwan ko muna kayo riyan at pupunta ana ako agad doon upang manghingi ng pangontra " sabi ni ate Kiara.
" Sige ate mag iingat ka po " sabi ko naman.
Umalis si ate Kiara at kaming tatlo ang naiwan nila Nigel at Aiyara dahil si tita Vilma ay may inaasikaso pa.
" Nigel sa tingin ko kapag nakita at nakausap mo si Aleisha ay makikinig iyon sa iyo " sabi ni Aiyara.
" Hindi ko alam ang sabi nga ninyo ay nag iba na siya naging masama na siya " sabi ni Nigel.
" Kausapin mo siya kapag nakita natin siya " sabi ko.
" Oo pero hindi ko sigurado kung mapapa amo natin siya " sabi ni Nigel.
Pag dating ng hapon ay naka balik na si ate Kiara at may mga dalang kwintas na pangontra.
" Ito hali kayo at isuot ninyo ang mga ito huwag na huwag ninyong aalisin mayroon din ako. Ito po lala ate Vilma isuot po ninyo " sabi ni ate Kiara.
" Maraming salamat ate Kiara" sabi namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/324120939-288-k545190.jpg)
YOU ARE READING
Misteryo ng Dormitoryo
Horror" Hi! I'm Ryel, a college student who went to Manila to study. I was able to find a dormitory, but when I moved here, I didn't know that I would face a mystery in this dormitory. Do not be afraid ! Come with me to face and investigate the phenomena...