CHAPTER 14

32 8 0
                                    


Makalipas ang ilang araw ay naging maayos naman ang lahat. Sinubukan namin gawing masaya ang mga araw nila. Maya maya pa ay hinanap ko ang journal at hindi ko ito mahanap.

" Ate Kiara ! nakita mo ba kung nasaan ang journal? nawawala rito ! " nag tatakang sabi ko.

" Hindi , hindi ko alam " .

Hinanap namin itong lahat ngunit hindi namin mahanap.

" Hali kayo may aaminin ako sa inyong lahat " ang sabi ni Nigel.

Naupo kaming lahat sa may sala upang pag usapan kung ano iyon.

" Ano iyon Nigel at mukhang napaka seryoso mo? " tanong ni Aiyara.

" Tungkol kay papa " sabi ni Nigel at napatingin ito sa aming lahat.

" Anong mayroon sa papa mo Nigel? " tanong ni Aiyara.

" Hindi na natin kailangan alamin kung ano ang ikinamatay ni Aleisha dahil alam ko " sabi niya.

Nagulat ang lahat.

" Huh! paano ! ? " gulat na sabi ni tita Vilma.

" Pero bakit hindi mo ito sinasabi sa amin ! " sabi ni Aiyara

" Ano ang totoong nangyari Nigel ? " tanong ni ate Kiara.

At nag kwento nga si Nigel tungkol sa nalaman niya 5 years ago.

" 5 years ago noong araw na iyon ay umalis si mama upang mag punta sa palengke ".

" Anak Nigel maiwan ko na muna kayo riyan at ako'y pupunta muna sa palengke. Ang papa mo alalayan mo at baka lasing na naman iyon hindi iyon umuwi kagabi ha " ang sabi daw ni tita Vilma nang mga araw na iyon.

" Maya maya nga ay dumating na si papa at lasing ito. Si Aleisha ay nasa taas sa may kwarto ng mga oras na iyon at natutulog. Nainis ako noon kay papa kaya naman at umalis ako upang pumunta sa ka tropa ko upang tumambay. Naiwan ko si Aleisha sa kwarto mag isa. Ipinag katiwala ko si Aleisha kay tito Juaquin dahil alam ko na hindi naman siya lasing at nag tiwala ako sa kaniya. " sabi ni Nigel.

" Ahh si papa iyon " sabi ko.

" At nang umuwi ako ay wala pa si mama nang mga oras iyon ".

( Pangyayari 5 years ago ) " Mama mama ! wala pa rin po ba kayo? Hays nasaan na kaya si papa at tito Juaquin." sabi ni Nigel.

" Hinanap ko noon sila  papa dahil wala sila sa may sala. At may narinig ako ingay sa taas kaya at dali dali akong umakyat. Ngunit noong nasa may pinto na ako ay sumilip ako ng dahan dahan sa pinto upang tignan pasikreto kung ano ang nangyari ".

" Anong nakita mo Nigel? " tanong ni Aiyara

" Nakita ko mula sa may pinto si papa habang naka bitin si Aleisha sa lubid na wala ng malay. Siya ang tanging tao na nakita doon kaya at wala ng ibang gagawa noon kundi si papa. Nakita ko pa na inayos pa niya ang ibang mga gamit. Natakot ako ng mga oras na iyon at wala akong magawa hindi ako makapag salita dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Traumatized ako ng mga araw na iyon halos hindi ako maka kain at makatulog".

" Huh ! si kuya Juan ang pumatay kay Aleisha !? " tanong ni  Aiyara.

Napatingin ako noon kay tita Vilma at mukhang gulat na gukat siya sa mga nalaman niya.

" Hindi maari iyon ! hindi iyon magagawa ang papa mo Nigel ! " umiiyak na sabi ni tita Vilma.

" Pero mama nakita ko ! at hinding hindi ko maka kalimutan ang araw na iyon  mama " lumu luhang sabi ni Nigel.

" Pero bakit niya iyon nagawa " nag tayakang savi ni ate Kiara

" Nakita ko na hindi totoong nag bigti si Aleisha kundi ginawa lamang iyom ni papa upang palabasin na naging suicide ang lahat ! " .

Misteryo ng Dormitoryo Where stories live. Discover now