CHAPTER 15

30 8 0
                                    


Umakyat kami sa itaas habang papa akyat pa lamang kami ay nararamdaman na namin ang malakas na hangin.

" Haaaay.. ang lamig na agad kaya nag jacket ako eh " sabi ni Aiyara.

" Shhh tumahimik ka " sabi ko.

Dahan dahan kaming pumasok sa kwarto. Napaka dilim nito at tahimik .

" Buksan natin ang ilaw " sabi ko. At agad ko rin binuksan.

" Halina kayo maupo tayo sa sahig nag pa ikot " sabi ni ate Kiara.

" Tara na dito ako sa tabi mo ate Kiara " sabi ni Aiyara.

" Binabalaan ko kayo huwag na huwag kayong bibitaw sa isa't isa... ".

" At huwag na huwag din kaming mumulat hanggat hindi mo sinasabi. Diba natandaan ko pa heheh " makulit na sabi ni Aiyara.

" Pasaway ka talaga Aiyara " pabirong sabi ko.

" Simulan na ninyong pumikit at mag kapit kapit tayo ng mahigpit" sabi ni ate Kiara.

" Uhmm " sabay tango ni Aiyara.

Pumikit na nga kami at kumapit ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang pag kapit sa akin ni Nigel.

At nang simula na nga si ate Kiara na tawagin ang kaluluwa ni Aliesha upang maka usap namin ito. Maya maya pa ay lumakas na naman ang hangin at napaka lakas nito hinahangin ang mga papel at mga libro, namatay ang mga kandila at bumuhos ang malakas na ulan.

" Ayan na nag sisimula na siya ! " takot na sabi ni Aiyara.

" Maging matapang kayo ! " sabi ni ate Kiara.

Kumapit nang mahigpit sa akin si Nigel.
Maya maya pa nga ay narinig na namin ang tinig ni Aleisha.

" Anong binabalak ninyo ! Hindi kayo mag tatagumpay! " sigaw ni Aleisha.

" Huwag na huwag kayong mumulat! Pakiusap! hanggat hindi ko pa natatapos ang orasyon ay walang pwedeng bumitaw at huwag ninyo imulat ang mga mata ninyo ! " babala ni ate Kiara.

" Haaaaaaa! ang lakas ng hangin " sigaw ni Aiyara.

" Kumapit kayong mabuti ! " sabi ni Nigel.

Maya maya ay natapos na nga ang sinasabi ni ate Kiara.

" Huh? Bakit biglang tumahimik nawala na ata si Aleisha " ang sabi ni Aiyara.

" Maari na ninyong imulat ang inyong mga mata " sabi ni ate Kiara.

Pag mulat ko ay nakaharap pala ito sa akin at nanlilisik ang mga mata nito.

" Haaaaa. ! lumayo ka sakin ! " sigaw ko. At nagulat ako kaya at napalayo ako sa kanila .

" Ryel dito ka !  sigaw ni Aiyara.

" Akin na ang katawan mo ! Ryel ! " sabi ni Aleisha habang dahan dahan itong lumalapit sa akin. At dahan dahan naman akong lumalayo habang naka upo.

" Aleisha ! " sigaw ni Nigel.

Nakakatakot ang itsura ni Aleisha mukha na siyang mangkukulam sa itsura niya. Nanlalaki ang mga mata niya. Gulong gulo ang kaniyang buhok, puro dugo ang kaniyang mga kamay at mukha.

" Aleisha anong nangyari sa iyo ? " umiiyak na sabi ni Nigel.

" Nigel mahal! " malungkot na sabi ni Aleisha.

" Bakit nagka ganiyan ka? Napaka buti mo hindi ba? Hindi na ikaw ang Aleisha na nakilala ko " sabi ni Nigel.

" Narito ako upang makasama kang muli. Namatay ako nang hindi ko ginusto ! Pinatay niya ako Nigel ! Galit na galit ako " umiiyak na sabi ni Aleisha.

Misteryo ng Dormitoryo Where stories live. Discover now