CHAPTER 9

37 8 0
                                    


Nag si sigaw siya sa galit sa amin. Para siyang nasusunong at nausok ang kaniyang katawan. Nang maubos nga ang Holly water ay dahan dahan itong tumingin sa amin at biglang tumawa ito.

" HAHAHA! Hindi ninyo ako mapa paalis dito ! " galit na sabi ni Aliesha.

Dahan dahan itong lumalapit sa amin ng pagapang kaya naman at lalo kaming nag sisigaw.  Kinuha ni Aiyara ang kandila at ini hagis niya  ito kay Aleisha. Nasunog si Aleisha ngunit para siyang walang kamatayan. Ng masunong siya ay lalong pumangit ang itsura niya. Hindi na siya ang Aleisha na kagaya ng nasa litrato. Punong puno ng galit , pang hihinayang at pag hihiganti siya. Nasunong ang kaniyang muka at katawan.

Makikita mo na nalulusaw ang kaniyang mukha ngunit parang balewala lamang iyon sa kaniya. Nawala ang apoy sa kaniya kaya at naiwan ang mga bakas na nasunog sa kaniya. Na kalbo ang kaniyang buhok at na lusaw ang ibang parte nang kaniyang mukha.

" Pumikit kayo at mag hawak hawak tayo ng kamay " sabi ni ate Kiara.

Nag hawak hawak kami at pumikit habang may bina banggit si ate Kiara na kakaibang salita. Mamaya maya pa ay nag sisigaw si Aleisha at bigla itong nag laho.

( gasp for breath ).

Nawala si Aliesha at biglang natahimik ang kwarto.

( Door knock )

" Ryel ! anong nangyayari diyan ! buksan ninyo ang pinto ! " sigaw ni tita Vilma at Nigel mula sa may labas ng kwarto.

Tumayo si Ate Kiara upang buksan ang pinto.

" Anong nangyari sa inyo mga iha bakit ganito dito sa kwarto. Napaka gulo para kayong binagyo rito. Bakit kayo pawis na pawis at hini-hingal? Anong nangyari ? Bakit mukha kayong mga takot at nangi nginig? " sunod sunod na tanong ni tita Vilma.

Nang makita ako ni Nigel ay agad agad itong lumapit sa akin. Tinulungan niya akong tumayo.

" Anong nangyari? sabay hawak sa aking mga pisngi.

" Mahabang kwento Nigel " sabi ko habang nanginginig pa.

Inayos naming lahat ang kwarto. Dahil napaka gulo nito at basag basag ang ibang mga vase at nag kalat ang mga gamit.

Nang matapos kami mag ayos ay bumaba kami sa sala upang pag usapan ang nangyari.

" Ate Vilma mag pa blessing po  kayo sa bahay na ito. Mayroon ditong kaluluwa na hindi matahimik " ang sabi ni ate Kiara.

" Ha? aba'y paano ninyo nasabi ? ".

* May third eye po ako ate Vilma at nakita ko ang babae na nag palaramdam sa dormitoryo sa itaas. May namatay po ba na babae rito? tanong ni ate Kiara.

Nag tinginan sila Nigel at ate Vilma nang mga oras na iyon.

" Ang totoo niya ay mayroong namatay na babae diyan sa kwarto na iyan " sagot ni ate Vilma.

" Ano pong pangalan ng babae na sinasabi ninyo? tanong ni Aiyara.

"Aleisha, Aleisha. Flores " sagot ni tita Vilma.

" Tama ! Si Aleisha ang babae na namatay at siya ang nag papa ramdam sa dormitoryo ate Vilma ! " agad na sabi ni Aiyara.

" Totoo po ate Vilma. Naka usap namin si Aleisha galit na galit siya gusto niyang gumanti " sabi ni ate Kiara.

" Ngunit bakit? Mabait na tao si Aleisha " aabi ni Nigel.

" Pero iba na siya ngayon Nigel. Punong puno siya ng galit ".

" si Aleisha ay naging kasintahan ang anak kong si Nigel " wika ni tita Vilma.

" Ahh iyong Journal ! teka at kukuhanin ko sa aking bag  " sabi ko.

Misteryo ng Dormitoryo Where stories live. Discover now