CHAPTER 6

48 8 0
                                    

Kumain kami ng almusal at maya maya pa ay may dumating na babae.

" Tao po, tao po ".

" Oh bakit iha ano ang iyong sadya ? " tanong ni tita Vilma.

" May nag sabi po kasi sa akin na may dorm daw po dito galing pa po ako sa malayo kung maari po sana ay ngayong araw ay makapag dorm na po ako " ang sabi naman ng babae.

" Ah eh iha mayroon na lahat ng kwarto rito eh ".

" Ah ganoon po ba " malungkot na sabi ng babae.

" Tita total naman po ay hindi ako nag babayad at nakikitira na lamang naman po akk dito sa inyo kaya maari ko pong ibigay sa kaniya iyong kwarto dito na lamang po ako sa salas matutulog " nakangiting sabi ko.

" Ay nako iha huwag na " sabi ni tita.

" Sige na po tita sayang din po ang matatanggap ninyong bayad at saka isa pa ay nakaka awa naman po si ate na galing pa sa malayo katulad ko" sabi ko.

" Eh sigurado ka ba riyan? ".

" Opo tita ".

Kaya nga at tinanggap na ni tita Vilma ang babae at agad rin kinausap tungkol sa mga rules at nagkasundo rin naman sila agad .

Sinamahan ko ang babae sa taas upang ituro sa kaniya ang kwarto. At tinulungan ko na rin siya at kinuha ko ang ibang mga gamit ko pa.

" Salamat ate sa pag tulong" nakangiti nitong sabi.

" Ryel na lamang po ".

" Salamat ulit Ryel ako nga pala si Kiara 25 years old na nga pala ako ikaw ba? ".

" 20 na po ako ate Kiara".

" Ah ganoon ba nice to meet you Ryel".

" Nice to meet you din po ate Kiara maiwan ko na po muna kayo at aayusin ko pa po ang mga gamit ko " sabi ko.

" Sige salamat ulit ".

Masaya naman ako at naka kilala ako ng bagong makakausap at maging kaibigan din ngunit nag aalala lamang ako para sa kaniya dahil baka ilang araw pa lamang ay hindi na niya kayanin kung sakali mang magparamdam sa kaniya si Aliesha.

" Tita saan ko po ba maaring ilagay ang aking mga gamit ? ".

" Eh diyan mo na muna ilagay sa kwarto ni Nigel. Siguro ay doon kana lamang din matulog ginawan namin ng partisyon ang kwarto niya at maluwag din naman. Ipinasok na rin namin ang Sofa bed upang doon ka mahiga isa lamang kasi ang kama diyan eh kaya naman doon ka sa sofa bed matulog".

" Okay lamang po tita kaso hindi po ba nakakahiya kay Nigel ? ".

" Nakausap ko na rin siya noong una ay ayaw niya at hindi naman siya sanay na may kasama sa kwarto lalo na at babae ngunit nilagyan naman namin ito ng partisyon saka huwag ka mag alala mabait naman iyang anak ko at may tiwala naman kami sa inyo ".

" Ah ganoon po ba tita maraming salamat po ulit tiita ".

Inayos ko ang aking mga gamit upang ilipat doon sa kwarto.

( phone call )

"Bes papasok ka ba bukas? tanong ni Aiyara.

" Oo naman Bes ikaw ba gusto mo sumabay ka sa amin ni Nigel? "

" Oy hindi na haha nakakahiya okay lamang ako Bes saka may mga kasabay rin naman ako kaya okay lamang ".

" Sure ka ba riyan ? Gala tayo sa may plaza mamaya Bes " sabi ko.

" Oh sige ba "

" Oh sige Bes sandali lamang at mag lalaba ako ng akin uniporme ".

" " Sige Bes ".

Misteryo ng Dormitoryo Where stories live. Discover now