BFI 5

190 5 4
                                    

Nagising si Bliss sa ingay sa kwarto niya. Ingay na galing sa dalawang babae na nagbubungisngisan at nagkukwentuhan. Boses pa lang, alam na alam na nito kung sino ang mga yun.

"A-ate?" patanong pa niyang sabi sa dalawang babaeng nasa sofa ng kwarto niya nakaupo at nagkukulitan.

Kinusot ni Bliss ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Paanong nandito ang mga yun ngayon sa loob ng kwarto nila? Paano sila nakabalik sa bahay nila? Diba nga ayaw nila dito kaya sila lumayas after graduation ni Cherish. Paano?

Naguguluhan na siya. Paano'ng napunta ang mga nakakatandang kapatid niya sa bahay nila? Paano sila nakauwi? Ano? Paano? Kailan? Sino ang may kagagawan?

"Earth to Blissy!" sabay na sabi ng mga Ate nito kay Bliss sabay snap pa ng mga fingers nila. Napa-iling naman ng ulo nito si Bliss para maibalik na yung utak niya sa wisyo.

"Paano? How'd you-"

"It was a very loooooong process, Little Sister. Long story short, mom talked to us, that's why we're here." sabi ni Cher sa nakakabatang kapatid.

"Hindi naman pala nila ma-take na mawala at magkawatak-watak tayong mga anak nila. I never did imagine Mom crying... begging for us to come back... to come home. Parang nakita namin yung ibang version ni Mommy. It was like I'm just watching a teleserye. Pero siyempre, iba yung sa amin, true to life, eh." dugtong naman ni Mira. Kung titignan, parang mas mature pa nga si Cher kung mag-isip kesa kay Mira kahit na engaged na ito sa longtime boyfriend niya na ngayon ay nasa abroad dahil sa isang international conference.

"Unbelievable. Can you please pinch me on my cheeks? Baka kasi nananaginip lang ako o 'di naman kaya, itulak niyo ako dit- AROUCHHHHH!!!" sigaw ni Bliss matapos siyang itulak ng mga kapatid niya. Napahawak naman ito sa pwetan niya dahil ito ang unang tumama sa sahig.

Napa-peace-sign namam sina Mira at Cher dahil sa ginawang pagtulak sa kanilang bunsong kapatid na ngayon ay nakataas na ang dalawang kilay.

"Bakit niyo naman ako tinulak?" tanong ni Bliss habang paika-ikang naglalakad papunta sa kama niya, mga isang metro din kasi ang 'nilipad' nito nung tinulak siya ng mga kapatid.

"Eh, sabi mo kasi itulak. Kaya naman tinulak ka namin. Akala namin seryoso ka, eh." Natatawang sabi ni Mira na halatang pasimuno ng pagtulak sa kanya.

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon