BFI 30

90 4 3
                                    

Bumaba na si Bliss pagkatapos niyang magpalit ng damit, nakita naman niyang magkatabi na ang Ate Miracle niya at si Blake sa sofa. Tumikhim siya para ipaalam sa dalawa na nakababa na siya.

"Ay, napakaselosa naman nitong nililigawan mo, Blake." may halong pang-aasar na sabi ni Mira tapos tinignan na parang tinutukso niya ang kapatid. Napairap naman si Bliss na agad namang tinawanan ng dalawa.

"Talande mo din 'no? Sumbong kaya kita kay Kuya Xavier." sabi ni Bliss sa nakakatandang kapatid pero sa halip na magsalita pa ito, tinawanan lang siya at bumalik na sa ginagawa niya simula pa kanina.

"Let's go?" aya ni Blake ng nakangiti.

"Sige, iwanan na natin 'yang baliw na yan. Don't worry ate Miracle magpapadala ako ng psychiatrist dito. Hintayin mo lang, ah?" tawang-tawa naman si Blake sa pang-aalaska ni Bliss sa nakakatandang kapatid nito na hindi naman ata narinig yung sinabi kasi nilagay na nito ang headphones niya.

-------

"S'an tayo?" tanong ni Bliss habang nagmamaneho si Blake. Kanina pa kasi sila pa-ikot-ikot pero hindi pa rin tumitigil si Blake sa kaka-drive.

"You'll be meeting my family." Bliss' jaw almost fell on the ground after hearing what Blake said. Hinampas naman niya ang binata pero nang kalaunan tumigil din ito dahil nga nagmamaneho ito.

"Please tell me that you're just kidding. Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang." Seryosong sabi ni Bliss pero si Blake naan halatang pinipigilan ang sarili niya na tumawa.

"Nagbibiro lang ako. Oh, ayan. Happy?" sabi ni Blake. Pinipilit niyang maging seryoso pero hindi niya magawa. In the end, tawang-tawa na talaga siya.

"I'm really meeting your family? Gross, Hell." Natatawa naman si Blake sa naging reaksyon ng babaeng nakaupo sa shotgun seat ng sasakyan niya.

"Seriously?"

"Seriously."

Tulad ng nakasanayan, puro irap na naman ang nakuha nito mula kay Bliss. Mukhang nasasanay na nga siya sa pagiging mainitin ng ulo nito kapag siya na ang pinag-uusapan.

"You've already met my Mom, right? Don't worry, I got you." Napangiti naman si Blake pagkatapos niya'ng sabihin ito. Naalala niya kasi ang kwentuhan nila ng Lolo ni Bliss na si Alexandro pati ang mga balak nito sa buhay. Kasama din nila sa usapan yung Lolo din nito na si Enrique.

Hindi pa rin matibag-tibag si Bliss, inismiran niya na lang ito at kinuha na yung headset niya at nagsimula na'ng magpretend na parang wala siyang kasama — na wala siyang damulag na walang ginawa kundi inisin siya.

---------

"We're here." Nagulat naman si Bliss sa lugar kung saan nag-park si Blake. She assumed that this isn't his house. Not because nakapunta na siya sa bahay ng binata kundi ito lang naman kasi ang bahay ng Lolo Alexandro niya.

"Ano'ng ginagawa natin sa bahay ni Lolo?" Tanong nito pagkatapos siya pagbuksan ng pinto ni Blake.

"Let's restart everything, stranger." Napanganga si Bliss sa huling salitang sinabi ng binata sa kanya. Pumasok na ito at naiwan yung dalaga sa labas ng gate ng bahay ng Lolo nito.

"Hoy, Hell! Ano'ng stranger ang pinagsasabi mo diyan? Hoy! I'm talking to you but—"

"Marvelous!" hindi na naituloy ni Bliss ang sasabihin niya nung sinalubong na siya ng Lolo niya ng nakangiti.

"I missed you, Lolo!" Magiliw naman na bati nito sa matanda pagkatapos niya itong yakapin.

Ngumiti lang ito sa apo at nakipag-fist bump naman sa binatang kasama nito — si Blake. Pansin mo naman agad na naguguluhan si Bliss dahil sa nakita niya.

"Close kayo? I mean, magkakakilala kayo?" Tanong ni Bliss sa dalawang lalaki na mahahalata mo talaga ang closeness dahil sa kung paano sila magkamustahan nung nagkita sila

"He's —"

"Kumpare!" hindi na naituloy ni Blake ang sasabihin niya nung biglang dumating ang Lolo Enrique nito. Agad namang nagyakapan ang magkumpare atsaka nagmano naman si Blake. Nakatayo lang si Bliss na halos gulat pa sa mga ganap.

"Let's discuss everything inside." sabi ni Alexandro. Agad namang sumunod ang dalawa sa kanila na mas nauna nang pumasok sa loob ng bahay nito.

Dumiretso sila sa dining area ng mansion ng matandang Magsaysay. Umupo si Bliss sa tabi ng Lolo niya, sa harap naman nito ay ang Lolo Enrique ni Blake at tumabi naman sa kanya si Blake na parang may alam talaga sa mga nangyayari dahil pangiti-ngiti lang siya. 'Di kagaya ni Bliss na gulong-gulo na ang utak.

"So, what's with these?" tanong ni Bliss. Napatingin naman sa kanya ang tatlong lalaki.

"Diba sabi ko magsisimula tayo ulit? Ito na nga yun." nakangiting sabi ni Blake kay Bliss. Nagkatinginan naman sina Enrique at Alexandro.

"What do you mean?" natatawang sabi ni Bliss. Maybe, to release the tension o para hindi mahalata na nangangamba siya — na hindi niya naman alam kung bakit.

"I want you to know who I really am. Who's Blake, who's Hell, and everything about the real Blake Mikhell Marquez."seryosong sabi ni Blake. Nagulat naman ang dalaga. Hindi naman niya kasi inakala na ito yung kakahantungan ng pagsama niya dito.

"And why is it that we're here on my Lolo's house? Why is it that your Lolo is also here?"

"It's simply because they're the one who're behind all of these things. Sila ng puno't-dulo ng lahat, Bliss." mas naguguluhan si Bliss dahil sa dinagdag ng binata. Parang sumakit nga bigla yung ulo niya dahil nahihirapan siyang i-analyze kung ano ba ang dapat niyang maramdaman o sasabihin.

"I'm sorry, apo. I'm sorry for making Hell come into your life. I'm sorry if I was the one who made Hell. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan to help you with a your dilemmas. Kaya I made Hellwe made Hell." Halata naman ang sinseridad sa mukha at tono ng pagkakasabi ni Alexandro pero hindi pa rin maiinitindihan ni Bliss ang mga nalalaman niya ngayon.

***

Part 1, posted. Yeah, just like sa reconciliation nina Mira at Cher with their mom, may mga parts din ito. Baka kasi hahaba kapag hindi ko hinati-hati. :)

Anw, may FB account na si Bliss but I'm not the one who's handling it. Here's the link if you want to add her or talk to her : https://m.facebook.com/waddupgirl

PS: I have a new story entitled, "Begin Again" short story lang siya and patapos na din. :) Hope y'all be able to read it. :)

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon