BFI 24

96 5 4
                                    

"6 months?!?"

"Shit, bish! Tinaningan ka na ni Blake!

"What'll you gonna do? Prayer rally na ba tayo?"

Isa-isang sabi ng mga kaibigan ni Bliss na sina Denise, Ayrand atsaka ni Marga. Nasa bahay sila ngayon ni Bliss at they're having a sleepover. Sakto naman kasi na wala yung parents niya kasi mayron silang international convention.

"Hindi. Wala tayong gagawin. If he'll kill me, then go! Let him be. Let him do what he wanted to do." nagmamatigas pa ring sabi ni Bliss. Hindi na talaga mababago yung isipan niya.

"Pero Bliss—"

"I'll run. Kakalabanin ko siya. Feeling ko kasi, this is the reason why he keeps on threatening me. I'll run for USC President and I'll make sure that I will win over him." Seryosong sabi ni Bliss sa mga kaibigan niyang halos hindi naman alam kung ano ang gagawin nila once mag-uumpisa na ang away nina Bliss at Blake.

"If that's what you really want, then we'll support you, Bliss." Sabi ni Ayrand sa kaibigan.

"We're just here if you need something or anything. We'll be your instant campaign managers." Dugtong naman ni Denise.

"Win or lose, we'll still be your best friends. Basta, huwag mong uurungan yang si Marquez. Show him what you got." sabi naman ni Marga na animo'y hindi natatakot kay Blake kung maka-asta.

"Ako? Uurungan yung Marquez na yun? Sus, mas malala pa nga yung nangyari between Lolo and I." May isang salita nga talaga itong si Bliss. Hindi na talaga mababago ang isip niya. She's really determined.

------

"Finally, nakapag-desisyon na din si Magsaysay. Kakalabanin mo talaga ako? Handa ka na bang maging kaaway ang isang Blake Marquez?" Papalabas pa lang si Bliss sa USC office para mag-file ng candidacy nung sinalubong ito kaagad ni Blake kasama ang mga barkada nito.

Hindi naman ito pinansin ni Bliss at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Pero lingid sa kaalaman niya, nakasunod pa rin pala sina Blake sa likuran niya na animo'y mga bodyguards niya ang apat.

"You're making me hate you even more, Magsaysay. Kinakausap kita tapos hindi mo ako papansinin?" medyo naiinis na sabi ni Blake habang naglalakad sila papapunta sa next subject nila. Magkaklase kasi sila sa ibang major subjects nila.

May lahi nga talagang mapang-asar at matigas ang ulo si Bliss kaya hanggang ngayon, hindi niya pa rin pinapansin ang binata. Para nga itong baliw na kinakausap ang sarili dahil kahit isang sulyap lang, hindi ito magawang ibigay sa kanya ng dalaga.

"Ayaw mo talaga akong kausapin?!?" sabi ni Blake tapos hinila yung braso ni Bliss na naging dahilan para mapaharap ito sa kanya.

Tinaas naman ni Bliss ang kilay niya nung nakita ang pag-smirk ni Blake. Kaso, parang may iba itong naramdaman nung nakita yung pag-ngisi ni Blake — may bigla siyang naalala.

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon