BFI 2

107 4 0
                                    

Nag-aayos si Bliss ng kanyang sarili nung biglang pumasok sa kwarto niya ang mommy Alicia at daddy Julian niya. Kapwa itong nakangiti na ikinalito naman ng dalaga and it's already 8am, normally, by 7am, nakaalis na ang dalawa papunta sa kompanya nila.

"Awww, our bunso," mas naguluhan si Bliss nung bigla pa siyang niyakap ng kanyang mga magulang. Yung yakap na para bang mami-miss nila ito.

"Makayakap naman. Magtatrabaho po ako, hindi po ako mangingibang bansa. OA na po kayo," natatawang sabi naman ni Bliss dahil sa ginawa ng kanyang mga magulang na ngayon ay humiwalay na sa kanya.

"We're just happy na yung bunso namin ay magtatrabaho na. Parang kailan lang, you were so tiny in my arms pero ngayon, halos hindi ka na namin mabuhat," halos mangiyak-ngiyak ang ama ni Bliss nung sinabi niya ito. Sabagay, hindi naman kasi sila nabigyan ng pagkakataon para mag-bonding nung bata pa si Bliss.

"If only we could turn back time, bunso. Baka nagkaroon pa siguro kami ng oportunidad para makilala at makasama ka ng maigi," sabi ni Alicia sa anak.

"Mom, ano ba? Nangyari na diba? We can't turn back time. We cant redo what has been done in the past. I'm looking forward for our future together as family," sabi naman ni Bliss sa mga magulang na ngayon ay nakangiti na dahil iba na nga talaga ang bunso nila, hindi na siya katulad ng dati.

"We'll always be here for you, bunso. We're just a call away- What I mean is, we're just a room away." Wala na nagawa pa ang dalaga kundi ang mapangiti na lamang sa naririnig mula sa mga magulang niya.

"Awww, you're both aging already that's why-Ouch! So brutal, mom!" Bliss said when her mom spanked her. Hindi naman medyo masakit pero sakto lang para mapa-aray siya. Pero tumawa din naman siya pagkatapos.

She then hugged her parents and whispered her 'i love yous' and 'thank yous' to the both of them.

------------

"You're a Magsaysay, Bliss Marvelous. You'll gonna slay everything on your first day of work," pagpapantag ng dalaga sa sarili niya habang nasa loob pa siya ng elevator. Nasa 15th floor pa kasi ang department kung saan siya naka-assign bilang film editor.

Palabas pa lang si Bliss sa elevator, kitang-kita na niya ng pagtataranta ng mga staff. May narinig din siyang sigawan sa kabilang parte 15th floor. Halatang marami silang ginagawa ngayon, as expected.

"Ikaw yung bagong hired, diba?" nagulat naman si Bliss na may biglang sumulpot sa tabi niya. Hinarap niya ito para makita, at ngumiti lang ito sa kanya.

"Uhmn, yes..." Nahihiya pang sagot ng dalaga. She then heard chuckles from the person beside her. Tinignan niya naman ito na para bang naguhuluhan siya.

"Oh, it's you. Anyway, come with me. She's waiting for you in her office." sabi nito sa kanya at nag-umpisa nang maglakad, sumunod naman siya doon.

"Pwede magtanong? Who's she? I mean- of course, the owner. What a shame, Bliss," napatawa na lang ang sinusundan niya nung narinig ito mula sa dalaga. She opened the door. Nagulat naman si Bliss dahil bigla na lamang itong kinabahan.

"She's here, Direk." sabi ng kasama niya sa babaeng naka-upo patalikod sa kanilang dalawa.

Inikot nito ang swivel chair niya. Napalunok naman ang dalaga nung nakita niya ang mukha ng babaeng kanina pa siya hinihintay.

She looks like an evil witch who'll do anything just to make your life miserable. Well, the coat she's wearing is similar to Cruela de Vil but hers ain't black and white, it's just plain black. Plus her feisty look, her dark lipstick, dark eye shadow -everything's dark. That's indeed a perfect combination.

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon