BFI 1

109 6 0
                                    

Bliss, bilisan mo na nga diyan, this is the day you’ve been waiting for!”

“Oo nga, Blissita! Aayusan ka pa, ang pangit mo pa naman! Now is the time na gaganda ka na!”

“From gandang walang-wala to gandang hindi mo inakala!”

“Apir, Ate Mira! Oh diba? Kuma-Kathryn Bernardo ang beauty ng ating bunso!”

Nagtatawanan lang ang magkapatid habang si Bliss naman ay nakasimangot at kanina pa tinitignan ng masama ang kanyang mga nakakatandang kapatid. Kanina pa din kasi nila ito sinasabihan na magmadali na kasi ngayon na ang araw na pinakahihintay niya.

Nagmadali naman itong pumasok sa banyo at nagsimula nang maligo. Sa kabilang banda naman, ang mga kapatid niya ay nag-aayos na sa sa susuotin ng kanilan bunsong kapatid na nasa banyo pa. Sila ngayon ang nakatoka sa lahat ng gagawing pag-aayos sa bunsong si Bliss.

After 30 minutes, lumabas na din sa wakas sa banyo si Bliss. Nagulat naman ito sa nakabalandrang damit sa kanya na itinaas naman ni Miracle at sa hawak na heels ni Cherish. Halos lumuwa ang mata ng dalaga sa kanyang nakita na susuotin niya sa isa sa pinaka-importanteng okasyon na mangyayari sa buong buhay niya.

“Ang over naman niyan, Ate!” pagrereklamo ni Bliss na naging dahilan para pag-irapan siya ng kanyang dalawang kapatid na agad naman niyang tinawanan.

“Tawa-tawa pa diyan, eh. Halika ka na, upo! Bilisan mo, huwag pa-special!” sabi ni Mira sabay pinaupo ang kapatid sa highchair para umpisahan na itong ayusan.

“Ang ganda... ng shade ng lipstick na gagam—ARAYYYY!” napa-aray si Cherish dahil hinampas siya ni Miracle sa kamay nung kukunin niya sana yung lipstick na nasa make-up kit ng nakatandang kapatid.

“Huwag kasing makealam. Hay nako, Cherish! Nasi-stress ako sa’yo!” sabi ni Miracle. Ganito siya kasi buntis siya. 2 months after their wedding, Miracle got pregnant. Kayang ngayon, pabago-bago siya ng mood. Hindi naman siya pinapatulan pa ni Cherish kasi naiintindihan niya ang sitwasyon ng kapatid.

“Pasalamat ka at buntis ka. If not, I’ll really—”

“Oo na, Cher! Tumahimik ka na lang, please?” wala nang nagawa pa si Cherish kundi tumahimik na lang. Napatawa naman ng mahina si Bliss sa nangyayari sa kanyang mga nakakatandang kapatid.

“Ikaw naman, tawa ng tawa gustong mag-asawa?” napatahimik tuloy si Bliss sa narinig galing sa kanyang Ate Mira.

Naalala niya kasi ang sinabi niya kay Blake mga isang taon na din ang nakalipas. Yung papakasal siya doon kapag nagkita sila at ayos na ang lahat ng problema sa pamilya niya. Napaisip siya, ngayon na maayos na ang pmailya niya. Matutupad kaya lahat ng yun?

Nakalimutan na kaya siya ni Blake? Tutuparin pa rin ba nito ang pangako na sinabi niya sa isa’t-isa? May bago na kaya itong napupusuan? It’s been a year since then and wala siyang kabali-balita tungkol sa binata. He tried asking Blake’s Lolo Enrique, maging ito hindi din niya alam kung nasaan ang apo.

Ano na kaya ito ngayon? Saan na kaya siya? May bago kayang babaeng nagpapatibok sa puso niya? Sana hindi pa huli ang lahat kapag nagkita ulit silang dalawa. Sana magkakaroon pa rin ng isa pang pagkakataon ang pagmamahalan nilang dalawa.

Sana matutupad pa nila ang mga pinangako nila para sa isa’t isa. Sana magkakaroon pa sila ng kanilang sariling “once upon a time” at “happily ever after”.

Hanggang ngayon kasi, mahal na mahal niya pa rin si Blake. Mahal na mahal to the extent na hindi siya kailanman tumanggap ng manliligaw o nakikipag-close o nakikipag-kaibigan man lang sa ibang lalaki sa school nila.

Pero siya, mahal na mahal pa din kaya siya ng binata? Mas tumibay din kaya ang pagmamahal niya sa kanya katulad ng nararamdaman nito?

“Sad face, baby? Why? Sabihin mo sa akin. I might be a baliw na ate in the whole world but always remember that I’ll always be here whenever you need me. So, spill it!” sabi ni Mira habang nilalagyan ng blush-on ang nakakabatang kapatid.

“Ay, alam ko yan, ‘teh! Is it because of Blake?” tiningnan naman ng masama ni Mira si Cherish na ngayon ay nag-peace sign na lang kasi hindi na naman niya napigilan ang pag-komento.

“It’s okay, Ate. Yes, it’s because of him. Naisip ko lang po kasi. Ganon pa din po kaya ang nararamdaman niya? I mean, mahal niya pa kaya ako?” seryosong tanong ni Bliss na naging dahilan para tinigilan muna ni Mira ang pag-aayos sa kapatid at hinarap ito sa kanya.

“Ang tanong, mahal mo pa din ba siya?” tanong ni Mira sa bunsong kapatid.

“Mahal? Sus! Mahal na mahal, ate.” sagot naman ni Bliss sa kapatid.

“Girls, mahuhuli na tayo sa graduation ceremony ni Bliss!” tawag ng Lola Olivia nila sa tatlo. Dali-dali namang kinuha ni Mira ang toga ng kapatid, samantala, si Cher naman ay kinuha ang handbag ng bunsong kapatid.

Graduation na ngayon ni Bliss. Pero hindi niya pa rin nakikita si Blake. Ang huling balita niya ay umuwi daw ito ng France kasama ang lolo Enrique niya at doon na niya ipinagpatuloy ang kursong kinuha niya sa Piipinas.

Kung hindi sana, sana’y sabay silang gagaraduate ngayong araw at posible pang magkatabi sila sa kanilang upuan.

-------------

“Saan na kaya siya, Bish?” nagulat naman ang dalaga nung bigla siyang tanungin ng kaibigan na si Ayrand.

“I don’t know. France, maybe?”

“Maybe, he’s busy building your castle there. Diba sabi niyo, you’ll be going to make your own ‘happily ever after’ with him? A fairytale with him, right?” nasiko naman ni Marga si Denise dahil sa kadaldalan nito.

“I don’t know. Maybe, he’s not my own ‘happily ever after’, maybe he’s just my ‘once upon a time’,” bakas ang lungkot sa mukha ng dalaga habang sinasabi niya ito sa mga kabigan niya. Hindi din naman alam ng tatlo ang gagawin kasi halata naman na kahit graduation day nila ngayon, na dapat sana’y masaya silang lahat, malungkot namana ang kaibigan nila.

“Cheer up, Bish! Let’s party, okay? Graduate na tayo. We’re going to live our dreams. Smile naman diyan kahit ngayon lang o kahit na napipilitan ka lang.” sabi ni Marga sa kaibigan sabay yakap sa kanya. Nakiyakap din ang dalawa nung nakita ang ginagawa nina Marga at Bliss.

“Thank you, bishes! I’m so blessed to have the three of you as my best friends. Thanks for always cheering me up and for making me realize everything.” sabi ni Bliss sa mga kaibigan niya.

It’s been a tough and rough year for her. Hindi niya kailanman nakita ang mukha ni Blake. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para makipag-usap man lang.

She doesn’t even have any idea what he looks like or where on France he’s staying. Hindi naman niya pwedeng kulitin ang lolo Alexandro niya kasi tutuksuin lang siya nito. So, she ended up searching Blake’s social media accounts but to her dismay, wala pala itong kahit isang online account. He’s such a mysterious guy.

*******

Ow!!! Please reread BFI 1 (first half)— especially the last paragraph. Love y'all!!!

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon