BFI 22

121 2 2
                                    

New school, new life. That's Bliss Marvelous Magsaysay's mantra for this school year. Lumipat na kasi siya from M.U, nag-enroll na siya sa isa pang pinakatanyag na University sa lugar nila.

Dala niya yung kotse na noon niya pa sana gustong gamitin kasi masyadong ipinagbabawal kasi sa kanya yung pag-gamit ng kotse noong nag-aaral pa siya sa Magsaysay University. Pero dahil she's a brat, nakakapuslit pa rin siya at nagagamit niya pa din ang sasakyan niya.

Magpapark na sana siya sa isang pwesto na sigurado siyang okay yung kotse niya kasi medyo malayo sa mga estudyanteng nag-lalandian, naghahabulan at kung ano pa yung trip nila sa buhay na pwede maging rason para magasgasan o masira yung sasakyan niya.

Pero, dahil parang minalas ata siya sa araw na ngayon, may nabangga siyang isa pang sasakyan kasi parang gusto siya nitong unahan sa parking space. Napahampas na lang sa manibela niya si Bliss dahil sa kamalasan niya ngayong araw.

Dali-dali siyang bumaba sa kotse niya at tinignan ang kung anuman ang nangyari sa kotse niya. Nung nakita niyang may malaking gasgas at medyo na-deform yung gilid ng kotse niya, napamura ito ng malakas na naging dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng mga estudyante.

"What are you looking at? Ngayon lang ba kayo nakakita ng nagbanggan na kotse?" Mataray niyang sabi sa mga estudyante na nakatingin sa kanya at pati na din sa sasakyan niya na nasira ng kaunti.

Umiwas naman ng tingin sa kanya ang mga estudyante at nagpatuloy na sa kung anuman ang ginagawa nila kanina. Samantala, si Bliss naman, nilapitan niya yung sasakyan na nakabangga sa kotse niya. Kinatok niya ang bintana nito.

"Whoever you are, pwede ka bang bumaba from that stupid car of yours?" singhal ni Bliss. Pero parang hindi siya pinansin ng driver kasi hindi pa rin ito bumababa sa sasakyan nito.

"Ayaw mo, ha." bulong nito sa sarili niya at kinuha yung Valentino heels niya. Ipupukpok na sana niya ito sa glass ng sasakyan nung bigla itong binaba ng driver.

Muntikan na sana niyang mapukpok yung mukha ng driver pero mabuti na lang at nahawakan kaagad nito ang heels ni Bliss.

"Masyado ata akong gwapo para lang mapukpok yung mukha ko. Maawa ka naman sa mga babaeng nahuhumaling sa akin, baka magpakamatay ang mga yun kapag nalaman nila yung posibleng mangyari sa mukha ko." Ito ang narinig niya mula sa maangas na driver na nakabangga ng sasakyan niya.

Napataas naman ng kilay niya si Bliss dahil sa narinig. Hindi talaga siya makapaniwala na maririnig niya ang mga salitang ito mula sa isang bwisit na lalaki na bumangga sa kotse niya.

"Teka naman po, mister! Hindi naman ata ako informed na may signal pala ng malakas na bagyo dito sa parking lot? Grabe yung hangin, eh. Napakalakas. Dapat pala kumapit ako ng maigi ng hindi ako liparin ng lupit ng hangin na dala ng kayabangan mo." Nakataas pa yung kilay ni Bliss pagkatapos niyang sabihin ito. She even crossed her arms.

"Blake Marquez, you are?" Halos iluwa ni Bliss ang mga mata niya nung narinig niya kung ano ang sinabi sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ganun lang yung maririnig niya.

She's expecting something from him - yung mas lalo siyang inisin pero yung magpapakilala sa kanya? Hindi yun yung inaakala niyang sasabihin sa kanya.

"I'm not interested." Mataray na sabi nito atsaka umalis na papunta sa kotse niya. Pumasok ito at inayos yung pagka-park ng sasakyan niya.

Nag-retouch muna ito bago bumaba ulit sa sasakyan niya. Alam niya kasing nastress siya sa nangyari kanina. She looks awful pa naman kapag stressed siya.

Sinigurado muna niya na naka-lock yung sasakyan niya bago ito dumiretso sa classroom niya for her first subject. She's still taking the course film arts.

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon