BFI 33

96 3 0
                                    

"Nagulat ka 'no? Kung 'di pa ako nagpunta sa bahay ng kaibigan ko, 'di ko pa malalaman na pumupunta ka pala sa bahay niya. Pilit mong sinasabi na ayaw mo sa mga fakers, pero hindi mo namalayan na you're starting to be like those kind of people, you're now a faker, Bliss." Sabay ng pag-sara ng ama nito ng pintuan ng kwarto ng dalaga, unti-unti namang tumulo ang luha mula sa mga mata nito.

"You're now a faker, Bliss."

"You're now a faker, Bliss."

"You're now a faker, Bliss."

Ito ang paulit-ulit na pumapasok sa utak ni Bliss. She's now a faker. A faker that once she hated. A faker that once made her life miserable as hell. She's now the person she doesn't want to be.

"I hate fakers, so, I should hate myself then." bulong nito sa sarili habang pinupunasan niya yung luha niya at dumiretso ulit sa higaan niya.

Humilata siya, ipipikit na sana niya ang mga mata niya nung bigla na lang tumunog ang phone niya.

Blake Fake. Ito ang name na umappear sa screen ng phone niya.

"He-"

"If you need Hell, open your terrace's door." He then hang up.

Wala sa saktong pag-iisip si Bliss nung pumunta na siya malapit sa terrace ng kwarto niya. Binuksan niya yung pintuan at nagulat siya dahil bumulagta sa kanya si Blake na may dalang bouquet of tulips - her favorite flower.

"Bakit ka nandito, Blake Mikhell?" tanong nito, balak niya sanang isara yung pintuan kaso naunahan na siya ng binta sa pamagitan ng pagpasok sa kwarto niya.

"Trespasser." sabi ni Bliss saka tinulak-tulak na papalayo si Blake.

"Ano'ng trespasser? Ang gwapo ko naman para pagsabihan na tresspaser." inirapan lang siya ng dalaga. Sinundan niya ito.

"Stop following m-"

"Pwede mo naman na sabihin sa'kin. Isipin mo na lang, I'm the Hell that you used to know. Yung palagi mong sinasabihan ng mga problema mo. Pwede ko naman kasi siyang ibalik kahit na tapos na ang kontrata niya." tumahimik lang si Bliss, hindi nga niya magawang irapan ang lalaking biglang tumabi sa kanya sa couch niya.

"Narinig ko lahat. Yung sinabi ng Dad mo sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kasi I've never been on that situation. But, please remember that I'm always here for you. I'll never leave you. I'll always be your waze, your shoulder to cry on, your shooting star, your moon, your milky way, your spacesh-"

"Galaxy ka? Universe, ganern?" natatawang tanong ni Bliss. Hindi niya alam kung bakit parang biglang gumaan ang pakiramdam niya nung kinausap na siya ng binata at sinabi sa kanya na palagi lang siyang nasa tabi niya.

"I can be your galaxy or universe, if that's what you want." ngayon, dalawa na sila ang tumatawa. Napatigil naman si Blake at tinitignan lang ang dalaga na halos hindi na matigil ang pagtawa.

She looks like an Angel sent from above - No, she's not an angel, she's more than that. She's more than a goddess, a fairy, a princess, even a queen. She's beyond perfection. She's extraordinary.

"Matunaw ako niyan, Blake." Pagbiro ni Bliss sa binata na kanina pa tulala at nakatingin lang sa mukha ng babaeng nasa tabi niya.

"Hindi, mine-memorize ko lang yung mukha mo baka kasi isang araw hindi ko na yan maalala, eh." seryosong sabi ni Blake pero tumawa din naman ito pagkatapos, parang nabigla naman si Bliss sa sinabi ng binata pero sa kalaunan, tumawa na din ito kahit na parang nalilito siya sa narinig.

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon