BFI 34

109 4 1
                                    

" Dad, let me explain—"

"I don't need your explanations, Bliss." Julian said with an authoritative voice. Napako din naman ang tingin nito sa lalaking katabi ng anak.

"Sir, it's not what you think. We're just—"

"GO OUT!" sigaw ni Julian kay Blake. Agad naman na na-alarma si Bliss at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, napahawak siya bigla sa kamay ng binata.

Parang nabuhayan naman at nabigyan ng lakas si Blake dahil sa ginawang paghawak ni Bliss sa kamay niya. May kung anong mahika na naging rason para magkaroon siya ng kakayahan para magsalita at ipagglaban ang kung anuman ang namamagitan sa kanila at kung ano ang meron sa kanila.

"So, the two of you are already in a relationship? I thought you don't like him, Bliss. You keep on saying that you hate him, that you don't like him. Eh, ano ito'ng nakikita ko? Ikaw pa talaga ang humawak sa kamay niya?" sunod-sunod na tanong ng ama ni Bliss sa kanya. Pero hindi pa rin sila bumibitaw, mas humigpit pa nga ang pagkakahawak nila sa kamay ng isa't-isa.

"I love your daughter, Sir. I really do. Sana po payagan niyo ako na manligaw sa bunso niyo." napangiti naman si Bliss sa sinabi ng binata. Samantala, ang ama naman nito na si Julian ay hindi mo mawari kung ano ang reaksyon niya sa narinig bagamat nakatingin lang ito sa dalawa.

"You love her? That's insane, Blake. Kailan lang ba kayo nagkakilala? Paano kayo nakakasiguro na tama at totoo nga yang nararamdaman niyo? Baka isang laro lang ang tingin niyo sa papasukan niyo?" Tanong ni Julian sa anak na ngayon ay nakahawak na ang isa pang kamay niya sa braso ng binata.

"No, Dad. He loves me and I love him. Nasisiguro po namin na tunay po yung nararamdaman namin. I know, we don't really know each other that much. Pero paano naman po namin makikilala yung isa't-isa kung makukulong lang pala ako dito sa kwarto? Please, Dad—"

"So that's it. It's final." magkasabay na nagtinginan ang dalawa dahil sa sinabi ni Julian sa kanila. Hindi nila pareho naiintindihan ang sinabi nito sa kanila.

"What do you mean, Dad? What's final? What's that all about?" tanong ni Bliss sa ama na ngayon ay nakahawak na sa phone niya na para bang may binabasa ito mula doon.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Bliss at sabay nito, pumasok ang mga pamilyar na tao na may dalang balloons, cake, party popper, atsaka may regalo pa silang dalawa.

Yung ama ni Bliss na kanina halos hindi maipinta ang mukha, ngayon ay nakangiti na sa kanilang dalawa. Lahat ng tao na nasa kwarto ngayon ni Bliss ay nakangiti— well, maliban sa kanilang dalawa dahil hindi nila alam kung ano ang mga nangyayari.

Nagkatinginan lang ang dalawa habang nanatili pa ding magkahawak ang kanilang mga kamay. Hindi nila alam kung ngingiti ba sila o matatakot kasi halos lahat ng miyembro ng pamilya nila at maging ang mga kaibigan nila, nagsama-sama ngayon.

Nagulat na lang sila nung biglang may narinig silang pumutok...

"HAPPY ENGAGEMENT!!!!" ito ang sabay-sabay na sabi ng lahat. Halos lumuwa ang mata ng dalawa sa narinig kasi hindi naman nila lubos akalain na yun ang lalabas sa bibig nilang lahat.

"Ano... What? Bakit?" tanong ni Blake habang papalapit sa kanila ang kanilang mga magulang.

"You're engaged!" ito ang sabi ng ama ni Blake na si Lucas. Nakasunod sa kanya ang ina nito na si Diane.

"Us? But, why? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Bliss. Katulad din sa mga magulang ni Blake, magakasunod ding lumapit sa mga ito ang mga magulang niya.

"It's because of us, Marvelous, Mikhell." sabay na sabi ng dalawang matanda nung magkasabay silang pumasok sa kwarto ng dalaga.

Dahil dito mas gumulo pa ang utak ng dalawa. Halos hindi nga nila alam kung ano ang sasabihin nila o ire-react nila sa mga taong nandito ngayon sa harapan nila.

Pero ang mas naguguluhan talaga ay si Bliss. Bakit? Bakit nandito yung Lolo Alexandro niya? Diba kanina nga nag-away pa sila ng Daddy niya kasi nagkita sila? Pero bakit? Bakit magkakasama silang lahat ngayon?

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon