BFI 6

76 5 3
                                    


Four years later...

Bliss took a break from her dream. Her dream of becoming a successful filmmaker of the country. Isang taon din siyang nagpahinga, mukhang hindi nga talaga niya kasi kinaya yung mga nangyari sa kanya at sa pagitan nila ni Blake.

She wanted to have a break from all the negativities she had on that day. Hindi kasi talaga siya makapaniwala na after a year of without seeing each other, yun pa yung bubulaga sa kanya. A prank from him. Hindi niya talaga matanggap na parang ginawa siyang tanga ng binata dahil sa mga pinag-gagawa niya.

Depressed na depressed siya, not until she saw someone who gave color to her black and white life. She’s so blessed to have that someone in her life. She’ll be always grateful that some point in her life there’ll be someone who will make her smile again, laugh again and to regain her old self again.

“Sweetie, don’t run okay? Maglaro ka lang but don’t run kasama nila,” malambing na paalala ni Bliss sa batang babae na may edad na tatlong taon na naglalaro ng kanyang dalawang barbie doll. Ngumiti lang sa kanya ang bata at nagpatukiy sa paglalaro.

That smile. Pinagpatuloy lang din ni Bliss ang pagbabasa ng bagong publish na libro. For almost a year, dito na niya itinuon ang atensyon niya.

She’s just reading her books. Kung wala siya sa kompanya, makikita mo siya sa kwarto niya na pinalilibutan ng mga libro at ang matindi pa dun, iisang author lang ang librong binabasa niya. Ika nga ng mga kapatid niya, pakasalan niya na lang daw yung author kasi obssesed siya sa mga libro nito.

Pero paano? Eh, yung lahat ng libro niya, iisang tao lang and pinag-dedicate-an niya. Walang iba kundi si ‘future wife’. At dahil dito, inis na inis si Bliss sa tuwing nakikita niya yung ganitong pangalan sa unang bahagi ng libro.

Pero, iba kasi talaga ang epekto ng mga libro ng author sa kanya. At ang nagagandahan niya pa ay masyadong optimistic ang tema ng mga sinusulat nito. These books helped her to recover. And she’s thankful sa author na nagsulat ng mga librong binabasa niya nung mga panahong yun.

“Hay, dedicated na naman kay ‘future wife’, naiinis na ako, ah. ‘di ba pwedeng ako na lang? Yung pangalan ko na lang? Nako, Hades my love—” naputol ulit ang pagbabasa ni Bliss nung may narinig siyang iyak. At ang iyak na yun ay pamilyar sa kanya.

Agad niyang tinignan ang pwesto ng batang kasama niya kanina, at wala na yun doon. Hinanap niya kung saan nanggaling ang iyak, lumiko siya, at doon niya nakita ang bata... May kasama ito.

Isang lalaki. At kahit likuran pa lang ang nakikita niya, sigurado siya na yun ang taong kinasusuklaman niya.

“Mama!” sabi ng bata. Nagulat siya, malapit na pala siya sa dalawa. Bumaba ito sa pagkakarga ng lalaki at agad na niyakap si Bliss ng napakahigpit at binuhat naman niya ito.

“What happened? I told you not to run, right?” nag-aalalang tanong ni Bliss.

Tinuro nito ang lalaking nakatingin lang sa kanilang dalawa, “That guy, Mama. I know who he is,” nagulat si Bliss sa narinig, maging yung lalaki, bakas din sa mga mata niya ang pagkabigla. Samantala, yung bata naman ay abot tenga ang ngiti. Ibinaba ni Bliss ang bata at pinaupo sa bench.

Tinabihan niya ito, “What do you mean that—”

“He’s the reason why you’re crying every night, Mama.” hindi na alam ni Bliss kung ano yung sasabihin niya dahil sa rebelasyon ng bata tungkol sa kanya.

Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ng lalaking ito yung mga nangyayari sa kanya.

“Charity, that’s bad!” sabi na lang nito ni Bliss sa pamangkin.

Yes, she’s Charity. four-year old daughter of Miracle and Xavier. Wala kasi ang parents niya ngayon because of their international conference sa London. Two weeks din silang mawawala kaya nasa pangangalaga muna ng dalaga si Charity.

“Is telling a truth a bad thing, Mama? I don’t think so,” gusto sanang pisilin ni Bliss ang pamangkin niya dahil sa mga pinagsasabi nito. Nakita niya din sa gilid ng mga mata niya na pinipigilan naman ni Blake ang pagtawa. Mas lalong nairita ang dalaga sa nakita niya.

Pinababa niya si Charity sa kinauupuan nito sabay kuha ng bag niya, “Let’s go home, young lady.” seyosong sabi ni Bliss. Kitang-kita naman sa mukha ng bata na natatakot ito sa Mama Bliss niya. Nakita naman agad ito ng lalaki at naawa ito sa bata na parang gusto pa sanang maglaro.

“Wait,” sabay na napalingon ang dalawa sa binata.

“My time’s running. If that’s something important, sabihin mo na kaagad,” wala man lang kaemo-emosyong sabi nito sa binata.

“I love you.” sabi nito sa kanya. Hindi na siya nagulat pa. And she just gave him the same blank expression she gave to him earlier.

“Stop faking everything, Blake. This isn’t a fairytale. Siguro nga, I’ll believe everything you’ll going to say if, only if, my story is like Cinderella, Aurora, Belle, Ariel and other disney princesses. But no. I’m just an ordinary girl living in the real world. No magic. No love potions. No dragons. No witches. No fairies.” she’s not yet okay. At alam na alam yun ni Blake. It has been four years pero nasasaktan pa rin siya.

Makikita mo naman sa mata niya na pinipigilan niya na umiyak. Because for her, crying is a sign of defeat and she doesn’t want Blake to win. No, not again. Not this time.

“Mama, fairytales do exist. All you have to do is to believe. Just like what Barbie said, Sometimes what’s real is something you can’t see,” nagulat si Bliss sa sinabi ng kanyang pamangkin.

For Zeus’ sake! She’s only four years old pero parang mas nagmumukha siyang mas matanda kung mag-isip kumpara sa kanya. She’s 24, and it simply means, she’s 20 years older than the little girl beside her.

Lumuhod si Bliss para maging kapantay na niya ang pamangkin niya, “You don’t know everything about real world, sweetie. You’re just four years old and you still believe in fairytales because you haven’t experienced yet what I’ve undergone before. You still believe in fairytales because you’re not yet like me. You’ll never understand it, Charity. You’ll never understand it unless you’ll going to be me.” mahinahon na sabi nito sa bata na nakatingin lang sa kanya at tila naiintindihan talaga ang ibig sabihin ng kanyang Tita.

Ngumiti ito sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Bliss always find comfort in her niece’s hug. She’s the ‘someone’ that made her smile, happy, and laugh again. It’s Charity, the four-year old girl that she’s hugging right now.

Humiwalay ang bata at hinawakan ang pisngi ng dalaga, “Love makes fairytales exist, Mama. And in order to do that, you need to believe first.” hindi alam ni Bliss kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ng kanyang pamangkin.

Hindi niya din alam kung saan ito nagmana. Hindi naman maari na sa Ate Mira niya kasi parang wala naman siyang makukuha na maayos na salita mula doon.

“You need to stop watching those fairytales and Barbies, Charity. Let’s go home,” wala nang magawa pa ang bata. Kinarga na din kasi siya ng kanyang tita. The little kid just smiled at her Tito Blake na wala naman nagawa kundi pabayaan na lang muna yung dalaga.

Hindi na niya muna pipilitin ang dalaga. Maybe this isn’t the time, yet. Baka mali talaga na magpakita siya sa hindi tamang oras at panahon. Baka hindi nga talaga sila pwede ni Bliss.

He heard the kid keep on calling her ‘Mama’, maybe that’s the reason why she’s distancing herself away from him.

Sinipa niya ang bato na nasa paanan niya lang dahil sa depresyon, “Four years is four years, Blake. At isa kang napakalaking tanga at gago para umasa na ikaw pa rin ang mamahalin niya.” sabi nito sa sarili niya bago siya tuluyang naglakad papunta sa kotse niya.

*******

Sorry for not updating. Don't worry babawi ako. ❤  and may new story ako, I've already posted the prologue. "Cowardice Love" po yung title niya.

How was it?

Bliss' IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon