First Meeting

173 11 0
                                    

Posas. Rehas. Rosas.

Ilang araw na ang nakalipas mula nang makulong ako rito sa El Sitio. Mula nang makatungtong ako rito ay araw-araw akong nakatatanggap ng pulang rosas gabi-gabi na aking nakikita sa tapat ng aking selda.

"May bisita ka," aniya ng pulis na nakaduty ngayon sa amin at pinosasan ako pagkalabas.

"Sinong magnanais na makipag-kita sa akin?" matamlay kong tanong at nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ng aking kasama, "Sumunod ka na lamang."

Narating namin ang tanggapan at nakalabas ang isang rosas.

"Ikaw si Nineveh Laxamana, nagnakaw ng limang mangga sa bakuran ni Don Rioflorido. Dalawampu't tatlong taong gulang at hindi nakatapos ng pag-aaral, ngunit may matalas na isipan kumapara sa kanyang mga kasing-edad," dire-dretsong sabi ng isang lalaking amoy mayaman. Pormal ang kanyang suot at handang pumirma ng cheque anumang oras.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang singsing nitong pilak pa nga yata. Kumikinang dahil sa repleksiyon ng liwanag.

"Ano ang iyong sadya?" pranka kong tanong na siya namang naghatid sa kanya ng aliw.

Tiningnan niya ako at lumapit para bumulong "Isa akong bilyonaryo, babae. Maaari kitang ilabas dito," sinamaan ko siya ng tingin at may gana pa siyang iabot sa akin ang rosas, "Hindi ako pumapatol sa matanda," ngumisi ako at hindi pa rin tinanggap ang hawak nito.

Tumaas ang dalawang kilay nito at umayos ng upo, "Hindi ako ang makikinabang sa iyo. Ang anak ko," paliwanag niya.

"Pakakasalan ko siya?" singhal ko.

Nagdilim ang kanyang mukha at ako ay kinabahan, "Gusto niya raw ng anak, hindi asawa. Magpasalamat ka na lamang dahil isa ka sa mga napili ko," dagdag pa niya.

"Nagkamali ka ng nilapitan-"

"Pwede mong isama ang lola mo sa mansion," napakapit ako sa aking kinauupuan. Si Nanay Bekta.

Matagal akong nakipagtitigan sa kaharap ko bago ako nakagawa ng desisyon, "Paano ako nakasisigurong laya na talaga ako?" kailangan kong maging maingat.

Iniabot muli niya sa akin ang rosas at tinanggap ko na ito, "Ako si Don Rioflorido. Ang may ari ng punong ninakawan mo," walang akong napala na ibang paliwanag.

Ilang araw ang nakalipas, tumupad siya sa usapan.

Naligo. Nagbihis. Nag-ayos.

Katapat ang tarangkahan ay hawak-hawak ko ang aking mga gamit, kasama ang apat na babaeng kanina pa ako tinitingnan at pinag-uusapan.

"N-nandito na pala kayo, pasok," isang bulag at pautal-utal na lalaki ang sumalubong sa amin.

Dali-dali ang apat sa pagpasok. Ako naman ay nahuli dahil sa kasama kong matanda.

Napakapit sa akin ang bulag at nakita siya ni Lola, "Alalayan mo muna siya, kaya ko na ang aking sarili patungo roon," itinuro niya ang pintong pinasukan ng mga nauna.

Kahit labag sa kalooban ko ay sinamahan ko ang lalaking bulag at pinauna ang aking lola para tanaw ko pa rin siya mula sa likod.

"K-kaya ko naman-" muntik na siyang madulas sa putik, ngunit naagapan ito dahil sa matinding kapit niya sa akin. Kulang na lang ay mabali ang balikat ko.

Nakaputing damit ito, itim na pantalon at sapatos. Mukhang trabahador. Kulot ang buhok at medyo gulo-gulo pa.

"Mahusay, Laxamana. Hindi ko alam na kilala mo na pala ang anak ko."

Nakasandal sa pinto si Don Rioflorido at humalukipkip.

The Billionaire's Blind Son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon