Nineveh's POV
"Hindi maaari. Sa biyernes na lamang," hinatak ko siya at dinala sa kanyang kwarto.
Magarbo ang kwarto niya. May klasikong musika na tumutugtog sa gramophone. Maswerte na lamang siya na hindi naging bingi.
"M-may ibang babae bukas?" nagkumot siya at kumurap-kurap, "Oo, kaya matulog ka na," iniwan kong bukas ang ilaw at isinarado ang pinto.
Muntik na akong matumba nang makita si Don Rioflorido, "Anong ginagawa mo sa silid ng anak ko?" nakapang-tulog na ito at napasandal ako sa pader.
"Nakasalubong ko lamang po siya at inihatid sa kanyang silid. Hindi ko pa siya ginagalaw," depensa kong sagot. Mukhang mahalay ang nasabi ko kaya napagat ako sa aking labi.
"Mabuti. Ayusin mo ang iyong sarili sa gabi ng biyernes kung ayaw mong bumalik sa kulungan," banta niya at nilampasan ako.
****
Lumipas ang ilang araw at puro reklamo ang naririnig ko sa opisina ng aking amo.
"Mr. Rioflorido, paano magkakalaman ang tiyan ko kung tamad gumalaw ang anak niyo?" angal ni Ilmas. Naalala kong pumasok siya sa kwarto na may kolorete at lumabas na ganoon pa rin. Walang kalat sa mukha. Ni amoy ng anak ng bilyonaryo ay wala sa kanyang katawan.
"Tama, mukhang hindi siya interesado sa akin!" aniya naman ni Hennessy. Kagabi lamang siya nagsimula dahil biyernes na ngayon.
"Kawawa naman kayo. Utuin ninyo muna kasi," hindi natitinag si Ranine sa kanyang upuan at pumunta lamang sa opisina para maki-tsismis.
"Ang yabang mo! Palibhasa, p*k-p*k!" panlalait ni Solenad. Ako lamang ang hindi pa umaapela dahil ngayon ang araw ko.
"Magsitahimik kayo," hindi ito sigaw, ngunit agad na nawalan ng ingay ang kwarto, "Unang linggo pa lamang ay sumusuko na kayo? Bukas ang malaki naming pintuan sa sino mang gustong bumitaw sa kasunduan," may karapatan din naman kasi siyang magalit dahil binubuhay niya kami rito.
"Mauna na po ako," binasag ko ang katahimikan at nagsuklay. Suot ang puting daster at tsinelas ay matapang kong tiningnan ang apat kong karibal.
"Ikaw na ang bahala kay Rimo," aniya ng matanda bago ako umalis sa lugar na iyon.
Pagbukas ko ng pinto sa kanyang kwarto ay nakahiga ang binata sa kanyang kama.
"Biyernes na," sambit ko at bumaba siya upang salubungin ako.
Ikinandado ko ang pinto at nagyapak.
"I-inalis mo ba ang iyong sapin sa paa?" napagtanto ko kung gaano ka-sensitibo ang pandinig niya at nalaman niya ang ginawa ko na hindi man lang niya nakikita, "Oo, nakakahiyang dumihan ang sahig ninyo sa sobrang linis," sagot at paliwanag ko sa kanya.
Tumawa siya at kinapa ako upang mahanap ang aking palad, "G-gusto mo ng kape?" dinala niya ako sa may lamesa at pinaupo.
"Nako, baka mapaso ka," patapon-tapon ang mainit na tubig kaya pinunasan ko na lamang ito nang matapos agad siya.
"I-ikaw na ang maglagay ng asukal, baka maging sobrang tamis," inilapit niya ang lagayan nito sa akin at sinunod ko naman siya.
Habang umiinom ako ng tinimpla niya ay parang hindi siya mapakali, "Anong problema?" ibinaba ko ang aking tasa at hinawakan ang kanyang balikat.
"I-inaakit kasi nila ako," tinakpan niya ang kanyang mukha sa hiya, "Alam ko," sabi ko. Pinag-aagawan na siya, hindi niya alam.
"Aakitin mo rin ba ako?" inosente niyang tanong na nagpahalakhak sa akin. Umalingawngaw ito sa buong kwarto.
Umupo ako sa kama at hinila ang kamay niya upang mapadpad siya sa aking kandungan at bumulong sa kanya, "Natural! Anong gagawin ko rito sa kwarto mo gabi-gabi...magdadasal lang na magka-anak ka sa akin?"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Blind Son
RomanceNineveh stole something. Dahil sa kahirapan, hindi niya kayang kumpiyansahan ang sarili kaya swerte na ang lumapit sa kanya. Don Rioflorido offered her to carry his grandchild. Kapalit nito ay ang pagpapatira sa kanila ng kanyang Lola at bubuhayin s...